Mike Tan ready to do daring scenes: "The more challenging, the more na yun ang gusto kong gawin."

IMAGE 0


"Although parang ang trend nga po ngayon, sexy, naniniwala pa rin po ako na hindi naman lahat kailangan dumaan sa ganoong genre para sumikat. So, it's more on kung yun po kasi ang kailangan sa script at depende rin po sa materyal. Wala pong problema sa akin," says Mike Tan.


Malaki ang exposure ni Mike Tan sa fantasy series ng GMA-7 na Captain Barbell, kung saan gumaganap siya bilang si Teban at ang superhero na si Anino.

Pero tila may plano na isa-isang mawawala ang ibang superheroes sa magiging takbo ng kuwento. At isa raw ang character ni Mike sa magpapaalam.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike tungkol dito, sinabi ng StarStruck winner na hindi pa niya alam ang tungkol dito.

"Actually, hindi ko pa po alam ang mangyayari. May naririnig din po akong ganoon, pero wala pa naman po.

"Siguro po, ipapaalam din naman sa amin kasi sa ngayon, puro taping po kami," sabi niya.

Pero kahit na ganun nga ang mangyari, masaya pa rin si Mike dahil sinabi sa kanya ng handler niya sa GMA Artist Center na posibleng magkaroon siya agad ng kasunod na serye pagkatapos ng Captain Barbell.

"Ngayon po kasi, yung mind ko, yung focus ko talaga, puro sa work.

"At yun nga po, na sa bawat ginagawa ko, gusto ko, nasisigurado ko na naibibigay ko yung best ko sa kahit anong hinihingi sa akin, kahit anong role ko."

GOING SEXY. Minsan na ring nagpakita ng katawan si Mike sa X-Ray magazine. Pero hindi na ito nasundan ng another sexy move niya sa kanyang career.

Ano nga ba ang nangyari?

"Actually, hindi ko rin po alam," sagot ng young actor.

"Pero ako naman kasi, ever since, lalo na noong na-realize ko na yung importance ng career ko, isa yun sa basta wala akong ginagawa, nasa gym ako.

"I do boxing at hiking. Isa yun sa hilig ko, yung hiking.

"Nakaakyat na rin ako sa bundok ng Balagbag [in San Jose del Monte, Bulacan] at Nagsasa [in Subic, Zambales]."

Ready ba siyang sumabak sa daring scenes, yung mas paseksihan pa talaga?

"Ako naman po, wala namang problema sa akin. Lalo na kung maganda talaga yung script. Kung ano po yung hinihingi ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para nga pong nandoon ako sa the more challenging, the more na yun ang gusto kong gawin.

"Pero nandoon pa rin po ako sa paniniwala na although parang ang trend nga po ngayon, sexy, naniniwala pa rin po ako na hindi naman lahat kailangan dumaan sa ganoong genre para sumikat.

"So, it's more on kung yun po kasi ang kailangan sa script at depende rin po sa materyal. Wala pong problema sa akin."

Yung indie films na ang tema ay gay relationship, open siya sa ganoong role?

"Depende po siguro," tila napaisip na sagot ni Mike.

"Ayoko rin pong magsalita ng patapos. Pero para sa akin, depende po talaga sa materyal."

HAVING A GIRLFRIEND. Diretsahan namang tinanong ng PEP si Mike kung sa palagay niya ay may factor ang lovelife sa growth ng career niya.

Nang matapos ang StarStruck Season 2, sila ni LJ Reyes ang naging magkarelasyon na nauwi rin sa breakup.

Ngayon naman, meron siyang non-showbiz girlfriend for four years.

Posible ba na ang pagkakaroon ng girlfriend ay nakakasagabal sa kanyang career?

"Sa tingin n'yo po ba?" balik-tanong ni Mike sa amin.

"Sa tingin ko po kasi, hindi.

"Kasi, like yung relationship ko po with my non-showbiz girlfriend, never naman po siya na naging sagabal sa career ko, or sa kahit ano pong ginagawa ko.

"Busy rin po kasi siya dahil, until now, working student pa po siya.

"Hindi rin po naging isyu sa amin ang trabaho ko.

"At the same time po, hindi rin po nagiging isyu sa trabaho ko yung pagkakaroon ko ng lovelife."

Sa palagay nga ni Mike, may advantage pa nga ang pagkakaroon ng non-showbiz girlfriend.

"Less intriga... Actually, wala nga po halos," sabi niya.

"At saka, wala rin pong problema kahit sino ang makasama ko, kahit sino po ang makapareha ko.

"And pareho po naming alam na yung priority po namin, career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, trabaho talaga. Siya yung trabaho at pag-aaral niya rin."

LJ REYES. Isa na ngayong ina ang ex-girlfriend ni Mike na si LJ Reyes sa anak nito sa StarStruck alumnus ding si Paulo Avelino.

Masaya ba siya para sa dating kasintahan?

Sa naturang tanong, matagal bago nakasagot si Mike.

Aniya, "Yung totoo po? Malungkot po ako.

"Malungkot po ako kasi, kahit noong una kong malaman, parang nasabi ko kasi, sayang.

"Kasi si LJ, she's very talented.

"Tapos noong nangyari pa po yun, she's at the peak of her career.

"So, parang sayang naman.

"Pero siyempre, happy rin ako for her dahil mommy na siya. Na ibang level naman yun.

"Noong makita ko nga siya the other day, nagulat ako kasi ang payat niya.

"Sabi ko, 'Bakit ang payat mo?'

"Yun pala, nagkasakit daw siya, na-food poisoning.

"So, yung sa career na parang nandoon na kasi, doon lang ako parang nalungkot.

"Pero sa nakikita ko sa kanya na masaya siya na mommy na, happy po ako for her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN