Allen Dizon grateful to have best of both worlds — he's an award-winning actor and happy family man

IMAGE 0


In Patikul, based on a Palanca prize-winning screenplay by Kristoffer Brugada, Allen Dizon (right) portrays the role of Amman Al Mutawi, an illiterate Muslim coffee farmer, whose son, Fahad Al Mutawi, played by Martin delos Santos, is one of the smartest children in the town of Patikul in Mindanao. Directed by Joel Lamangan (left), the film is an entry to the Cinemalaya's Directors' Showcase.



Award-winning actor Allen Dizon is blessed to have the best of both worlds — whether as an actor or as private person, be it in his family life or business.

"I'm so thankful to God for guiding me, and for all the blessings I'm having now!" sabi ni Allen sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Gusto ko ring bigyang-credit ang pamilya ko, sa suporta at inspirasyon na ibinibigay nila," sabi rin ni Allen, na kasamang um-attend ng kanyang wife na si Crystelle Dizon sa presscon ng 7th Cinemalaya Filmfest noong Miyerkules, June 8, sa Main Theater lobby ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Allen was at the presscon proper, bilang lead actor ng Patikul, entry sa Directors' Showcase category, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

But he had to beg off sa one-on-one interview, dahil that day, he and Crystelle were celebrating their 10th wedding anniversary at kailangang umalis nang maaga ang aktor.

May tatlong anak sina Allen at Crystelle: Nella Marie, 8, Felixia Crysten, 5, at Lucas Allric, 3.

STRICT PARENT. Sa naunang interview ng PEP.ph ay nagpahayag si Allen Dizon ng kanyang saloobin tungkol sa pagiging padre de familia.

"I make it a point to have bonding moments with my wife and my children.

"Ang sarap ng may pamilya. At gusto kong maramdaman ng mga anak ko, na sila ang pinaka-importante sa akin. I play with them; sabay-sabay kami kumakain, at gusto naming mag-asawa na magkakatabi kami sa pagtulog.

"Palagi kong iniisip ngayon ang kinabukasan ng mga anak ko," sabi pa ni Allen.

"I want to make sure na paglaki nila ay secure ang future nila."

Bilang ama, strict disciplinarian si Allen.

"I don't want to spoil my children," aniya. "Iba na ang priorities ko ngayon. It's always my family. Sila kasi ang inspirasyon at ang buhay ko.

"Ang pangarap ko sa mga anak ko, katulad din ng pangarap ng kahit na sinong magulang: ang makatapos ng pag-aaral at maging responsableng tao sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Importante sa akin ang edukasyon, kaya nagta-trabaho ako noong araw, bilang artista. At the same time, pinilit kong makatapos ng college. I graduated [with a degree] in Hotel and Restaurant Management; iyon kasi ang 'pamana' na walang katumbas na pera."

Allen is firm in his decision sa tatahaking landas ng mga anak nila ni Crystelle.

"Ayaw kong mag-artista ang mga anak kong babae," sabi pa ng aktor. "Iyong paglabas ng panganay ko (Nella Marie), sa pelikulang Marino (2009), katuwaan lang 'yon.

"Gusto ko mag-focus sila sa pag-aaral. Magulo ang showbiz, at 'pag babae, mas prone sa exploitation at sa mga tukso, at hindi ko papayagan na mangyari 'yon sa mga anak ko dahil maayos ko silang palalakihin.

"Itong bunso ko, si Lucas, kapag gusto niya, baka payagan ko, kasi ang lalake, mas kayang dalhin ang sarili. Pero napakabata pa niya. At kung ako ang masusunod, ayaw ko ring mag-artista siya... ewan ko, masalimuot kasi ang showbiz..."

SELFLESS. In Patikul, which was based on a Palanca prize-winning screenplay by Kristoffer Brugada, Allen Dizon portrays the role of Amman Al Mutawi, an illiterate Muslim coffee farmer, whose son, Fahad Al Mutawi (Martin delos Santos), is one of the smartest children in the town of Patikul (a province in Mindanao).

Palibhasa'y salat sa karunungan, pirma lang niya ang kayang isulat ni Amman; at umaasa siya sa kanyang anak sa pagbabasa ng mga dokumento na ibinibigay ng barangay.

Pero nag-aalinlangan ang bata kung ipagpapatuloy ang pag-aaral, o tutulong na lang sa kanyang ama, dahil sa magulong sitwasyon sa kanilang bayan.

Sa pangyayaring huminto ang mga guro sa pagtuturo sa mga bata, si Amman din ang naging isa sa mga instrumento para muling makapag-aral ang mga bata, kabilang ang kanyang anak.

How did Allen relate to his role, as a father deprived of basic education, in Patikul?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, tatay rin ako. Iyong character ni Amman, gagawin niya ang lahat para makapag-aral ang kanyang anak.

"Iniisip ko, given the situation, I'll do the same. Igagapang ko talaga para makatapos ng pag-aaral ang anak ko.

"Ang gustung-gusto ko sa role ko, bilang Amman, ay napaka-selfless niya. Hindi lang ang anak niya ang ipinaglaban niya, kundi ang [estado ng] edukasyon, na problema sa bayan ng Patikul.

"It's one of my best roles sa pelikula," pagtukoy rin ni Allen.

"Excited akong ipapanuod ang pelikulang ito sa mga anak ko.

"Through this film, makikita nila ang kahalagahan ng edukasyon; na masusuwerte sila dahil hindi nila kailangang maglakad ng ilang kilometro, para makapasok sa eskuwela at hindi sila kailangang huminto sa pag-aaral dahil may karahasan na nagaganap sa kanilang lugar.

"Nagpapasalamat ako kay Direk Joel Lamangan, sa pagtitiwala niya sa akin," saad ni Allen.

BEST OF BOTH WORLDS. Kilalang indie actor si Allen. In fact, he won acting awards para sa mga nilabasan niyang indie films, tulad ng Twilight Dancers (2006), directed by Mel Chionglo; and Joel Lamangan's Dukot (2009), at the PMPC Star Awards for Movies '07; and the Gawad Tanglaw and FAMAS, in 2010, respectively. This year, marami rin siyang natamong nominasyon, bilang second-lead actor, para sa Sigwa (2010), also by Lamangan.

Pero masuwerte rin si Allen, na nagkaroon siya ng pagkakataon to do a regular soap opera, ang Nasaan Ka, Elisa, for ABS-CBN. Ang Nasaan Ka, Elisa ay magkatuwang na pinamamahalaan nina Jerome Pebocan at Richard Arellano.

Dennis Evangelista, Allen's manager, informed PEP na ang talent niya ay isa sa mga major characters ng nasabing teleserye na pinagbibidahan ni Melissa Ricks.

As Elisa, Melissa reprises the role of a Chilean actress, na gumanap sa orihinal na seryeng mula sa Chile (a South American country), while Allen portrays the part of Albert Martinez's best friend and as the lover of Vina Morales's character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From start to end (of the suspense-drama series) ay visible ang character ni Allen. Magiging suspect siya sa pagkawala ni Elisa," added Dennis.

Nasaan Ka, Elisa awaits airing while Allen's new indie project, Patikul, will have its Gala premiere and regular screenings at the CCP venues, starting July 16, 2011.

Kabilang din sa cast ng Patikul sina Marvin Agustin, Glaiza de Castro, Dimples Romana, Ciara Sotto, Jim Pebanco, Gilette Sandico, Martin delos Santos, at Angeli Nichole Sanoy.

Meanwhile, isa pang bagong indie project ang pinagbibidahan ni Allen Dizon, ang Deadline (Reign of Impunity), also directed by Joel Lamangan.

Dito'y isang ma-prinsipyong journalist, na nalagay sa panganib ang buhay, ang ginampanan ni Allen. Aside from Allen, Deadline stars Tirso Cruz III, Ina Feleo and Lovi Poe.

With strong political undertones, the film tackles media killings and warlordism in present Philippine society. Deadline had well-attended premieres early this year, while several screenings are also scheduled, locally and internationally.

BUSINESS PROSPECTS. Allen Dizon's indefatigable PR-manager also revealed to PEP the actor's upcoming projects, in line with his and his director Lamangan's "advocacy films."

"A film on OFWs (Overseas Filipino Workers), to be sponsored by the NGO (nongovernmental organization) Migrante all over the world," said Dennis.

"Lined up for this year are films on such subjects as land reform, reproductive health, labor unrest and the urban poor."

Moreover, his ward, according to Dennis Evangelista, finds time for some private businesses, partly to finance the indie films he co-pro-produces, under his own outfit, ATD Productions, Inc.

"He's part-owner of a food chain, na ayaw niyang ipa-mention," Dennis said. "It is located in SM Pampanga and NLEX Caltex. Kasosyo niya dito ang kanyang brother-in-law, na naka-base sa Amerika.

"Lie low na siya sa car trading business; it's not doing well, kumpara dati, although paisa-isa at paminsan-minsan, nakaka-suwerte siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, nakaka-survive naman ang negosyo. Allen wants to keep this business, hanggang sa paglaki ng kanyang mga anak," sambit pa ng manager ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN