Timmy Cruz returns to Kapuso network in afternoon drama series, Sinner Or Saint

IMAGE 0


"My manager, Tita Angge got me a project dito nga sa GMA-7. She asked me first if I wanted to do it kasi it's a very good role daw. Since matagal din akong hindi nakagawa for GMA-7, tinanggap ko na rin. And really, na-challenge ako sa role na binigay sa akin. Parang napaarte ulit ako ng matindi," Timmy Cruz says about her return to the Kapuso network.


Nagbabalik sa paggawa ng drama sa GMA-7 ang '80s pop singer na si Timmy Cruz. Kung matatandaan ay sa GMA-7 unang sumabak sa pag-arte sa telebisyon si Timmy via Villa Quintana noong 1995 at nasundan ng Halik Sa Apoy noong 1998.

Pagkatapos ng 13 years ay magbabalik GMA-7 si Timmy via the new afternoon drama series na Sinner Or Saint kunsaan gaganap niya bilang Sally, ang ina ni Noemi na gagampanan ni Bianca King.

Naikuwento ng fortysomething singer-actress na bumalik lang ulit siya sa pag-arte sa TV noong 2008 via Lobo sa ABS-CBN 2. Nasundan ito ng Precious Hearts Romance: Love Is Only In The Movies at ang pinakahuli ay ang Kapitan Inggo.

"I really wanted to take a vacation muna and concentrate on an album na ipo-produce ko. In and out naman ako sa acting on television, e. After a long vacation from acting, bigla akong bumalik and I'm glad na magaganda ang mga projects na binibigay sa akin," Timmy told Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) in a recent interview.

"My manager, Tita Angge got me a project dito sa GMA-7. She asked me first if I wanted to do it kasi it's a very good role daw. Since matagal din akong hindi nakagawa for GMA-7, tinanggap ko na rin. And really, na-challenge ako sa role na binigay sa akin. Parang napaarte ulit ako ng matindi.

"And it's so nice to be back with GMA-7. The series I did for them was Villa Quintana and Halik sa Apoy. I also did a few episodes for Viva Spotlight and mga telesines noon. Many years ago pa iyon kaya it's a good comeback for me sa GMA-7.

"And it's so nice to see old and familiar faces among the press. Yung mga reporters na nakilala ko noong nagsisimula ako, nandito pa rin sila and they are still very active after all these years," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumikat si Fatima "Timmy" Cruz noong 1986 dahil sa single niya na "(I Love You) Boy" mula sa kanyang album sa ilalim ng Vicor Records. Naging big hit ang single niyang iyon kaya napasok din ni Timmy ang pag-arte sa pelikula.

Naging contract star siya ng Viva Films at ginawa niya ang mga pelikulang Kumander Bawang, M&M: The Incredible Twins, Di Na Natuto (Sorry Na, Puwede Ba?), Kung Kasalanan Man, Pangarap Na Ginto, Lumaban Ka... Sagot Kita at The Sarah Balabagan Story.

Naging leading lady din siya nila Joey de Leon in She-Man: Mistress of the Universe (1988); Eddie Garcia in Alfredo Lim: Batas Ng Maynila (1995) at ng the late Fernando Poe, Jr. sa Batas ng .45 (1991). Nagkaroon din ng sariling musical-variety show si Timmy kasama si Louie Heredia titled, Lots To Catch.

Kung tutuusin ay hindi kailangang magtrabaho ni Timmy sa showbiz dahil galing ito sa isang mayamang pamilya. Nakatapos siya ng Business Administration sa University of the Philippines at nag-aral pa siya ng Banking and Financing at the University of San Francisco in California, USA. She also took up voice lessons and classical music sa UP Conservatory of Music.

Nagma-may-ari sila ng rural bank na Paluwagan ng Bayan (na binenta na raw nila sa Banco de Oro), marami silang mga malalaking properties at mga paupahang bahay. Iba-iba rin ang mga negosyo ng kanilang pamilya. Ang father niya ay ang lawyer na si Angel Cruz at ang mother niya ay ang businesswoman and civic leader na si Lourdes Lontok-Cruz na sumakabilang-buhay na.

Pero naging outlet ni Timmy ang mag-perform since she was 2 years old. At noong high school siya sa Maryknoll ay isa siya sa active members ng kanilang Glee Club. Kaya naman nabigyan siya ng pagkakataon na ma-i-share ang kanyang talent, hindi lang sa pagkanta kundi sa pag-arte na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know what, I am very thankful for the career I've had. I just wanted to sing and look at where it has taken me. My parents just wanted me to have a career [in business] at maging hobby ko na lang ang singing. But they remained very supportive sa pinili kong career and I know that I've made them very proud.

"Hindi ko ito pinlano lahat; God did this for me. Kaya very thankful ako na hanggang ngayon, at my age, may mga offers pa rin. It's a blessing and I want to continue performing habang kaya ko pa."

In her spare time, may mga tinuturuan at tinutulungang mga bata si Timmy sa iba't ibang lugar at may mga environmental advocacies din siya na pinamumunuan. Natutunan raw niya ang maging charitable mula sa kanyang mga magulang.

"My parents taught us noong mga bata pa kami ng mga kapatid ko na we should give back whatever blessings na natanggap namin sa buhay. We've been doing that for as long as I can remember. My late mom was so good sa mga pagtulong niya sa maraming tao kaya nga I miss her.

"Kaya tinutuloy ko na lang ang sinimulan nila. I'm producing this album that speaks of the world we live in now. Yung magiging proceeds no'n will go to the various foundations that I am helping.

"Walang ngang asawa at anak si Timmy at kuntento na raw siya na maging single. Ang kanyang pagtulong sa mga bata at sa environment ang kanyang matatawag na tunay na kaligayahan sa buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN