(UPDATED) Actor-director Ricky Rivero sustains multiple stab wounds in suspected robbery

IMAGE 0


Former That's Entertainment member and ABS-CBN director Ricky Rivero sustained 17 stab wounds in a suspected robbery. Rivero drove himself to the Philippine Heart Center to receive treatment.


Positibong itinuro ng actor-TV director na si Ricky Rivero ang suspek sa pananakasak sa kanya na si Hans Ivan Ruiz ngayong hapon, June 13, sa kanyang hospital bed sa St. Luke's Hospital sa Quezon City.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi noong una ni Ruiz na siya ang sumaksak kay Rivero.

Labimpitong saksak sa tiyan at dibdib ang tinamo ni Rivero sa insidente na nangyari kaninang madaling-araw, June 13, sa kanyang apartment sa Masikap Street, V. Luna, Diliman, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District at report ng dzMM, sinabi ni Ruiz sa kanila na nagkakilala sila ng 39-year-old actor/director sa pamamagitan ng Facebook five months ago.

Kagabi, magkasamang umuwi sa apartment sina Rivero at Ruiz.

Kaninang madaling-araw, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa dahil humihingi si Ruiz ng pera kay Rivero, na naghahanda nang umalis para sa taping ng Mula sa Puso.

Humantong sa pananaksak kay Rivero ang pagtatalo, tumakas si Ruiz, dala ang laptop ng actor-director.

Pero bumalik si Ruiz, 22, sa crime scene para linisin ang mga ebidensiya na mag-uugnay sa kanya.

Humingi pa raw ng tulong si Rivero kay Ruiz na dalhin siya sa ospital.

Naabutan ang suspect ng mga barangay tanod na sumaklolo sa actor-director.

Nakuha rin ang patalim na ginamit ni Ruiz at itinapon sa isang fire truck na nakaparada sa harap ng barangay hall

Si Rivero ang nagdala sa sarili sa Philippine Heart Center, ang ospital na pinakamalapit sa kanyang apartment, pero inilipat siya sa St. Luke's.

Kahit sugatan at duguan, nakapagmaneho pa ng sasakyan si Rivero para makarating sa Philippine Heart Center.

Nagsimula ang acting career ni Rivero noong 1986 nang ipakilala siya ng Viva Films sa pelikulang Ninja Kids.

Naging miyembro rin siya ng dating youth-oriented show na That's Entertainment ni German "Kuya Germs" Moreno.

Lumalabas pa rin si Rivero sa pelikula, kabilang ang Here Comes The Bride at Petrang Kabayo, pero mas kilala siya ngayon bilang direktor ng mga TV series ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN