John Lloyd Cruz on being the first male cover of YES! 100 Most Beautiful Stars: "Awkward."

IMAGE 0


"Sabi ko nga, it's really awkward to be here. And to be the number one, parang medyo inappropriate. Pero kapag sinabi ng napaka-credible ng team behind YES! magazine, kailangan mong irespeto. Hindi siya isang bagay na para lang masabi ng YES!, hindi nila gagawin yun," says John Lloyd Cruz about being the first male cover of YES! 100 Most Beautiful Stars.


Bago pa man sumabak sa pag-aartista 14 years ago si John Lloyd Cruz, tiyak na marami na ang nagsasabi at madalas na niyang naririnig ang mga katagang "pogi" o "guwapo" siya.

And through the years ng pagiging matinee idol, box-office king, and one of the best actors of his generation, mas lalo pang dumarami ang humahanga sa pisikal niyang kaanyuan.

Kaya naman hindi kataka-taka kung si John Lloyd ang napili ng YES! magazine upang maging kauna-unahang male cover ng kanilang 100 Most Beautiful Stars special edition.

Ang mga nag-cover na sa YES! 100 Most Beautiful Stars ay sina Judy Ann Santos (2007), KC Concepcion (2008), Marian Rivera (2009), at Kim Chiu (2010).

Sa ginanap na press conference at unveiling ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2011 kaninang tanghali, July 28, sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza sa Ortigas, "awkward" daw ang naramdaman ni John Lloyd nang malaman niyang siya ang cover at "Most Beautiful" this year.

"Para mapasama sa listahan ng ganitong naggagandahang mga nilalang, at ikaw pa ang cover ng magazine, overwhelming definitely.

"But it's awkward to be here. But nevertheless, I'm very thankful."

Sinabi ito ng aktor during the presscon proper, kung saan nakatabi niya sa presidential table ang editor-in-chief ng YES! na si Jo-Ann Maglipon at ang ilan sa mga mga nakasama sa listahan this year—Glaiza de Castro, Lovi Poe, Empress Shuck, Rocco Nacino, Barbie Forteza, Jillian Ward, Isabelle Daza, Louise delos Reyes, Bela Padilla, Joseph Marco, Yen Santos, at si John Lapus na siya ring nag-host ng event.

Ayon naman kay Jo-Ann, "Ang dami-daming guwapo, pero for some reason, nababaitan talaga kami, nababaitan talaga ako sa batang 'to. Kaya siguro lahat, may common vote."

BEAUTY FOR JOHN LLOYD. Ano naman ang sariling concept ni John Lloyd tungkol sa beauty?

"Ako, tingin ko kasi, I have a very complex way of defining or seeing beauty.

"Totoo nga ang sinasabi ko na iba-iba tayo ng pagtingin kung what's beautiful...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, well, physically—great hair, magandang legs, yung medyo may pagka-misteryoso ang mata, sexy back.

"But tingin ko kasi, real beauty comes with what happened... it is something more substantial.

"And to be more specific, kaya medyo complex ang pagtingin ko sa beauty, I think the more intriguing form of beauty is pain and suffering."

Nararamdaman ba niyang "beautiful" siya?

"'Yun ang sabi ng daddy ko na, 'Wag mong masyadong ramdamin. Kasi, kapag pumasok sa isip mo 'yan, baka maniwala ka.'"

Dahil si John Lloyd ang first male cover ng YES! 100 Most Beautiful Stars, ano ba ang pakiramdam niya na natalo at naungusan niya ang ibang male stars?

''Yung katawan ni Piolo [Pascual], maganda sa girl lang yun. Yung katawan ko, mas masarap yakapin!" natatawa niyang sabi.

TOP MALE ENDORSER. Bukod sa pagiging "Most Beautiful," si John Lloyd din ang top male endorser, ayon sa listahan na isinagawa rin ng YES! para sa kanilang August 2011 issue. Kaya maaaring sabihin na siya rin ang "richest" male star.

Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Well, malapit na 'kong masiraan ng bait!" biro niya.

"Siyempre, nagpapasalamat ako... I guess, ang pinakadapat kong pasalamatan, all the brands na nagtitiwala at patuloy na sumusuporta at kinukuha ko na i-endorse ang kanilang mga produkto.

"And for YES! magazine for coming out with that and, yes, it makes me more proud."

Anong meron siya sa tingin niya na isa siya sa most trusted endorsers ng iba't ibang kumpanya?

"Sabi nila, ano raw ako, parang kaibigan mo lang ako," sabi ni John Lloyd.

"They used the term 'every man.' Kumbaga, medyo mas accessible yung personality. Siguro ganoon.

"Anyway, kagaya ng sinasabi ko about this most beautiful ranking, sila [YES!] ang nagbibigay no'n, e.

"Sila ang naglalagay sa posisyon at hindi naman tayo ang naglalagay sa sarili natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWKWARD. Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si John Lloyd after the presscon proper, sinabi nitong nagustuhan niya ang naging parting words ni Jo-Ann Maglipon.

"Sinabi niya na more than the physical attributes of beauty, mas meron pang iba.

"Siguro this year, mas nag-iba yung nagda-drive para makapasok ka sa list."

Totoo raw na parang "awkward" nang malaman niyang siya ang cover and the "Most Beautiful."

"Kanina nga, sinabi ko sa panel discussion, ilang beses ko silang tinanong kung sigurado ba kayo.

"Siguro, iba-iba lang talaga kung paano natin bigyan ng kahulugan ang word na beauty.

"Kung physical beauty ang pag-uusapan, like kung paano ko na-describe kanina.

"Like ako, mas fascinated ako sa beauty na nakikita ko na mas nakaka-inspire sa akin.

"Tulad nga ng sinasabi ko kanina, like gusto kong bigyan ng ibang kahulugan yung beauty."

Kahit daw mga babaeng artista, masasabing naungusan din niya sa taong ito.

Pero ayon sa Kapamilya actor, "Sabi ko nga, hindi naman tayo ang naglagay sa sarili natin para mapunta sa posisyon na yun.

"Sabi ko nga, it's really awkward to be here. And to be the number one, parang medyo inappropriate.

"Pero kapag sinabi ng napaka-credible ng team behind YES! magazine, kailangan mong irespeto.

"Hindi siya isang bagay na para lang masabi ng YES!, hindi nila gagawin yun."

Ayon pa sa editor-in-chief ng YES!, wala raw silang ibang napagpiliang male star para maging "Most Beautiful" maliban kay John Lloyd.

Ano ang pakiramdam niya rito?

"Kaya nga, e, really awkwardness lang talaga," sagot niya.

"Salamat... I mean, salamat sa sinasabi niyang ganoon.

"Siguro, ibang tema lang nila this year. Pero kung anuman ang criteria nila, baka siguro na-meet natin."

Tinanong din ng PEP si John Lloyd kung nararamdaman niya na sa hanay ng mga aktor ngayon sa Pilipinas, siya ang nagta-top talaga in many aspects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, no... maraming ibang artista na kagaya ko na kaya kong sabihin na mas maraming kayang gawin higit sa akin.

"I mean, ako nga, puwede kong i-consider na limited ang kaya kong gawin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN