John Lloyd Cruz considers girlfriend Shaina Magdayao as No. 1 most beautiful "in essence"; denies going to bars lately

IMAGE 0


"Hindi naman. Napaka-boring nga, bihira nga akong lumabas. At yung mga kaibigan ko na nakakakilala sa akin, like sina Billy [Crawford], sila Vhong [Navarro], alam nila na bihira akong lumabas. So, hindi yun totoo," says John Lloyd Cruz of his alleged bar-hopping.


Sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2011 kaninang tanghali, July 28, sa Crowne Plaza sa Ortigas, hindi puwedeng hindi kamustahin at itanong sa cover boy na si John Lloyd Cruz ang personal niyang buhay, lalo na ang may kinalaman sa kanyang lovelife.

May lumalabas kasing intriga na parang may pinagdadaanan ito at ang girlfriend niyang si Shaina Magdayao.

Kesyo madalas daw napagkikita ngayon si Lloydie (palayaw ni John Lloyd) sa ilang bars.

"Hindi naman," tanggi ni John Lloyd sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

"Napaka-boring nga, bihira nga akong lumabas.

"At yung mga kaibigan ko na nakakakilala sa akin, like sina Billy [Crawford], sila Vhong [Navarro], alam nila na bihira akong lumabas. So, hindi yun totoo."

Kumusta sila ni Shaina ngayon?

"Again, I'm sure, mero'n lang nagpapalabas na mga ganyang balita dahil tahimik kami.

"Ginagawan kami ng isyu, na may pinagdadaanan.

"But sincerely and all honesty, okay kami. Tahimik lang talaga kami," sabi ng aktor.

May isyu rin na binigyan daw niya ang girlfriend ng singsing, pero ani John Lloyd, "Wala pa."

NOT ON THE LIST. Number one si John Lloyd sa list of 100 Most Beautiful Stars this year, pero ano ang reaction niya na hindi kasama ang girlfriend niyang si Shaina Magdayao?

"Hindi ko pa nakikita ang list. Pero alam n'yo, siyempre, kumbaga, sila [YES!] ang nagsasabi. Sila ang may hawak ng criteria.

"Kailangan mong irespeto yun. Basta sa akin, number one most beautiful yun [Shaina]," sagot niya.

Para sa kanya, sino ang top three most beautiful stars?

"Siguro, para sa akin, yung magdi-define ng guwapong Pinoy, I think, it's Jericho Rosales. Pinoy look at talagang guwapo.

"Sa babae si Mylene Dizon, and pangatlo would be Isabelle Daza."

Bakit wala sa listahan niya si Shaina?

"Hindi... Siguro kasi, kasabay lang yun ng intensiyon that we don't talk openly about one another.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo iniiwasan lang siguro namin na kapag ganyang mga tanong, parang it's almost automatic na huwag naming isama yung isa't isa. Kaya lang ganoon 'yun.

"But of course, in essence, yun [Shaina] ang number one most beautiful for me."

NEXT LEADING LADY? Ayaw na raw magbigay pa ng pahayag ni John Lloyd sa kung sino ang susunod niyang makakasamang leading lady sa next project niya.

"Ayoko nang magsalita. Kasi, di ba, ilang beses akong nagsabi sa inyo na may movie ako with Ganito. Tapos, naiiba.

"Nabalitaan ko kasi na may mga fans na nagtatampo or sumasama ang loob. Ayoko nang mangyari yun.

"Ako na lang. Siguro, pinakamaganda kapag nagsu-shoot na kami, makikita n'yo naman. Mababalitaan n'yo naman.

"Ayoko nang magbigay ng false hope sa ilang sumusuporta sa mga posible kong leading ladies," pahayag niya.

Kumusta ang pinaplanong reunion movie nila ni Sarah Geronimo?

"Alam n'yo, as of this moment, hindi ko alam. Hindi ko alam kung kanino ako matutuloy.

"Sabi ko nga, after having said what I said, ayoko nang magbigay ng kahit na anong detalye sa kahit na anong project for a certain leading lady.

"Pinaka-ayoko sa lahat, maka-disappoint ako ng fans.

"Siguro, ito lang ang kaya kong sabihin sa ngayon—tomorrow morning [July 29], I'll have a meeting with Star Cinema.

"So, doon ko pa lang malalaman.

"And actually, kahit malaman ko, ang gusto ko pa rin mangyari, kapag nagsu-shoot na kami...['tsaka sasabihin].

"Mababalitaan n'yo naman yun, siguro. Yun na ang pinaka-final answer."

Personally, kanino niya gustong magkaroon ng reunion movie—Angel Locsin, Bea Alonzo, or Sarah Geronimo?

"Noong tinanong ho ako niyan, sabi ko, 'I realized, wala akong kailangang piliin.'

"Matagal ko nang miss na miss na makatrabaho si Bea. Ang tagal na naming walang ginagawa.

"Natuwa ako noong nabalitaan ko na gagawa ng Part 3 [ng movie with Sarah]. Kasi, ang daming nagtatanong din kung kailan gagawin ang Part 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, My Amnesia Girl Part 2 with Toni [Gonzaga] would be as exciting.

"With Angel naman, yun ang pinakamalapit sa akin na after Imortal, puwede kaming gumawa ng movie.

"I think, ang mas importante sa akin, yung material," sabi ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN