Jay Perillo on status of relationship with Kris Bernal: "I wouldn't say na official na kami."

IMAGE 0


"Siguro this time, nag-take lang ako ng risk, tinawid ko na yung friendship. Nanligaw na ako sa kanya... Siyempre, ako naman, nirerespeto ko lang kung ano ang gusto niya. Kung kailan niya sasabihin ang matamis na oo, e, di do'n tayo magdiwang nang pare-pareho," says Jay Perillo about his relationship with Kris Bernal.


Ilang linggo pa lang mula nang mai-release ang first self-titled album ni Jay Perillo.

At kitang-kita sa aura ng singer kung gaano siya kasaya ngayon nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, June 12.

Matagal din kasi niyang pinagtrabahuhan na mabuo ang kanyang pangarap na album, kaya ngayong lumabas na ay hindi mapagsidalan ang kasiyahan niya.

Dalawa ang compositions ni Jay sa album and the rest ay cover songs na.

Yung dalawang original songs na yun ay parehong dedicated daw sa rumored girlfriend niyang si Kris Bernal—ang "Nakatanim" at "When I Saw You."

"Sabi nga sa lyrics [ng 'When I Saw You'], 'Unang kita ko pa lang,' so parang ganoon.

"Sa 'Nakatanim,' sabi nga sa chorus, 'Nakatanim ang larawan mo sa isipan ko.'

"It's all feelings talaga."

Natuwa naman daw si Kris nang malaman nito na sa kanya dedicated ang dalawang kantang yun.

At para kay Jay, inspiration niya ang Kapuso young actress sa pagkakabuo ng album.

Ayon sa singer, "Feeling ko, masaya naman siya at siyempre, mas makakapagsalita siya for herself.

"Ako naman po, sa naramdaman ko, parang masaya naman po siya.

"Unang-una, hindi siya makapaniwala. Parang gustong-gusto na niyang mapakinggan.

"E, inaaasar ko pa siya na parang, 'Huwag muna, sabay ka na lang sa kanila kapag lumabas.'

"Niloloko ko lang siyang ganun.

"Inabangan namin sa radio, tapos noong tumugtog siya, nakita ko yung tweet ni Kris na nakikinig pala siya.

"Siyempre, natuwa naman ako," nakangiti niyang sabi.

For the record, gaano na sila katagal ni Kris?

"Siyempre, matagal na kaming magkaibigan!" natatawang sagot ni Jay.

"Siguro kung tatanungin n'yo kung kami ni Kris, I wouldn't say it's official.

"I wouldn't say na official na kami.

"So, yun, ano lang, siguro this time, nag-took lang ako ng risk, tinawid ko na yung friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nanligaw na ako sa kanya. So, sana... E, dalagang Filipina, e."

Dugtong pa niya, "Siyempre, ako naman, nirerespeto ko lang kung ano ang gusto niya.

"Kung kailan niya sasabihin ang matamis na oo, e, di do'n tayo magdiwang nang pare-pareho."

Hindi kaya isa sa kinu-consider nila kaya ayaw pa nilang umamin ay dahil may mga itinatambal kay Kris na young actors?

"Hindi naman," sabi ni Jay.

"Nakikita ko naman kay Kris na wala namang ganun.

"Kumbaga, nakakalabas naman kami at kapag may mga tao, never ko namang narinig sa kanya na, 'Huwag mo akong lalapitan,' yung mga ganoon... Walang ganoon.

"Kahit may mga tao, may nag-i-interview. Alam naman namin kung saan kami lulugar."

Happy and fulfilled ba siya ngayon?

"Sobrang happy po ako ngayon," nakangiting sagot niya.

"Siyempre, with the album, thankful ako sa lahat.

"Sa Panginoon at sa mga biyaya na ipinagkakaloob sa akin.

"At sa mga taong nagtitiwala, lalo na ang Viva, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN