Sexbomb's Johlan Veluz reportedly confronts boyfriend Edgar Allan Guzman at NAIA Terminal 2 about the actor's reported "fling" with Milagring

IMAGE 0


Nagkakalabuan daw sina Johlan Veluz (left) at Edgar Allan Guzman (right), dahil sa "special something ng huli" sa dancer na si Milagring (inset).


Sinugod daw ng SexBomb dancer na si Johlan Veluz ang kanyang boyfriend na si Edgar Allan Guzman sa NAIA Terminal 2 kaninang madaling-araw, June 23.

Ito ang feed na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na may alam sa kaganapan noong lumapag ang eroplano ni Edgar Allan na galing sa Cebu.

Kasama rin daw sa naturang flight ang TV5 talents na sina Rainier Castillo, Joseph Bitangcol, at Empoy.

Ang sinasabing dahilan ng pagsugod umano ni Johlan ay ang miyembro ng defunct ASF dancers na si Milagring.

THE SOURCE'S VERSION. Sa kuwento ng source, sinabi nitong hindi na raw naabutan ni Johlan sa airport si Milagring.

(Ang dancer na sumikat dahil sa Wowowee at ang dating Mr. Pogi ay parehong napapanood sa Lokomoko U ng TV5. Ang una ay regular na nakikita sa show ni Willie Revillame na Wil Time Big Time, habang ang uli ay kasama sa Hey, It's Saberdey!)

Dagdag pa ng source, hindi raw niya matukoy kung anong "special something" meron ang dalawa dahil nga si Edgar ay boyfriend ni Johlan at si Milagring naman ay may boyfriend din na miyembro ng Streetboys.

JOHLAN'S STORY. Nakontak ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan si Johlan kaninang 2:55 p.m.

Sa panayam sa kanya sa pamamagitan ng cell phone, itinanggi nito na sinugod niya si Edgar.

Aniya, nakatakda raw silang magkita dahil dapat sana ay may pupuntahan pa sila.

"Hindi po ako sumugod," depensa ni Johlan.

"Kasi po, talagang usapan po namin ni Edgar na susunod nga po ako sa airport kasi nga po may lakad kami."

Bandang 11:30 p.m. daw ay nagkausap sila ng boyfriend, na nakatambal niya sa isang season ng Daisy Siyete.

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, "Kaso ang nangyari, after nga po nung usapan namin, biglang yun nga po, may nag-text nga po sa akin about po dun sa nangyayari sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun po, nag-text po siya, nag-confirm lang po siya sa akin, tapos yun nga po.

"Siguro kaya sinabing sumugod ako, kasi nga po hindi na din po ako okay nun, e, nung nasa airport ako.

"Siyempre nabigla din po ako. Bakit ganun? Yun po ang nangyari."

Pero maayos at tahimik daw ang kanilang pag-uusap.

Ang bati raw niya kay Edgar, "Ano ba yun? Kasi sabi ko, ano ba talaga ang nangyayari sa inyo?'

"Tapos sabi niya, 'wag na dito.' Sabi ko, 'Hindi, gusto ko makausap si Milagring para hindi na tumagal.'

"E, sabi niya, ''Wag na muna,' So ginawa namin, umalis muna kami sa airport. Sa parking [lot] po kami ng airport nag-usap."

Ang sinasabing text message ang naging dahilan para mag-iba ang kanyang mood bago pa man siya makarating sa airport.

"Kanina po, sabi sa akin, kanina daw po pagsakay ng van, magkatabi na sila, iba na daw, iba na daw yung ginagawa.

"Tapos naulit pa daw po yun after ng mall show, papunta naman daw po sila ng hotel, na magkatabi din sila sa likuran ng van. Ganun po, yun yung text sa akin."

Nang tanungin namin kung si Milagring ba ang kanyang tinutukoy, ang sagot ni Johlan: "Opo, siya nga po."

THE SECOND TIME AROUND. Ayon sa dalaga, hindi raw ito ang unang beses na naugnay si Edgar kay Milagring.

Recently lang daw ay may lumabas ding report na naghalikan daw ang dalawa sa Davao, kung saan nagkaroon sila ng show.

Ang insidenteng ito daw ay inamin ng aktor kay Johlan.

"Yung isang issue na nag-kiss sila sa Davao, inamin niya po na may something po sila.

"Inamin naman po sa akin ni Edgar yung nangyari, na may something nga daw po sila."

Pero yung insidenteng nangyari sa Cebu, nagpasya si Johlan na tawagan at kausapin na rin ni Johlan si Milagring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Milagring po kanina po nakausap ko," ang kuwento niya.

"Sinasabi niya na wala na. Yung harutan nila, wala lang, parang flirt lang, wala lang sa kanila—na hindi na gusto ng ibang tao na nakakakita.

"'Tapos tinanong ko kung bakit kailangan nilang mag-kiss na lips to lips, hindi po siya nakasagot."

WHAT NOW? Sa ngayon daw ay hindi pa sila nagkakaayos ni Edgar.

Hindi pa rin daw okay si Jolan, na naguguluhan sa mga nangyayari sa kanyang almost-three-year relationship.

"Hindi ko po masabing okay [ako] kasi siyempre masakit po [yung nangyari].

"Actually, hindi ko alam ang gagawin ko po talaga.

"Kasi yung isa nagke-claim po, yung lalaki nagke-claim, yung babae ayaw.

"Nung tinanong ko about sa kiss, wala naman po siyang masagot."

Kaya hindi pa raw alam ni Jolan kung ano ang kahihinatnan ng kanilang relasyon.

"Wala pa po talagang plano. Pero kagabi po, sabi ko kay Edgar, yung space nga po. Sabi ko,ayusin muna natin lahat.

"Gusto ko nga makausap ng personal si Milagring, kasi hindi ko po kasi talaga siya kilala. Personally, hindi ko siya kilala."

EDGAR'S SIDE. Sinubukan ding kunin ng PEP ang side ni Edgar sa pamamagitan ng kanyang manager na si Noel Ferrer, na nag-reply sa text ng, "He'd rather not comment on the issue for now."

Samantala, bukas ang PEP sa anumang reaksiyon ni Milagring.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN