Ai-Ai delas Alas on her third Star Awards Best Actress trophy: "Another blessing na naman ito."

IMAGE 0


Ai-Ai delas Alas was one of the hosts of 27th Star Awards for Movies, where she also won as Best Actress for her performance in Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To). In this photo, Ai-Ai delas is wearing her second gown for the night, which is designed by Frederick Peralta. "Salamat naman di nasayang 'yong gown ko," she quipped.


Nakopo ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang ikalawang Best Actress trophy para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To).

Una siyang nanalo sa 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre.

Ang ikalawa ay nakuha niya sa 27th Star Awards for Movies na ginanap noong Martes, June 21, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Hotel Manila sa Pasay City.

Ito naman ang ikatlong tropeyo ni Ai-Ai mula sa Star Awards for Movies. Una siyang nanalo noong 2004 para sa Ang Tangina Ina, at pangalawa noong 2008 para sa pagganap niya sa Ang Cute ng Ina Mo.

Sa umpisa pa lang ng speech ni Ai-Ai ay humirit na agad siya ng patawa kung kaya't tawanan lahat ng audience.

"Salamat naman di nasayang 'yong gown ko!" sabi ni Ai-Ai, na nakadalawang palit ng gown sa awards night.

Bukod kasi sa pagiging nominado ay isa rin siya sa nag-host, kasama sina Boy Abunda, Jericho Rosales, at Toni Gonzaga.

Siyempre, hindi nakalimutang pasalamatan ni Ai-Ai sa kanyang speech ang lahat ng may kaugnayan sa kanyang pagkapanalo.

"Maraming-maraming salamat po siyempre sa aking ABS-CBN family—kay Ma'am Charo [Santos-Concio], kay Tita Cory [Vidanes], siyempre kay Sir Gabby [Lopez].

"Kay Tita Malou [Santos], kay Ms. [Tess] Fuentes, kay Roxy [Liquigan].

"Salamat din po siyempre sa aking direktor, si Direk Wenn Deramas sa pagpapa-okay mo sa akin.

"Salamat Direk kahit last na 'to—ito ay hindi pa rin last na magsasama tayo.

"Siyempre pa sa aking best friend sa pelikula, si Eugene [Domingo]."

Lalo pang nagtawanan ang audience sa mga sumunod pa nitong mga pinasalamatan.

"A, 'tsaka sa mga anak ko po sa Tanging Ina... At saka, actually meron akong listahan, baka may makalimutan ako. Di ko naman to ine-expect!" natatawang sabi ni Ai-Ai.

"Baka magalit sila sa akin... Sa mga anak ko po sa pelikula, maraming-marami pong salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nais ko pong i-share 'tong award na 'to sa aking mga co-nominees. Ang mga nominado na magagaling pong mga aktres, maraming salamat po."

Ang mga nakalaban ni Ai-Ai sa kategoryang ito ay sina Lorna Tolentino at Bea Alonzo para sa Sa 'Yo Lamang, Anne Curtis (In Your Eyes), Angelica Panganiban (Here Comes The Bride), Lovi Poe (Mayohan), at Dawn Zulueta (Sigwa).

MMFF. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Ai-Ai pagkatapos ng awards night ukol sa kanyang nalalapit na team up with Vic Sotto.

Kung sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival ay madalas magkatapat ang kanilang mga pelikula, ngayong taon ay magsasanib-puwersa sina Ai-Ai at Vic sa pamamagitan ng Enteng ng Ina Mo. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang nararamdaman ni Ai-Ai na hindi na niya makakasama sa next MMFF sina Direk Wenn at ang kanyang best friend sa pelikula na si Eugene?

"Siyempre malungkot, pero nando'n pa rin kami para suportahan ang isa't isa.

"Hindi naman kasi mawawala 'yong samahan, e, 'yong pagkakaibigan."

Pero excited na excited naman si Ai-Ai sa kanyang team-up with Bossing Vic.

"Kasi lagi sa MMFF, magkalaban kami, e. At least ngayon kami na 'yong magkakampi.

"Hindi na namin kailangan maglaban, hindi na kami war, kami na 'yong magkasangga.

"Sigurado masaya ito," patuloy niya.

"Sana mag-gross ulit kami. Sana mag-number one kami.

"Kung di man number one, number two, basta top three kami, okay na 'yon."

LOVELIFE. Dahil nga sa sunud-sunod na blessings ni Ai-Ai, may time pa kaya siya sa lovelife?

"A, wala muna. Ito na, e, ito na 'yong blessing ni Lord. Okay na ako do'n," sambit niya.

"Saka kung gugustuhin ni Lord, e, di ayos. Pero kung hindi pa ngayon, ayos lang din.

"Maraming magagandang blessings si Lord. Alam naman Niya 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN