Annabelle Rama cries foul over approximately one-million-peso deduction from son Richard Gutierrez's talent fee

IMAGE 0


Annabelle Rama is reportedly mad again. According to the column written by TV host and radio broadcaster German Moreno, "[U]gat ng kanyang galit ang sinasabi niyang pagmamaltrato sa kanyang anak na si Richard Gutierrez dahil nakaltasan daw ng P1m ang tf nito."


Usap-usapan ngayon na nagagalit daw ang talent manager na si Annabelle Rama dahil sa isang kautusan umano na bawasan ng mahigit isang milyong piso ang talent fee ng kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang pagkakaltas ay ipinag-utos ng GMA-7 management dahil umano sa pag-absent ng aktor sa isang taping day ng pinagbibidahan niyang telefantasya na Captain Barbell.

Ang depensa ng ina at manager ng aktor, hindi raw ito nakasipot sa taping bunga ng kanyang pagkakasakit. Pero hindi nabanggit sa kahit anumang report kung ano ang naging karamdaman ni Richard.

May isa pang isyu na nagsasabing may kinalaman umano sa desisyon ng network ang alitan ni Annabelle at ng isang executive na dati na niyang nakaaway.

Sa column ni German Moreno, sinabi nitong, "[U]gat ng kanyang galit ang sinasabi niyang pagmamaltrato sa kanyang anak na si Richard Gutierrez dahil nakaltasan daw ng P1m ang tf nito."

Ang item na ito ay lumabas sa "That's Entertainment" column niya sa Pilipino Star Ngayon noong Martes, Hunyo 28.

Sinubukan ng PEP na alamin ang puno't dulo nito sa pamamagitan ng pag-kontak sa corporate communication ng network. Ito ang maikling statement na ipinadala ng head ng department na si Angel Javier sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan kanina, June 30, sa pamamagitan ng text:

"GMA Network is currently reviewing the claim of Richard Gutierrez's manager and mother, Ms Annabelle Rama regarding the alleged deduction from his talent fee."

Kinontak din ng PEP si Annabelle para tanungin siya tungkol sa dahilan ng pagkaltas sa kita ng anak, pero ang maikling nitong sagot: "Saan."

Bukas ang website na ito para sa anumang pahayag na nais iparating ng kampo nina Annabelle Rama at Richard Gutierrez tungkol sa isyu, pati na rin ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN