Raymart Santiago confident that Futbolilits will be as successful as Bantatay

IMAGE 0


"'Yong mga ganyan, hindi ko na lang pinapansin. At kung mararapatin ninyo, ayaw ko na rin pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na 'yon. Kung hindi naman totoo, bakit palalakihin pa? Hindi ko na lang pinapansin," says Raymart Santiago about the never-ending breakup rumor about him and wife Claudine Barretto.


Muling magbabalik sa early primetime si Raymart Santiago sa pamamagitan ng bagong teleserye ng GMA-7, ang Futbolilits.

Naging regular na ang aktor sa ganitong timeslot simula nang lumabas siya bilang adoptive father ni Barbie Forteza sa Pilyang Kerubin (2010). Sumunod nito ay naging bida naman siya sa telefantasya na pinamagatang Bantatay.

Ayon kay Raymart, mas gusto niyang mapunta sa isang programa na ipalalabas sa ganitong timeslot dahil tiyempo rin na palaging pambata ang tema ng palabas.

"Well, mas pinili ko ang timeslot na 'yon kasi 'yon ang oras na gising pa ang mga bata. Bago matulog, nanonood sila ng show.

"Gusto ko kasi may mga anak na rin ako, e, kaya gusto ko napapanood nila ang show ko. Hindi kagaya ng medyo late na, tulog na," sabi ni Raymart.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Futbolilits kagabi, June 28, sa Studio 7 ng GMA Network.

Idinagdag din ng dating action star na mas may dating na rin sa kanya ngayon ang mga family-oriented show tulad ng Futbolilits, na magsisimula na sa July 4.

Sabi pa niya, "Ang mga tipo ng mga ginagawa ko ay parang may tema tulad ng Bantatay, very light lang, kaya ko tinanggap ito."

Naging mas madali na ba para kay Raymart ang gumanap bilang tatay?

"Well, siguro madali na," sagot niya.

"Kahit papaano, hands-on dad din naman ako. Nakakatulong naman 'yon."

Si Raymart ay may dalawang anak na sa aktres na si Claudine Barretto—sina Sabrina at Santino.

Samantala, tinanong naman ng press kung may pressure ba kay Raymart ang pagtanggap sa bagong show na ito. Matatandaan na naging maganda ang resulta sa ratings ng nakaraan niyang show na Bantatay.

"Well, hindi natin maalis 'yon," sagot ni Raymart.

"Pero sa tingin ko naman, kung talagang maganda ang show mo, talagang panonoorin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinaghandaan naman namin itong show at sa tingin ko, maganda ito at nakakatawa.

"Very light [ang story], pambata. Puwede na rin sa matatanda dahil may drama ito at comedy."

WORKING WITH WIFE CLAUDINE. Sa kabilang banda, napag-usapan din sa interview ang matagal nang usap-usapan na pagkakalabuan diumano nila ng kanyang asawa na si Claudine.

Natawa na lamang si Raymart sa di matapus-tapos na isyung ito, sabay sabing, "Okay naman [kami].

"'Yong mga ganyan, hindi ko na lang pinapansin.

"At kung mararapatin ninyo, ayaw ko na rin pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na 'yon.

"Kung hindi naman totoo, bakit palalakihin pa? Hindi ko na lang pinapansin."

Sa bali-balita naman na sanhi ang pagkaka-delay ng isang teleserye, ang Iglot, sa GMA-7 ang kanyang asawa, hindi naman niya ito pinaniniwalaan.

Depensa ni Raymart, "Kung totoo man 'yon, siguro makakarating sa amin kasi mga kaibigan ko 'yong nasa management.

"Wala namang gano'ng nangyayari. Siguro haka-haka lang."

Ngayong magkasama na sila sa isang network, wala bang posibilidad na magkasama sila sa isang proyekto?

Sabi ni Raymart, gusto niyang mangyari ito subalit wala pang tamang pagkakataon.

Sa ngayon ay abala si Raymart sa Futbolilits. Samantalang si Claudine ay nagsimula nang magtrabaho para sa Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN