Miriam Quiambao says dynamics and maturity in a relationship are more significant than age differences

IMAGE 0


"It's really sa dynamics ninyong dalawa, e, [kung] okay kayo, willing kayo to work on the relationship," says Miriam.


Isang ina ang ginagampanang role ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao sa kauna-unahang fantaserye ng TV5, ang Bangis.

Bagamat wala pa raw siyang experience sa pagiging nanay, hindi naman daw siya nahirapan na gampanan ang nasabing role.

"Wala pa kong experience sa pagiging nanay, pero nanay na yung role ko. Pero I have to be that.

"Tsaka dapat gawin ko ang magagawa ko para mabigyan ko ng justice yung role," sabi ni Miriam sa grand launch ng Bangis kahapon, June 28, sa Annabel's restaurant Tomas Morato.

ON RELATIONSHIPS. Limang taon na rin ang lumipas nang maghiwalay sila ng kanyang napangasawang Italian businessman na si Claudio Rondinelli noong 2006.

Pero nananatili pa rin daw single ngayon si Miriam.

Kahit pa sabihing single ang beauty queen turned TV host-actress, may nagpapatibok na ba ng puso niya ngayon?

"Well, meron akong mga kinikilalang boys!" natatawang sagot niya.

Pero giit niya, ayaw na lang daw niya kasing madaliin ang pagpasok sa isang relasyon. Mas maige raw na makilala muna niya nang mabuti ang kanyang mga nakaka-date.

Aniya, "Kung puwede nga lang mabilis na, di ba?

"Kaya lang, dahil nga parang kinikilala ko na yung mga [nakaka-date ko], siyempre it takes time."

Dahil ba ito sa nangyari sa kanila noon ng kanyang ex-husband?

"Oo, kasi... Di ba, parang dati whirlwind, di ba? Sa ngayon, kinikilala ko talaga yung kung sino man," saad niya.

Pero kahit naging masakit ang paghihiwalay nila noon ni Claudio, okay naman na raw sila at minsan ay nagkakausap pa rin.

"Madalang [ang communication namin], kasi nakapangasawa na siya uli, e. Happy naman ako for him, I wish him well."

MOVING FORWARD. Naging matagal din ang proseso para maka-move on si Miriam, at aminado siya na hindi niya ito magagawa nang mag-isa.

"Kung yung sarili ko lang, hindi ko talaga makakayanan. Sobrang extra challenge yung nangyari sa akin," pag-alala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagdadasal, suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ang naging sandigan niya para malagpasan ang lahat ng iyon.

"Dinaan ko talaga sa dasal," nakangiting sabi ng dating beauty queen.

"I'm always grateful na meron tayong Panginoon na pag sa deepest, lowest situation natin ay nandiyan lang siya para i-comfort tayo, para bigyan tayo ng liwanag, para ituro sa atin yung daan.

"Tsaka bukod dun, yung mga kaibigan, yung pamilya, talagang support group ang importante."

Pero matapos ang kanyang failed marriage with Claudio Rondinelli, ano na nga ba ang preference niya sa isang guy?

"Alam mo, nalilito nga ako kung pipiliin ko ba bata o matanda, e!" biro ni Miriam.

"[Pero] ngayon, character, connection, 'tsaka communication—yun ang importante sa akin.

"Kasi meron akong kinikilala ngayon, younger than me, e, meron naman older sa akin, meron ka-age ko."

Pero ganun pa man, hindi raw importante kay Miriam ang edad.

Mas mahalaga raw ay nagkakaunawaan sila ng partner niya, at handa itong i-handle ang relasyon nang magkasama sila.

"It's really sa dynamics ninyong dalawa, e, [kung] okay kayo, willing kayo to work on the relationship," paliwanag niya.

"Parang at the end of the day, it's just your maturity, kung paano talaga yung connection ninyo.

"So, nagbibigayan kayo bilang magkarelasyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN