Jackielou Blanco stays in the middle of mother Pilita Corrales and sister-in-law Lotlot de Leon rift

IMAGE 0


"Mas nae-enjoy ko lang siya ngayon kasi nga funny yung character, so parang mas marami akong puwedeng gawin. And at least may balance na yung pagka-mean niya. May humor na kasi," says Jackielou Blanco about her kontrabida role in Blusang Itim.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Jackielou Blanco sa taping ng Blusang Itim noong Martes, June 28, sa Marikina.

Ang una naming naging topic ay ang tungkol sa kontrabida role niya sa naturang afternoon soap ng GMA-7, na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.

"Kontrabida siya, pero actually very comic nga, di ba, yung pagkakontrabida niya? Funny yung character.

"Nung una nga, I was worried, sabi ko baka naman masyadong... kasi ang tagal ko nang hindi nagkokontrabida.

"Pero yun nga, may humor kasi kontrabida silang dalawa ni Tita [Marissa Delgado as Concha], pero nakakatawa.

"Na parang syunga (tanga) na, yun na nga, kaya sabi ko, okay na rin kasi it gave the mean character lightness, di ba?" paglalarawan niya sa kanyang character.

May peg ba siya?

"Wala akong peg. I think just from her character, the lines, tsaka yung characterization, binigyan ko na siya ng sarili kong flavor.

"Mas nae-enjoy ko lang siya ngayon kasi nga funny yung character, so parang mas marami akong puwedeng gawin.

"And at least may balance na yung pagka-mean niya. May humor na kasi.

"So, sabi ko, okay na rin kasi 'yon nga, puwedeng mainis sila, tapos mamaya nakakatawa. So, okay na rin.

"Kaya kami ni Tita, enjoy kami pag ginagawa namin, so 'yon."

NOT CHOOSY. After ng Blusang Itim, gusto ba ni Jackielou na kontrabida ulit ang role niya? O magre-request na siya sa GMA na pabaitin naman siya?

"Hindi naman, actually I accept naman, more often than not, whatever role...wala pa naman yata akong natatanggihan.

"Ano lang, siguro I will say something pag kunyari lima na yung ginagawa ko na puro ganun, yun ang medyo hihingi siguro ako ng konting break.

"But with Channel 7, like before they gave me this... Dwarfina was not [kontrabida], Basahang Ginto was not, my guesting in Rosalinda was also not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang sakto lang naman siya," sabi niya.

Ngayon lang daw siya ulit naging kontrabida sa isang project.

"Kaya nga parang nanibago ako nung umpisa. Nanibago talaga ako kasi, 'Oh, my God, parang kinakalawang ako!'" ang natatawang sabi ni Jackielou.

"At least dito, naiibang kontrabida, pati damit iba-iba.

"I think yun na nga, it gives more flavor to the character, at least hindi one dimensional si Esmeralda [Jackielou's character] na mean ka lang, hindi ganun.

"Hindi din naman realistic yun kasi with every mean character o kahit na ang bida natin, no matter how good there's always another corner to the character."

JACKIELOU'S MOM. May balitang lumabas na may sakit ang mommy ni Jackielou, ang Asia's Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

Ayon sa aktres, "My mom, nagka-vertigo a couple of months ago.

"Although may heart [problem] na si Mommy ko, yung heart niya skips a beat, may ano na talaga siya.

"But when that happened, nung nag-vertigo siya, yun siyempre nagpa-check-up na, ganun-ganun.

"So she has to take medications na for her heart, na yung on a regular basis na," sabi niya.

Hindi naman daw grabe ang karamdaman ng Asia's Queen of Songs.

"A, hindi naman, ano naman, she just have to manage yung sa heart niya.

"Kaya she lost a bit of weight kasi nga ang dami niyang iniinom na gamot and the others, na lalo na in the beginning would not give her appetite.

"Siguro masyadong strong ba para sa kanya, so 'yon."

PILITA-LOTLOT FEUD. Naging topic din ang hanggang ngayon ay hindi pa ganap na naaayos na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Ms. Pilita at ni Lotlot de Leon, na dating asawa ng kapatid ni Jackielou na si Ramon Christopher.

May move ba si Jackielou na pagbatiin ang dalawa, lalo pa nga't close siya both to her mom and Lotlot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With my mom, the only thing I told my mom is as much as possible, not to give any comments anymore.

"Kasi my mom is a very outspoken person. I know she does not mean to step on anybody's toes.

"But whatever it is kasi that you say, meron at meron kang ... somebody will feel something, whether okay, hindi okay.

"Sabi ko sa kanya, 'Mom, okay na. You've said your piece. Tama na, kasi Mon and Lot ay in a very good position already. So anything that you might say might ruin that, e.'

"Sabi ko, huwag na lang. And so far naman, parang wala na akong narinig siguro...

"Hindi, 'tsaka sabi ko sa kanya, 'Whatever you say, you always think that it will not only affect Mon and Lot, but your grandchildren. Because whatever you do, nanay at tatay nila 'yan.'

"Ang kay Lot naman, ako, as a sister-in-law, I only listen kung meron siyang sama ng loob o ano.

"And then I give my part, and I just tell her whatever it is na, 'Lot, kung nasaktan ka man ni Mommy, I'm sorry!'

"Sabi ko pa, 'Basta ako, I love you, nandito lang ako. And sana at some point you can...' You know, di ba, sana makapag-usap din sila at some point to clear it.

"Although nagkita sila dun sa wake ng daddy ni Ricky [Davao, Jackielou's husband], si Lot approached my mom at nag-hello siya, 'Hi Mamita!'

"Ganun, nag-hi naman si Mamita. Pero 'yon lang.

"Wala pa silang pag-uusap na diretso, so I think in time, I think in time."

Marami naman ang humanga kay Jackielou na hindi siya kumampi o nagalit kaninuman sa dalawa.

"Hindi, kasi ang feeling ko kasi, none of my relationships with them have to change, e. Hindi naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung I feel na hindi ako happy sa sinabi ng mommy ko, sasabihin ko sa kanya.

"At kung meron akong gustong sabihin kay Lot, sasabihin ko din sa kanya.

"And that's it, nothing has to change kasi feeling ko, bakit?

"Oo nga't nasa gitna ako, minsan mahirap, pero there is a way, e. You just have to respect each other.

"I think I have come to a point, lalo na with my mom, na I can tell her, 'Ma, tama na, huwag na, nasabi mo na, okay na yun.' Di ba?

"At kay Lot, ganun din, 'Lot, pasensiya ka na sa mommy, alam mo naman minsan she doesn't mean to... I'm sorry, ako na ang humihingi ng paumanhin.'"

JANIENE GUTIERREZ. Napag-usapan din namin ang tungkol sa pamangkin ni Jackielou na si Janine Gutierrez, ang anak nina Lotlot at Monching na pumasok na rin sa showbiz.

Ini-launch na si Janine last Sunday, June 26, sa Party Pilipinas bilang bagong Kapuso star.

"Actually, matagal na siyang kinukuha ng GMA. It's just at that time, she wasn't sure. Parang 'Will I wanna do it?' or 'I don't want to do it.'

"And then, she was still also in school.

"So, finally nung natapos na siya sa schooling niya, siya na rin siguro mismo ang nakapag-decide na 'I want to try it!'

"Kasi, 'yon naman ang ano ni Lot at saka ni Mon, 'Ikaw ang magdesisyon kung talagang gusto mo. Kung half-half ka, huwag na lang. It has to be buo ang loob mo.'

"So, finally nag-decide na siya.

"Sobrang excited kami!" sabi pa ni Jackie.

"The day before [her launch], nandun kami sa bahay ng mom ko at binu-voice lesson siya ng mom ko, 'Let me her your ano,' ganyan-ganyan.

"'Ano ba yung kakantahin mo?' So, pinakinggan naman ng lola, 'A, okay! O, tama ito. O, ganito, ganyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, all of us are excited.

"Number one, dalawa lang naman din kaming magkapatid ni Mon, so sila lang ang magpipinsan.

"So, talagang they're all very close kaya lahat kami nandun [sa Party Pilipinas] nung Sunday.

"Ang alam ko, regular na siya sa Party Pilipinas, then may mga workshops siya.

"And then, kung saan siya nababagay, doon siguro siya ilalagay ng Channel 7."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN