Is Andi Eigenmann pregnant?

IMAGE 0


At press time, Andi Eigenmann's camp has neither confirmed nor denied the pregnancy rumor.


Maugong ang usap-usapan sa loob ng showbiz tungkol sa isang young actress na diumano'y nagdadalang-tao ngayon.

Nagsimula ito bilang blind item sa isang blog noong June 23. Wala pang isang linggo, lumitaw ang pangalan ni Andi Eigenmann sa mga Internet sites, at napag-usapan na rin sa isang intimate event ng mga showbiz insiders.

Si Andi ay anak ng multi-awarded actors na sina Jaclyn Jose at Mark Gil. Una siyang lumabas sa Prinsesa ng Banyera noong 2007. Pero ang kanyang biggest break ay ang pagganap bilang female lead sa Agua Bandita noong 2010.

Sa "Next Big Thing" list na inilabas ng YES! magazine nito lamang April, isa si Andi sa mga sinasabing mabibigyan ng mga malalaking projects sa taong ito.

Kasalukuyang napapanood ang young actress sa ABS-CBN primetime series na Minsan Lang Kita Iibigin. Pagkatapos nito, sinasabing siya ang napipisil na gumanap sa Galema, Ang Anak ni Zuma.

NO CONFIRMATION YET FROM ANDI'S CAMP. Umabot na sa networking sites ang haka-haka, pero at press time, wala pang anumang kumpirmasyon mula sa kampo ni Andi.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang mga namamahala sa career ni Andi—ang Star Magic ng ABS-CBN at Icons Celebrity Marketing—upang alamin kung totoo nga ang balita.

Dalawang text messages at dalawa ring messages sa Facebook ang ipinadala ng associate editor ng PEP na si Rommel Llanes kay Rianna Gatus ng Icons kaninang hapon, June 27. Pero wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa kanya.

Sinubukan din naming tawagan si Rianna sa kanyang cell phone, pero nagri-ring lamang ang kanyang numero.

Heto naman ang official statement ng Star Magic na ipinadala via text ng publicist nitong si Thess Gubi sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan:

"As far as Star Magic is concerned, Andi is taping at the set of Minsan Lang Kita Iibigin. Questions regarding her pregnancy should be addressed [to] the family. Thanks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan din ng PEP congtributor na si William Reyes na kunan ng pahayag ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa pamamagitan ng manager nito na si Ed Instrella.

Pero ang sagot ni Ed sa pamamagitan ng text (published as is): "She doesn't talk to about and i dönt ask."

Samantala, nakausap ng PEP ang isang source na payak na nagsabing, "Totoo."

Hindi na ito nagdagdag pa ng anumang detalye, ngunit naniniwala ang PEP na reliable ang source na ito.

Naunang naugnay ang pangalan ni Andi sa young actor na si Albie Casiño, na naging bahagi ng Mara Clara. Pero bago pa man nailunsad si Andi sa Agua Bendita noong nakaraang taon, nag-break na ang dalawa.

Sa mga previous interviews ni Andi, naging maingat ito sa pagsagot sa tuwing ang topic ay nadadako sa kanyang personal relations.

Kamakailan, nakita siya sa red carpet event ng L'Oreal kasama si Jake Ejercito, ang binatang anak ng dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Pero walang anumang paliwanag na galing mismo sa dalaga tungkol sa frequent sightings sa kanya at ng binata, na ngayon ay nag-aaral sa London.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag meron ang dalaga, na nag-celebrate ng kanyang 21st birthday noong June 25, at ng iba pang taong nabanggit dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN