Fanny Serrano gives his take on Sharon Cuneta's weight loss, Nora Aunor's comeback, and Maricel Soriano's alleged drug and maltreatment issues

IMAGE 0


"Personally, magandang makipag-usap pag ready ka. Pag di ka ready, huwag. Huwag kang magsasalita. I-ready mo muna sarili mo. Pag sinabing ready, ibig sabihin no'n, kampante ka na. Relaxed ka na. Natauhan ka na. Nando'n na ang truth. Ready ka, 'tsaka ka magsalita. Pero, pag hindi, tama lang muna yan. Magpahinga muna," says Fanny Serrano on Maricel Soriano's decision to keep mum about issues involving herself.


Sa press launch ni Fanny Serrano bilang endorser ng Cocozen Novuhair treatment na ginanap sa Dali Y Tapas restaurant along Eugenio Lopez Drive, Quezon City kaninang tanghali, July 20, di maiwasang lumihis ang topic ng interview.

Mula sa nasabing hair loss treatment, napunta ang usapan sa malapit na kaibigan ni Tita Fanny na si Maricel Soriano.

Mula kasi nang masangkot ang Diamond Star sa kasong pang-aabuso raw sa kanyang dalawang kasambahay, walang narinig mula sa panig ni Marya (palayaw Maricel).

Hanggang ngayon ay hindi lumilitaw ang matalik na kaibigan ng sikat na hairstylist and makeup artist para magbigay ng kanyang panig.

THE DIAMOND STAR. "Nalungkot ako no'ng una kong makita siya. No'ng una kong mabalitaan. Una, sa PEP ko nabalitaan. No'ng mabasa ko, 'Ha?' Gumano'n lang ako," saad ni Fanny sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"'Magka-comeback 'to, e,' sabi ko lang gano'n. Pero no'ng lumala na nang lumala ang istorya, lumalabas na yung mga katulong, yun na.

"Padagdag na nang padagdag yung lungkot ko, na, 'Anong nanyari?' Wala pang nakakasagot. Maski sa atin. Maski sa inyong lahat. Wala pang nakakasagot kung ano talaga [ang] nangyari."

Almost a year na nga raw na hindi sila nagpapalitan ng text messages ni Marya. Dati raw kasi ay laging nagpapadala si Maricel ng spiritual messages sa kanya.

"Matagal na. Almost a year na. Ngayon, hindi ako yung tao na ite-text kita dahil may nangyayari sa 'yo. Na kailangan kong malaman, 'Ano'ng nangyayari?'

"Ang hinihintay ko, yung kusa kang mag-text sa akin kung kailangan mo ako. Ayan ako.

"Pero parang, I'm sure di rin sasagot [pag nag-text siya kay Marya]. O kaya, hindi natin alam."

Ayaw nga raw paniwalaan ni Tita Fanny ang balita noong una niyang malaman.

"Hindi, e. Showbiz, [ito] e... and I heard si Geleen Eugenio ang ginawa niyang manager. And Geleen Eugenio, customer ko sa parlor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Suki ko siya [Geleen] do'n. And siya nagsabi sa akin na magka-comeback si Maricel. 'A, Talaga? Wow.' Tapos biglang lumabas yun... Yung gano'ng issue.

"Pangit naman na comeback gimmick, eto. Baka may gagawing movie na tungkol sa gano'n.

"Ang dami kong iniisip. Na binabalewala ko yung totoong tsismis na yun. Iniisip ko na lang, gimmick dahil wala pa rin siya [Maricel], di ba?"

Balitang umalis na lang muna ng bansa ang Diamond Star para makaiwas sa isyu.

"Ang daming nagsabi. Oo," pagkumpirma pa ng sikat na makeup artist/hairstylist/actor.

Aware din si fanny sa isyung inuugnay si Marya sa usapin tungkol sa prohibited drugs daw.

"Nabasa ko yun. A, si Marya yung... Yung mga drugs na 'yan, hate na hate niya 'yan no'ng kami ang kasalukuyang magkasama

"Hindi 'yan. Pag may narinig siyang artistang gumagamit ng drugs, mga ganyan, yung hindi niya feel.

"So, hindi ko alam kung saan napunta ang buhay niya. Saan siya napunta. Bakit biglang may issue ng tungkol sa drugs?"

Mahaba na raw ang pinagsamahan nila ng Diamond Star.

"Bata pa si Marya, sa akin na siya. Alaga ko siya sa parlor ko. Bago pa siya napunta kay James Cooper, sa akin talaga siya.

"Lahat ng Regal movies niya, ako humawak doon. Kumbaga, parang nakita ko siya kung papano mag-alaga sa sarili. Naku, napakametikuloso sa linis!

"Hindi puwedeng... tapos mabalitaan mong may drugs na ganyan. Parang, 'Ha?' Parang may gano'ng factor.

"Sana kung, 'hi,' kabatian mo lang. Naging part siya ng buhay mo. Kaming dalawa, parang magkapatid.

"Parang mag-ina. 'Inay' ang tawagan nga namin. 'Anong nangyari?' Sana hindi totoo ang nangyaring ito.

"E, kaso nga hindi natin puwedeng... Lagi lang. Lahat naman ganyan. Sana. Sana. E, wala na si Susana. Namatay na!" pabiro niyang pahabol.

Pabor naman si Tita Fanny na umiwas muna si Marya sa issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Personally, magandang makipag-usap pag ready ka. Pag di ka ready, huwag. Huwag kang magsasalita.

"I-ready mo muna sarili mo. Pag sinabing ready, ibig sabihin no'n, kampante ka na. Relaxed ka na. Natauhan ka na.

"Nando'n na ang truth. Ready ka, 'tsaka ka magsalita. Pero pag hindi, tama lang muna 'yan. Magpahinga muna."

THE SUPERSTAR. Napunta naman ang usapan kay Nora Aunor.

Nakatrabaho noon ni Tita Fanny si Ate Guy. Nagkasama sila bilang mga artista, at naayusan na rin niya ang Superstar.

Excited ang Noranians na nag-aabang sa pagbabalik ni Ate Guy sa bansa.

Mainit ang balitang gagawin ni Ate Guy ang El Presidente with Gov. ER Ejercito at marami na ang nasulat na gagampanan ng Superstar ang role ng second wife ni Emilio Aguinaldo na si Maria Agoncillo.

"Ano pakiramdam n'yo lahat? Babalik ba? Darating ba bukas [July 21]?

"Dadating," sagot ng isang kasamahang writer.

"Darating. Okay. Ganito... happiness sa akin na ang isang icon na artista magbabalik. I don't believe na ang isang artistang ganyan na magaling, matatahimik.

"Hindi nagdi-desire 'yan na hindi makaarte uli. Kaya eto, babalik 'yan, I'm sure.

"E, kung anuman yung sakit ng ulong binibigay sa mga producers no'ng araw, e, baka... Bigyan natin ng chance na hindi magawa yung gano'n, di ba?

"Matanda na si Nora Aunor. Magagalit ang iba. Ang ibig sabihin ng matanda, may kinatandaan na 'yan.

"Madami nang lesson ang nakuha niya sa buhay niya. Bigyan natin ng chance, di ba, poh," panggagaya pa niya sa Superstar.

Sa pinakahuling ulat tungkol sa pagbabalik ni Nora sa Pilipinas, hindi na matutuloy ang kanyang pagdating bukas. Bagkus ay sa July 31 na raw ang alis nito sa Los Angeles.

THE MEGASTAR. Pagkatapos, napunta naman kay Sharon Cuneta ang interview.

From the looks of it, mukhang may surprise mula sa Megastar. Tahimik kasi ang kampo ni Ate Shawie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang malapit sa Megastar, ano ang kaganapan sa buhay ng Megastar?

"Sa akin, di siya nagpapakita mula no'ng dumating [from her U.S. concert]," kuwento ni Fanny.

Puro lang daw padala ng MMS messages sa kanya ang Megastar. Maliban sa The Biggest Loser Pinoy Edition ay di na napagkikita ang Megastar.

Pero kinumpirma naman ni Tita ang magandang pagbabago kay Ate Shawie.

"Pumayat na siya. Kasi ang bewang niya, from 40 plus to 34 [inches]. Pag nakita n'yo [siya], iba na!

"Kasi yung nakikita niyo sa TV was like two months ago pa. Iba na. Magugulat kayo pag nakita n'yo siya!"

Saksi raw si Fanny sa hesitation ni Sharon to host The Biggest Loser noong una.

"Parang feeling niya... do'n siya natatakot. Yung fear factor na, 'Baka magpayatan 'to, e, maiwanan ako. Bakit ako diyan?'

"'Mare, kaya ka nilagay diyan, sasabay ka [sa pagpapapayat]. Actually, Mare, ikaw ang title-holder. 'Yang show na 'yan, ikaw ang The Biggest Loser,'" pagkumbinsi nga raw niya sa Megastar.

At ang isa sa reasons ng pursigidong pag-lose ng weight ni Mega ay ang paggawa uli ng movie.

"After nito gagawa siya ng movie. Sharon-Gabby. Sharon-Gabby-KC. Bahala na," kuwento pa ni Fanny.

STAR OF INDIES. Finally, napag-usapan naman ang career ni Fanny, hindi bilang makeup artist, hairstylist, or endorser kundi bilang star ng indie films.

Marami siyang pinahanga sa pelikulang Tarima, at 'eto na naman siya sa isa pang pelikula na palabas ngayon sa Cinemalaya filmfest.

"I just came from... Hindi naman malalang sakit. Nagkasakit ako. Pinilit kong gumaling para lang dito [sa presscon].

"Pero, medyo di pa [ako magaling]. Na-miss ko ang Cinemalaya. Yung Maskara. Yung opening movie namin do'n. Masaya daw.

"Nakausap ko si LT [Lorna Tolentino] kagabi. Nasa parlor [siya]. Maganda raw yung pelikula.

"Dahil hindi siya available no'ng mag-shoot kami. Dapat buong barkada ng the Legends, e. So ayun, ang ganda raw ng pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang nawiwili siya ngayon sa paggawa ng indie films?

"After ng Tarima, may mga offers na talagang... hindi pinipili, e. Iniisip ko kung gagawin kong umarte na naman sa indie.

"Kasi nakita ko ang plight ng isang indie producer. Nakita ko ang buhay sa indie movie industry. Napakahirap. Kawawa.

"Kumbaga, nayari na yung pelikula. Sa pagod atsaka yung kakulangan, tapos hirap na hirap pa ipalabas. Kumbaga, 'Wow!' Na-experience namin sa Tarima.

"So, nagkataon lang siguro, kung ibang katulad kong artista mag-support pa rin. Kaya naging maganda ang result.

"E, yung ibang artista, pag tapos na, wala na, e. Wala na silang pakialam. Yung indie producer na gumagawa.

"So, nakita ko yung hirap. Parang ayaw ko nang daanan uli.

"Kaya lang, meron na namang offer sa akin recently. Last week after ng three offers. Yun ang talagang parang di ko matanggihan."

Gaano ba kaganda ang kuwento ng pelikula?

"It's a different kind of love triangle. Na naman. Oo. Tatlong barkada. Siyempre yung bading. Yung lalake.

"Barkada sila no'ng araw hanggang sa tumanda. Ando'n ang anggulo nila hanggang sa may edad na sila.

"Different story. E, paano mo tatanggihan? Yun pa lang ang sabi sa akin, ha?"

Sino ang gaganap na batang Fanny Serrano?

"Mag-a-audition daw sila. Gusto ko bago. Ayoko yung mga dati. Gusto ko isang bading na... At saka ayoko ng lalaking babadingin.

"Gusto ko isang batang bading. Nakakalat ngayon, ang dami-daming batang bading. Makikita natin 'yan kung sino," pagtatapos ni Fanny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN