Returning actor Leandro Muñoz reveals why he left his promising showbiz career

IMAGE 0


"Mas maganda 'yong nasa peak ako ng career ko saka umalis kesa naman kung kailan wala na akong career, saka ako aalis," says comebacking actor Leandro Muñoz.


Pitong taon na ang nakalilipas mula nang mag-migrate ang aktor na si Leandro Muñoz sa U.S.

Although nag-guest siya last year sa pelikulang In Your Eyes nina Claudine Barretto, Anne Curtis, at Richard Gutierrez, sa States naman kinunan ang kanyang mga eksena kaya hindi kinailangang umuwi ng Pilipinas si Leandro.

Pero umuwi ng bansa si Leandro last June 21 para haraping muli ang kanyang showbiz career.

Isa siya sa leading men ni Nadine Samonte sa first dramaserye ng dating Kapuso actress sa TV5, ang The Sisters.

Paano siya napunta sa TV5?

Ang program manager na si Edlyn Tallada-Abuel ang sumagot para sa nagbabalik na aktor.

Ayon kay Ms. Edlyn, kailangan nila ang isang aktor na magaling at may depth sa acting.

May nag-suggest daw sa kanila na subukang kontakin si Leandro, at baka pumayag na umuwi ng Pilipinas.

Natuwa naman sila nang tanggapin ni Leandro ang offer.

LEANDRO'S DAUGHTER. Bakit nga ba siya umalis sa Pilipinas at iniwan ang kanyang showbiz career?

Noong late '90s ay isa si Leandro sa sought-after young leading men ng ABS-CBN. Napanood siya sa mga seryeng Saan Ka Man Naroroon? at Sa Dulo ng Walang Hanggan.

Ilan naman sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko (1999), Kahit Isang Saglit (2000), Kung Ikaw Ay Isang Panaginip (2002), Jologs (2002), at ang pinakahuli bago siya pumunta ng Amerika ay Lupe (2003).

"Ang anak ko ang main reason ng pag-alis ko noon sa Pilipinas," sabi ni Leandro sa dahilan ng pagtalikod niya sa kanyang showbiz career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Leandro sa first taping day ng The Sisters sa Calatagan, Batangas noong Miyerkules, June 29.

Ayon sa aktor, "I'm a single parent, pero naaawa ako sa anak ko dahil binawalan ako ng ABS-CBN na ipaalam sa mga tao na may anak na ako. Kaya ang tawag sa akin ng anak ko, 'Kuya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She was eight years old then, at inisip ko na habang bata pa siya, umalis na lang kami ng bansa kesa naman itinatago ko lagi ang anak ko.

"Mas maganda 'yong nasa peak ako ng career ko saka umalis kesa naman kung kailan wala na akong career, saka ako aalis.

"Sa Cerritos, California kami nagpunta and I'm a proud father dahil napasaya ko na ang anak ko na hindi ko na kailangang itago.

"Bonding kami lagi kapag wala akong work. "

Nagkuwento rin si Leandro tungkol sa kanyang dalaga nang anak.

"Francesca is now 16 years old, nasa junior school na. At sa July 24, she will turn 17 na.

"Sad nga ako kasi first time na hindi kami magkasama sa birthday niya.

"Every day naman, simula nang dumating ako rito, lagi kaming nag-uusap sa Skype."

Hindi na ba siya nag-asawa nang nasa States na sila ni Francesca?

"Hindi na, pero may Filipina girlfriend ako, she's 24 years old at sa kanya ko iniwan si Francesca nang umuwi ako dito.

"Magkakalapit lang kasi ang house namin doon," banggit ni Leandro, na ngayon ay nasa mid-30s na.

Kumusta naman ang mother ni Francesca, may communication pa ba sila?

"Oh, yes, open ang communication namin," sagot niya.

"Pagbalik ko nga ng Manila, magkikita kami dahil may package daw siyang ibibigay para kay Francesca."

Back in the States, ano ang naging trabaho niya doon?

"I'm a development director sa sales ng isang ambulance company sa Cerritos, na ang mga customers din namin ay mga kapwa Filipinos there.

"Ito rin ang business nina Michael de Mesa at Paco Arespacochaga, but we are friends.

"At ang maganda, hindi naapektuhan ng recession ang business namin sa States," saad niya.

THE SISTERS.Ano ang role na gagampanan ni Leandro sa The Sisters?

"Ako si Rafael, magkababata kami ng kambal na sina Christina at Bela [Nadine Samonte in dual role] na lumaki sa island.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa paglaki namin, mas mahal ko si Christina pero si Bela naman ang may gusto sa akin, lalo na nang umalis at pumunta sa States si Christina.

"Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa character ko, kasi may iba pang makakatambal dito si Nadine," sabi ni Leandro tungkol sa kanyang role.

Ano naman ang feeling nang magsimula na siyang mag-taping?

"Medyo nangangapa rin ako!" natatawang wika ni Leandro.

"Para akong kotse na nawalan ng battery at nilalagyan ko pa lang ng bago.

"But I'm thankful sa parang VIP treatment sa akin ng TV5.

"Nang bumalik ako dito, ang una kong natawagan, ang best friend kong si Mico [Palanca].

"At natuwa ako nung sa story conference pa lang, nakita ko ulit sina Wendell [Ramos], Zoren [Legaspi], James [Blanco]... Mga kasama ko silang naglalaro noon ng basketball, at si Direk Joyce Bernal.

"I hope to enjoy working sa iba pa naming kasama rito sa dramaserye. Nandito rin kasi sina Lotlot [de Leon], Tito Eddie [Garcia].

"Na-meet ko rin sa story conference sina Victor [Silayan] at Eula [Caballero], mga bago contract stars ng TV5."

IS HE BACK FOR GOOD? Magtatagal ba siya sa Pilipinas at ilang years ang contract niya sa TV5?

"This project lang ang pinirmahan kong contract sa kanila," sagot niya.

"Hopefully matapos ko ang taping ng The Sisters by September dahil gusto kong bumalik sa States sa September 6. Para nandoon ako sa pagpasok ni Francesca sa senior high school niya sa September 10.

"Saka kailangan ko na ring tumingin ng film school in Los Angeles na papasukan niya after she graduates next year. Iyon ang gusto niyang kunin sa college, tungkol sa film.

"Saka may commitment din ako sa work ko doon. May kausap ako bago ako umalis, kaya hindi ko 'yon puwedeng pabayaan."

Si Leandro ang mas nakatatandang kapatid ng dati ring aktor na si Carlo Muñoz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN