Kylie Padilla on dating hunky Aljur Abrenica: "Minsan nga nakakalimutan ko na yung katawan niya pala, ganun!"

IMAGE 0


"Kasi sa harap ko, kapag nagkikita kami, palagi siyang nakadamit. Pag nandun na kami sa Party Pilipinas, at dun siya naghuhubad, sabi ko, 'Iyon pala yung dine-date ko!' Nagugulat pa rin ako, oo... Hindi, kasi nga ganun ang tingin ko sa kanya," says Kylie Padilla about Aljur Abrenica (inset).


Pinasyalan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie Padilla sa taping ng pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA-7 na Blusang Itim, sa Marikina noong June 28.

Isa sa itinanong namin sa kanya ay kung hindi ba mahirap na isang hunk ang dine-date niya at pinapantasya ng maraming kababaihan pati na rin ng mga bading.

Ito ay walang iba kundi si Aljur Abrenica.

Umamin ang dalawa na "exclusively dating" at may "mutual understanding" na sila.

"Kasi si Aljur, hindi ko nakikitang ganun, e.

"Minsan nga nakakalimutan ko na yung katawan niya pala, ganun!" natatawang reaksiyon ni Kylie, na ang ibig niyang sabihin ay ang matipunong pangangatawan ng binata.

"Kasi sa harap ko, kapag nagkikita kami, palagi siyang nakadamit.

"Pag nandun na kami sa Party Pilipinas, at dun siya naghuhubad, sabi ko, 'Iyon pala yung dine-date ko!'

"Nagugulat pa rin ako, oo... Hindi, kasi nga ganun ang tingin ko sa kanya."

Kapag naiisip niya 'yon, ano ang nararamdaman niya?

"Wala pa rin, ganun pa rin, simple lang."

Nararamdaman ba ni Kylie na ang suwerte niya na marami ang nagnanasa kay Aljur, pero siya ang gusto nito?

"Yung mga kasama kong bakla!" ang tawa nang tawang sabi ni Kylie.

"Lagi silang nagdyu-joke. Sabi ng mga bakla, 'Ang sarap naman niyan!' Hahaha!

"Sabi ko, 'What?!'"

ALJUR'S HOTDOG. May ine-endorse na tuna hotdog si Aljur, kaya tinanong namin si Kylie kung natikman na ba niya ang hotdog na ini-endorse ng young actor.

"Ay naku, iyan ang pinaka-ayokong sagutin" at muling tumawa ang dalaga.

"Ayoko, as in, ayokong sagutin!

"Nag-iisip ako ng sagot...wait lang."

Binigyan na ba siya o dinalhan ni Aljur ng tuna hotdog na iyon?

"Sabay po kami kumain ng hotdog niya... iyon," sagot naman niya.

ALJUR & LOVI. Manonood ba siya ng Temptation Island, kunsaan may intimate scenes sa movie sina Aljur at Lovi Poe?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa alam, e," sagot ni Kylie.

Magseselos ba siya?

"Hindi, hindi, boto nga ako, go!" sambit niya.

Sinabi ba ni Aljur na may intimate scenes sila ni Lovi sa movie?

"A, alam ko po."


Hindi raw niya binawalan si Aljur to do those scenes.

"Kami kasi, he already started being an actor bago ako pumasok sa buhay niya. So, wala akong karapatan.

"And we're not together, so wala akong karapatang magsabi ng 'Ayoko niyan, ayoko sa kanya, ayoko ng ganyan.'"

Si Aljur din daw ay hindi pinakikialaman ang trabaho ni Kylie.

"Unfair naman kung siya gagawin niya sa akin, and ako gagawin ko sa kanya.

"We both know that ang pag-aartista ang first priority," sabi ng dalagang anak ni Robin Padilla.

"HINDI PA PO KAMI." Two months na raw silang may mutual understanding ni Aljur, pero wala pa silang pormal na relasyon.

"We're dating, pero hindi pa po kami.

"We're taking our time, siyempre pag super-bilis naman, mabilis din mawawala, di ba?"

Ano ang nadiskubre niya kay Aljur na hindi niya alam before?

"Mabait siya... Ewan ko, mabait siya talaga sa lahat ng tao.

"Pantay sa kanya lahat, walang mataas, walang mababa. Ganun siya tumingin at magtrato sa lahat."

NO SIBLING RIVALRY. Napag-usapan din ang elder sister ni Kylie na si Queenie Padilla, na nag-aartista rin pero sa bakuran naman ng ABS-CBN.

Kahit mas sikat si Kylie, wala raw rivalry o anumang isyu sa pagitan nilang magkapatid.

"Ay, hindi po, walang ganun."

Hindi nila iyon pinag-uusapan? Hindi affected si Queenie na mas nakaaangat si Kylie in terms of popularity?

"Hindi naman po, kasi the last time... Kailan ba 'yon, Sunday [June 26], nanood pa kami ng sine.

"Wala namang ano sa amin, we're very close."

Nagbibigay pa nga raw ng advice si Queenie kay Kylie.

Sa lovelife?

"Opo. Siyempre, teenagers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang po, yun lang sabi po niya, yun nga, 'Unahin yung career and enjoy mo lang, huwag masyadong seryoso,' mga ganun.

"Siyempre, ate, alam niya, e.

"Ang gusto niya, huwag akong masaktan if ever may ganun na mangyari."

Nang tanungin namin kung boto si Queenie kay Aljur, mabilis na tumango si Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN