Lotlot de Leon on daughter Janine Gutierrez's entry to showbiz: "She has to learn her way in this industry, on her own."

IMAGE 0


"I'm sure na kahit naman po anong pagpipigil ang gawin ko sa mga intriga na dumating sa buhay niya, lahat po iyan, e, pagdadaanan niya, hindi ba?" says Lotlot de Leon about daughter Janine Gutierrez, who has decided to follow in her parents' footsteps.


Live na nag-guest sa StarTalk TX ang celebrity mother and daughter na sina Lotlot de Leon at Janine Gutierrez noong Sabado ng hapon, July 2.

Last June 26 ay ini-launch na bilang bagong Kapuso si Janine sa Party Pilipinas sa GMA-7.

VOICE LESSON FROM THE ASIA'S QUEEN OF SONGS. Sa interview kina Janine at Lotlot ng StarTalk TX hosts na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco, at Ricky Lo, unang napagkuwentuhan ang tungkol sa pagkuha ng voice lesson ni Janine sa kanyang lolang si Pilita Corrales bago ang launch niya sa Party Pilipinas.

Sabi ni Janine, "Yes po, I went to Mamita kasi nagpaalam po ako na ilu-launch na po ako.

"And then she said if I want, puntahan ko daw po siya tapos papakinggan daw po niya ang kanta ko.

"So, pumunta po kaming lahat dun nina Papa [Ramon Christopher, Janine's dad] pati sina Tita Jackielou [Blanco, Janine's aunt], tapos kumanta-kanta lang po kami."

Ano ang feeling niya na habang nagpe-perform siya ay naroroon ang parents niya na sina Lotlot at Monching na magkasama para suportahan siya?

"Sobrang saya po ng feeling, pero I expected it naman po kasi every time na may family thing, or may event po sa aming magkakapatid, buo po talaga kaming pamilya.

"So, I was really happy na nandun po sila to support me," sagot ni Janine.

Matagal nang hiwalay sina Lotlot at Monching.

TOGETHER AGAIN. Tinanong naman si Lotlot kung paano nakaapekto sa relasyon nila ni Monching, bilang magkaibigan, ang pagpasok ni Janine sa showbiz.

Mas makapagpapalapit ba ito sa estranged couple?

"A, siyempre, every decision that we make, he has to know," sabi ng aktres.

"Kasi he has to agree with it.

"If he doesn't agree with it, definitely hindi namin gagawin, it has to be a mutual decision."

Pagpapatuloy pang pahayag ni Lotlot, "Definitely, si Janine po talaga ang magdedesisyon kung ano ang gusto niya, kung ano ang ayaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We will give her our opinions and kailangan mag-meet lahat para sa ikabubuti niya."

SUPERSTAR. Nakonsulta rin ba ang Superstar na si Nora Aunor sa pagpasok ni Janine sa showbiz? Si Nora ang ina ni Lotlot at lola rin ni Janine.

"Sa totoo lang po, hindi ko pa nakakausap si Mommy," sagot ni Lotlot.

"But I'm sure she knows about this already and feeling ko, proud na proud yun.

"Kasi po nung nakita ko siya nung huli, nung nasa Amerika ako, wala naman po siyang binabanggit kundi yung mga bata, e.

"Na lagi kong i-email ng pictures ng mga bata, so iyon naman ang ginagawa ko."

JANINE'S ENTRY TO SHOWBIZ. Tinanong naman si Janine kung bakit finally ay naisipan na rin niyang pasukin ang showbiz.

Sinabi ng magandang dalaga na habang lumalaki siya, since galing siya sa pamilya ng mga artista ay alam niyang eventually ay mag-aartista rin siya.

"Pero priority ko po talaga yung studies ko," dagdag niya.

"So now na natapos ko na po yung isa kong goal, gusto ko naman po sana itong [showbiz] pasukin."

Si Lotlot ay sikat na young star noong late '80s, at ngayong anak naman niya ang nasa showbiz, maghihigpit ba siya kay Janine? Paano niya iha-handle ang career ng anak?

"I'm sure na kahit naman po anong pagpipigil ang gawin ko sa mga intriga na dumating sa buhay niya, lahat po iyan, e, pagdadaanan niya, hindi ba?

"She has to learn her way in this industry, on her own.

"So, kami po talaga, e, nandito lang kami para gabayan siya, and kailangang laging nakatuntong ang paa niya sa lupa," saad ni Lotlot.

Pinuri naman ng mga host si Lotlot dahil bilang isang ina, naging maganda raw ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.

"Salamat, salamat po," sambit ng dating teen star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think every parent naman... Ako, I would like to speak for myself, gusto ko lahat ng mga anak ko, silang apat, e, mas maging mabuting tao kesa sa akin. Mas maging magalang kesa sa akin.

"Ma-achieve yung mga hindi ko na-achieve, mas maging maganda ang future.

"Hindi po ba? Always the best for our children."

Tinanong naman si Janine kung humihingi ba siya ng blessings sa parents niya kapag lalabas siya.

"A, opo, siyempre po!" bulalas niya.

"Close naman po silang dalawa sa mga kaibigan ko, and kilala naman po nila yung mga close din sa akin."

MESSAGE FOR JANINE. Ano ang mensahe ni Lotlot para sa kanyang anak?

"A, take it easy, enjoy," sabi niya.

At huwag mag-asawa ng maaga?

"A, nakalampas na tayo doon, ipinagdasal natin iyon, e!" ang natatawang reaksiyon ni Lotlot.

"Ngayon, she's an adult, she's twenty-one, whatever decision she makes, e, nandito lang ho kami.

"And I pray that God gives her wisdom, that she makes the right decisions."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN