Kris Aquino expresses disappointment over Mayor Junjun Binay's comment on marriage and decides to avoid him

IMAGE 0


"Why do people marry? Because of lack of knowledge...Why do people separate? Because of lack of experience...Why do people remarry? Because of loss of memory." This comment of Makati Mayor Junjun Binay led to Kris Aquino's decision to avoid him.


Halata ang disappointment ni Kris Aquino sa mga post niya sa kanyang Twitter account bandang alas-otso ng umaga kanina, July 18.

Ang dahilan daw ng "disappointment" na ito'y ang nabasa niyang "To wed or not to wed: Hayden & Vicki, Junjun &Kris" article ni Millet Mananquil sa The Philippine Star kahapon, July 17.

Nakasaad kasi sa artikulo na nakausap daw ni Millet si Makati Mayor Jejomar Erwin Binay—o mas kilala bilang "Junjun" Binay—noong wedding anniversary celebration ni Senator Miriam Defensor-Santiago at ng asawa nitong si dating Interior and Local Government undersecretaryNarciso "Jun" Santiago.

Ayon pa sa koluminista, nakita raw niyang mag-isa si Mayor Junjun, at hindi niya napigilang tanungin ito kung totoo ba na nagde-date sila ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Ito raw ang naging sagot ni Mayor Junjun: "Yes, we are good friends. We saw the Justin Bieber concert together, and by gosh, when you're with Kris, everybody wants to have a picture with her."

Kasunod nito'y tinanong siya kung bukas ba siya sa posibilidad na magpakasal muli.

Matatandaang magdadalawang taon na mula nang mamatay ang asawa ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia-Binay, o "Ken-ken" sa malalapit sa kanya.

Pumanaw ito noong August 11 2009, sa edad na 29, bunga ng kumplikasyon sa pagbubuntis nito.

Hindi direktang sinagot ng alkalde ang katanungan, bagkus naging makahulugan ang naging tugon nito.

Wika niya, "Why do people marry? Because of lack of knowledge... Why do people separate? Because of lack of experience... Why do people remarry? Because of loss of memory."

KRIS'S DISAPPOINTMENT. Pero ikinagulat daw ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang nabasa niya sa artikulong ito.

Ayon sa kanyang tweet: "I was surprised to see junjun & kris w/ hayden & vicki in the wed or not to wed front page teaser of Star yesterday.

"He was asked if we were dating & he said yes we're good friends & confirmed our justin bieber concert w/ our respective kids."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero lubos daw na ikinadismaya ng TV host-actress ang sagot ni Mayor Junjun tungkol sa pagpapakasal.

Saad ni Kris, "There's a quote attributed to him about marriage, separation & remarrying. I know he tried to be witty, but it offended me.

"I know that's not a reflection of his married life because from all he has shared w/ me, he & his wife Ken were exceptionally happy."

Noon lamang isang taon, ang nagdaang presidential election daw ay nakaapekto sa pagsasama ni Kris at ng dati nitong asawa na si James Yap, na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. (CLICK HERE for related artcile)

Kaya naman paglilinaw ng Queen of Talk, wala raw siyang naka-date mula pa noong magkahiwalay sila ni James.

Ayon sa kanyang tweet: "In the 14 months since my separation, I haven't dated anybody. I thought jun & I were friends but after what I read I've come to the conclusion a gentleman doesn't really say stuff like that especially when it can be read as "patama" to his friend."

Giit pa niya, matagal na raw nang mangyari ang concert na yun at ang pag-uusap sa pagitan ng kolumnista at ng alkalde.

"Justin Bieber was May 11, the wedding anniversary of Senator Miriam where the conversation took place was June 19 & the piece came out yesterday, July 17.

"A lot has happened in 2 months!"

Ganun pa man, humingi naman daw ng tawad si Mayor Junjun sa kanya, pero mas gusto na raw iwasan ni Kris ang mga maling espekulasyon sa kanilang dalawa.

Kaya naman sa huling tweet niya, sinabi ni Kris: "In conclusion, nag sorry si jun last night but I guess it's truly best for us to just avoid each other so no more talk about us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN