Edgar Allan Guzman on status of relationship with Johlan Veluz: "Basta inaayos ko lahat...."

IMAGE 0


Young actor Edgar Allan Guzman is now in the process of fixing his relationship with girlfriend Johlan Veluz after he was linked to dancer Milagring.


Kamakailan ay pumutok ang mainit na balita tungkol sa magkasintahang sina Edgar Allan Guzman at Johlan Veluz matapos ang pagsugod diumano ni Johlan sa NAIA Terminal 2 noong madaling-araw ng June 23. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa lumabas na report dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang issue ng pagsugod at magulong estado ngayon ng kanilang relasyon ay dahil daw sa dancer na si Milagring, na kasamahan ni Edgar Allan sa gag show ng TV5 na Lokomoko U.

RELATIONSHIP STATUS. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na muling makausap ang dating Mr. Pogi winner ng Eat Bulaga! sa presscon ng Cinemalaya entry na Bisperas noong Biyernes, July 1, sa Katre restaurant, Scout Lazcano St, Quezon City.

Kumusta na sila ni Johlan pagkatapos ng pinagdaanan nilang isyu?

"'Yon lang, inaayos ko lang lahat... Ayoko lang muna magbigay ng ibang ano, issue.

"Ayoko lang magbigay ng comment na iba kasi parang feeling ko, 'yon nga, every day, parang may naririnig ako. 'Yon lang.

"Basta inaayos ko lahat and sana tuluy-tuloy, maging smooth lang, and 'yon, inaayos ko lang lahat talaga," saad niya.

Paano ba niya sinusuyo sa Johlan sa mga ganitong sitwasyon?

"Siyempre lalake ako, e. Lalake ako, e, di ba? 'Yon talaga naman 'yong gagawin namin.

"So, inaayos ko lang lahat. Kailangan talaga communicate kami every day, so inaayos ko lang."

Maayos na ba ang lahat sa kanila ngayon?

"Sana. Sana, sana," maikling tugon ng aktor.

ANNIVERSARY. Matagal-tagal na rin palang magkasintahan sina Edgar Allan at Johlan. This year nga ay magse-celebrate sila ng kanilang pangatlong anibersaryo.

"Three years na sa July 8. So, kailangan ano, flowers, gano'n," sambit ng aktor.

Ano ang plano niya para sa nalalapit na anniversary nila ni Johlan?

"Ayun, may balak naman ako siyempre. Meron naman, meron. Pero siyempre, ayoko muna sabihin.

"Andoon na siyempre 'yong surprise. Parang may mga champagne na pumuputok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka magpaputok ako, gano'n, champagne, mga gano'n," nangingiting sagot ng aktor.

INDIE MOVIES. May dalawang pelikula na kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival this year si Edgar Allan.

Una ay ang Bisperas ni Jeffrey Jeturian, kung saan gaganap siyang anak ng isang gambler at lay minister na si Tirso Cruz III.

Sila naman ni Mercedes Cabral ang bida sa sex-comedy titled Ligo Na U, Lapit Na Me directed by Erick Salud.

Ang mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival ay mapapanood sa Cultural Center of the Philippines at selected cinemas sa Greenbelt 3 mula July 15 to 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN