Jason Abalos still hopes to get back with ex-girlfriend Bela Padilla

IMAGE 0


"Hindi naman nawawala yung ganung chance, e. Kasi kumbaga, ang tagal din namin, e, di ba? Minahal mo na yung tao, na yung pagmamahal mo, pwedeng nandyan pa din, hindi mo lang pinapansin," says Jason Abalos.


Bukod sa bagong TV soap sa ABS-CBN, ang Reputasyon, meron ding Cinemalaya entry si Jason Abalos this year. Ito ay ang Rakenrol, kung saan makakasama niya sina Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Ketchup Eusebio, at Diether Ocampo.

Three years in the making daw ang pelikula na ito. Bukod pa dun, nauna itong ipalabas sa New York bago ito mapapanood sa Pilipinas.

Ang Rakenrol ay tungkol sa dalawang magkababata, sina Irene (Glaiza de Castro) at Odie (Jason Abalos), na bumuo ng isang banda kasama sina Mo (Ketchup Eusebio) at Junfour (Alwyn Uytingco).

Pero nang makilala na ni Irene ang rock star na si Jacci Rocha (Diether Ocampo), ang pinaghirapan nilang mabuo na banda ay nanganganib na mabuwag.

ON INDIE FILMS. Hindi ito ang unang indie film na ginawa ni Jason. Uuna siyang napanood sa Endo (2007) kung saan nakatambal niya si Ina Feleo.

Nagwagi ng Best Actor si Jason, at Best Actress naman si Ina.

Ngayon taon ba ay nag-e-expect uli siya na nakatanggap ng award?

"Hindi naman," sabi ni Jason.

"Kasi hindi namin inaasahan yun pag gumawa kami ng indie.

"Gusto namin mag-enjoy, e. Kumbaga, ginawa namin yung Endo, nabasa ko yung script, ang simple-simple lang.

"Sabi ko, parang mag-e-enjoy ako nito. Tapos, habang ginagawa namin, ang dami kong natututunan.

"Ang dami nilang sinasabi na bawat linya pa lang, may ibang [ibig] sabihin, may ibang kahulugan."

Bagamat gumagawa siya ng indie film, hindi naman daw ibig sabihin nito ay mas gusto niya ito kaysa sa mainstream films.

"Nung una, indie," pag-amin niya.

"Pero eventually puro mainstream na din ako, parehas na.

"Kasi kumbaga, nasa sa 'yo naman, e, kung bibigyan mo ng pagkakaiba, e. Kung paano mo aatakihin yung mainstream at tsaka yung indie, e."

Pero bakit nga ba gusto niya ang pagsali sa mga independent films?

"Masarap mag–indie," nakangiting sagot ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, yung fulfillment na nakukuha mo sa mga indie [films], hindi mo makukuha sa mga mainstream, e.

"And swerte kami na nabibigyan kami ng pagkakataong makapag–indie, kasi may mga artista na hindi nakakapag-indie kasi, di ba, na gustung-gusto mag-indie, yung iba.

"Iba sa indie, e, iba yung experience dun."

Pero kung meron daw man siyang hindi malilimutang experience sa paggawa ng independent films, iyon ay ang pagiging malaya ng artista sa pagganap ng kanyang karakter.

"Kasi sa indie, meron kang freedom na mag-express ng kung ano yung gusto mo.

"Parang open yung mga tao dun sa suggestions, ganun. Kasi pag mainstream, may mga formula na sila na ginagawa, na kailangan ganito o ganyan.

"Pag indie, hinahayaan ka nilang maramdaman kung ano yung dapat mong maramdaman.

"Kasi pag TV, pag pelikulang mainstream, kailangan ito ka, kailangan lumuha ka sa ganitong linya, di ba?

"So, siguro 'yon yung natutunan ko sa indie, na hindi mo lang basta sasabihin bawat linya mo, dapat maramdaman mo din."

ON RELATIONSHIPS. Halos isang taon na din daw walang lovelife si Jason. Ito'y matapos ang breakup nila ng kanyang girlfriend for three years na si Bela Padilla.

Nagkakilala ang dalawa noong nasa ABS-CBN pa noon ang ngayon'y Kapuso actress nang si Bela.

Bakit nga ba single pa din siya hanggang ngayon?

"Siguro kasi ang hirap din pasukan ng panibago, kasi almost three years din kami, e.

"Mag-iisip ka din, 'Bakit ba? What went wrong? Bakit kayo naghiwalay?'

"Iisipin mo, pag ba may panibago ka na ngayon, 'Handa ka na ba?'"

Dagdag pa ni Jason, hindi pa rin nawawala ang pag-asa niyang magkakabalikan sila ni Bella.

"Hindi naman nawawala yung ganun chance, e," nangingiting sabi niya.

"Kasi kumbaga, ang tagal din namin, e, di ba?

"Minahal mo na yung tao, na yung pagmamahal mo, puwedeng nandiyan pa din, hindi mo lang pinapansin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang relasyon niya daw kay Bela ang longest relationship niya.

Masaya rin si Jason na tuloy-tuloy pa rin ang communication nila ng dating nobya, lalo na sa pamilya nito.

Pero katulad noon, hindi pa din sinasabi ng Kapamilya actor ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"Ano nga ba?" pabirong sagot niya.

"Personal na bagay," matipid na pahabol na sagot ni Jason.

Bagamat hindi niya masabi ang talagang dahilan ng kanilang hiwalayan, itinanggi niyang ang paglipat ng network ng dalaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Katunayan nga daw ay masayang-masaya siya sa nagiging takbo ng career ni Bela.

"Wala naman issue dun," mariing sabi ni Jason.

"Kahit saan siya, kahit nga mag-Arirang [Korean cable channel] pa siya pwede, e!" biro pa niya.

"Di ba, nakikilala siya, napapasin siya ng tao, tapos nabibigyan siya ng break sa kabila [GMA-7]?

"Kumbaga, ako na malapit sa kanya, wala nang hihilingin kung hindi makita siya na magtagumpay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN