LOOKING BACK: Another half-brother of Senator Bong Revilla joins showbiz

IMAGE 0


"Actually, hindi pa nila alam. Surprise! Siguro kapag nalaman na rin nila, baka kunin na rin nila ako bilang artista sa mga ipinu-produce nilang movies katulad ni Kuya Ram," says RJ Revilla, who has yet to tell his father and half-brother about his decision to enter showbiz.


ED'S NOTE: Unang lumabas ang artikulong ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 22, 2008. Noong mga panahong iyon, nagbabalak mag-artista si RJ Revilla, na ngayon ay primary suspek sa pagpatay sa kanyang kuya na si RamGen Revilla.

Gusto pala ng showbiz newcomer na si RJ Revilla na sorpresahin ang kanyang amang si Ramon Revilla Sr. at kapatid na si Sen. Bong Revilla kaya hindi pa niya ipinapaalam sa mga ito na pumasok na siya sa showbiz.

Yes, you read it right, from the famous clan of actor-politician Ramon Revilla, another Revilla enters showbiz. The 14-year-old lad is the son of the great Nardong Putik. He is the younger brother of young actor Ram Revilla and half-brother of actor-politician Bong Revilla.

"Actually, hindi pa nila alam. Surprise! Siguro kapag nalaman na rin nila, baka kunin na rin nila ako bilang artista sa mga ipinu-produce nilang movies katulad ni Kuya Ram," pag-amin ni RJ nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng ginagawa niyang pelikula.

Pero dahil nga unti-unti nang dumarami ang projects niya kaya hindi na rin maiwasan na mapansin at maisulat siya. At saka guwapo, mestizo at matangkad si RJ sa height niyang 5'8" kaya pansinin talaga.

Introducing si RJ sa pelikulang Xenoa 2 at sa indie movie na Fidel. Kasama niya sa Xenoa 2 sina Victor Basa, Isabel Granada, at Lance Raymundo; samantalang sa Fidel naman ay sina Lance, Snooky Serna, Andrea del Rosario, Jao Mapa, Von Arroyo, Mosang, at Maria Isabel Lopez.

Si RJ, na ang totoong pangalan ay Ramon Joseph Bautista, ay anak ng actor-politician na si Ramon Revilla kay Genelyn Magsaysay, na dati ring artista. Kasabayan ni Genelyn sina John Regala at Monica Herrera. Nakagawa rin ng ilang pelikula si Genelyn kasama na nga rito ang pinagtambalan nila ni Ramon Revilla na Pepeng Saklaw, kung saan daw nag-umpisa ang ligawan nila. And the rest is history, ‘ika nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba na-discover si RJ?

"I was discovered by my manager, Charlotte Dianco, in a fashion show," sabi ng binata. "Then, nag-workshop ako sa John Robert Powers. Habang nagwo-workshop ako, I met Direk Sean Lim, he offered me the movie Xenoa 2. Isa ako sa mga students dun. ‘Tapos, dumating nga yung Fidel, kung saan kapatid ako ng bida played by Lance Raymundo."

May challenge na ba sa kanya in terms of acting ang mga pelikulang ito?

"Meron, but more sa Fidel kasi may crying scene ako rito during the time na nakulong ang kuya ko."

Ano ang nagtulak sa kanya para pasukin na rin ang showbiz?

"Dati kasi focused talaga ako sa studies. Pero nung masama ako sa modeling, nagustuhan ko na rin yung modeling. ‘Tapos sa workshop, may acting lessons kami. Sabi ko, bakit kaya hindi ko rin i-try ang acting? Dun na nagsimula yun," lahad niya.

Bukod sa mga pelikulang ginagawa, kasama rin si RJ sa stage play ng Philippine Metropolitan Ensemble Theater na El Filibusterismo, na nagtu-tour sa iba't ibang probinsiya sa Pilipinas. Nauna na silang nagpunta sa Tarlac last August 14. Susunod naman ay sa Baguio sa September 20. To be announced pa raw ang iba pa nilang schedules.

Open ba siya sa idea ng pagkakaroon ng love team?

"Okay lang naman, pero mas focus ko kasi ngayon is mahasa ako sa pag-arte. Kaya tinanggap din namin ng manager ko yung stage play. Magandang training kasi ang maibibigay sa akin nito plus the discipline," saad ni RJ.

Bagamat pumasok na nga sa showbiz si RJ, tutuparin pa rin daw niya ang kanyang pangako sa kanyang daddy na tatapusin ang kanyang pag-aaral. Nasa third year high school siya ngayon sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN