Eddie Gutierrez's advice to Ruffa on custody battle with Yilmaz: "Kung ako ikaw, huwag mo nang ibigay ang telephone number mo sa kanya. Para wala nang kontak talaga."

IMAGE 0


Eddie Gutierrez (above) comments on the latest Ruffa-Yilmaz contrversy: "Ayoko sanang mag-react about that issue kasi mahal na mahal ko ang mga apo ko. [I'm like] a father to them kasi wala silang tatay sa bahay. So ako 'yung nagiging parang tatay sa kanila. I don't want to say anything bad about their father... So I just want to leave it at that."



Lumalabas ang pagiging tatay ni Eddie Gutierrez sa mga eksena nila ng anak na si Richard Gutierrez sa Captain Barbell na magtatatapos na next week sa GMA 7.

Magkakampi kasi sila sa fantaserye ng anak at isang general pa ang role ng veteran actor.

"Si Richard naman, masarap kasama sa set. Sa shoooting, sa taping. Ang bilib ko kay Richard, ang bilis mag-memorize ng lines. Kabibigay lang sa kanya, in two or three minutes, kabisado na niya. Kahit mahaba, oo!

"Doon ako nag-i-enjoy. Kasi ako, sa bahay pa lang, nagme-memorize na ako. Para pagdating sa set, ready na ako. Pero si Richard, sa bahay, palagay ko, hindi nagbabasa ng script. Hindi nagme-memorize.

"Pagdating sa set, binibigay na lang sa kanya [ang script], and he delivers," pagmamalaki ng father sa anak nang makausap namin sa last taping day ng CB last Friday night sa SM MOA grounds.

Umiiral din ba ang pagiging tatay niya kapag sila ang magka-eksena ng anak?

"Oo, kasi, general ako dito. So parang father din ako ni Captain Barbell. 'Yun ang feeling ko, na parang father niya, mentor niya. So relaxed din ako sa taping namin," tugon ng veteran actor.

Sa pagtatapos ng CB, may next project nang gagawin si Eddie at balitang sa TV5 naman ang punta niya. Pero ayaw pa niyang kumpirmahin 'yon.

RUFFA'S WOES. Kung tahimik ang mundo ni Chard, ano naman ang reaksyon ni Eddie Gutierrez sa kontrobersiyang muling kinasasangkutan ng anak na si Ruffa and her ex-husband, Yilmaz Bektas?

"Ayoko sanang mag-react about that issue kasi mahal na mahal ko ang mga apo ko. [I'm like] a father to them kasi wala silang tatay sa bahay. So ako 'yung nagiging parang tatay sa kanila.

"I don't want to say anything bad about their father... So I just want to leave it at that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Although siyempre, nasasaktan din ako bilang ama ni Ruffa," sagot niya.



Nagkausap na ba sila ni Ruffa tungkol sa bagong bagyo sa buhay niya?



"Oo. Si Ruffa is a strong person, e. Siguro dahil marami na rin siyang pinagdaanan. Kaya she knows how to handle 'yung mga problems, troubles na dumarating sa buhay niya!" katwiran ng ama.



Mukhang ayaw tigilan ni Yilmaz si Ruffa.



"Paulit-ulit!" ang sabi ni Eddie.



Ano ang sinasabi niya kay Ruffa?

"Actually, 'Ruffa, kung ako ikaw, huwag mo nang ibigay ang telephone number mo sa kanya.' Para wala nang kontak talaga. I don't know how. Nati-trace din siguro.

"Saka minsan sina Lorin, they want to talk to their Baba. So 'yun nagkakaroon pa rin ng communication between Ruffa and Yilmaz," aniya.



Bago umalis ng taping, kinumpirma ni Eddie na babalik na sila sa dati nilang bahay sa White Plains. Kung hindi ibebenta, baka iparenta ng pamilya ang bahay nila sa DasmariƱas Village, Makati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN