Willie Revillame and other celebrities donate to buy new cars for bishops

IMAGE 0


Controversial TV host Willie Revillame is one of the celebrities who donated to a fundraising campaign for the purchase of vehicles for some Catholic dioceses.


Nag-donate ng P100,000 ang TV host na si Willie Revillame para sa kampanya upang makalikom ng halaga para sa pagbili ng mga bagong sasakyan para sa ilang Catholic bishops.

Ayon sa CBCP News ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, si Willie ay isa sa "generous philanthropists" sa fundraising campaign na ito.

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na ang P100,000 na donasyon ni Willie ay nakadagdag upang umabot na sa P1.5 million ang total donations as of July 20, o walong araw pagkatapos nilang simulan ang fund drive.

Si Atty. Macalintal at si dating Manila Mayor Lito Atienza ang nangunguna sa fundraising drive na ito bilang suporta sa pitong obispo na bumili ng utility vehicles mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donations noong 2009.

Pero isinauli ng mga obispo ang mga sasakyang ito sa gobyerno noong nakaraang linggo sa gitna ng mga alegasyon na ang mga sasakyan ay ibinigay sa kanila ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kapalit ng "political allegiance."

Ayon kay Atty. Macalintal, tinitingnan din nila ang posibilidad na humingi ng donasyon mula sa Catholic parishioners upang makalikom ng P8.2 billion, ang halaga na natanggap ng mga high-ranking members ng clergy mula sa state-run lottery.

Balak din nilang dalhin ang fundraising campaign sa Cebu City sa Sabado, July 23, para makalikom pa ng mas maraming pondo. Ito ay sa kabila ng negative reactions mula sa ilang mga pari.

Ang tinutukoy rito ni Atty. Macalintal ay ang mga pahayag nina Fr. Robert Reyes at Fr. Edu Gariguez laban kay dating presidential son at Congressman Mikey Arroyo, na nag-donate din ng P50,000.

Ang iba pang celebrities at organisasyon na nag-donate sa fund-raising campaign na ito ay sina Senator Tito Sotto (P200,000), Senator Chiz Escudero (P100,000), Radyo Veritas (P100,000), Manila Rep. Amado Bagatsing (P100,000), dating Senator Ernie Maceda (10,000), at Jojo Mitra, eldest son ni dating speaker at yumaong si Ramon Mitra (50,000).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Senator Bong Revilla at ang kanyang misis na si Cavite Rep. Lani Mercado ay magbibigay rin daw ng P200,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN