Robin Padilla more excited about doing romantic scenes than performing action stunts

IMAGE 0


"Kung hindi rin lang ako siguro gagawa ng bagong stunt, o ano, hindi ko makukuha yung adrenaline na gusto ko. Mas mataas yung adrenaline ko pagka lovie-dovie, yung mga papungay ng mata yung kinukunan, mas mataas ang adrenaline ko doon," says Robin Padilla.


Masayang-masaya si Robin Padilla sa patuloy na magandang feedback na nakukuha ng kanyang primetime series sa ABS-CBN, ang Guns and Roses.

At lalo pang nadadagdagan ang saya ni Robin kapag nakikita niya ang mga taong nagkukumpulan sa paligid ng set upang manood ng kanilang fight scenes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Robin sa kanilang set sa Bacood, Sta. Mesa, Manila noong July 20.

Dito'y sinabi niya na masaya siya dahil madami pa rin ang nag-aabang sa action stunts na kanyang ginagawa sa Guns and Roses.

"Natutuwa ako dun sa mga tinatawag nating kalalakihan na nabuhay ulit, na nakakatuwa at yung taping namin sila yung nandun.

"Masaya ako dun, ako'y masayang-masaya sa Guns and Roses," saad ng action star.

ON ACTION STUNTS. Habang tumatagal ay dumadami ang fight scenes na nagaganap sa teleseryeng pinagsasamahan nina Robin, Bea Alonzo, at Diether Ocampo.

Maski raw si Robin ay nagulat dito, dahil iba raw ito sa napag-usapan nila ng Star Cinema.

"Ramdam na ramdam ko, kasi pasakit na nang pasakit yung katawan ko, e!" pabirong sinabi ni Robin.

"Nagha-hard action na ngayon, e. Nung una kasi, nung unang usapan namin ng Star Cinema, hindi siya action talaga, ano lang, parang love story.

"Yun nga ang gusto ko, love story, kasi nga si Miss Bea.

"E, siyempre kailangan natin sundin ang gusto ng mga tao, kaya ngayon napunta na kami sa hard action na matindi."

Pero hindi niya ba na-miss ang paggawa ng action stunts?

"Mas nananabik ako sa mga eksena namin ni Bea, e," nangingiting sagot ni Robin.

"Pagka action kasi, parang naliligo lang ako, e, parang okay lang siya.

"Kung hindi rin lang ako siguro gagawa ng bagong stunt, o ano, hindi ko makukuha yung adrenaline na gusto ko.

"Mas mataas yung adrenaline ko pagka lovey-dovey, yung mga papungay ng mata yung kinukunan, mas mataas ang adrenaline ko doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung bibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto ni Robin na mag-suggest ng ilang stunt performances sa palabas.

"Sana magkaroon din kami ng kalayaan na mag-present. Kasi sa ngayon, titingnan naman namin sa script, e," saad niya.

Kaugnay nito, naikuwento ni Robin kung paano naiba ang paggawa niya ng stunts sa palabas na ito, at sa palabas niya noon sa Kapuso network.

Kuwento niya, "Kasi nung experience namin, noong nasa ibang istasyon ako, nagpe-present kami talaga ng stunt.

"Kasama namin yung stunt team namin, ipe-present namin. Kapag in-approve nila, gagawin namin.

"Yun ang ngayon pa lang, hindi pa namin nagagawa dito.

"Pag tiningnan namin sa script, nandun na kasi yung action, e. So kami nag-a-adjust na lang sa action.

"Hindi katulad sa ibang istasyon, dadalhin sa amin yung script, nandun yung discretion ng fight choreographer.

"Siyempre pag dumating yung script sa amin, nandun na yung discretion ng fight choreographer, yun na yun. Sa amin na yun, magpe-present na kami," paliwanag niya.

Pero kung stunts lang din ang usapan, paano niya maikukumpara ang paggawa ng stunts noon sa ngayon?

"Madaya na ngayon, yung filmmaking ngayon, napakadaya na," bulalas ni Robin.

"Hindi ito tulad nung araw na puwede ka mamatay, hindi na. Madaya na ngayon.

"Matagal lang, pero kung sa aksidente, wala na po sigurong aksidente ngayon.

"May green screen na ngayon, e, meron nang imposibleng puwedeng gawin. Kaya lang matagal, at magastos."

Ano ang mas gusto niya, ang paggawa ng stunts ngayon o yung dati pa rin?

"Pareho," mabilis na sagot niya.

"Kasi gusto natin may adrenaline. Pero pangalawa, wala rin naaaksidente.

"Kasi nung araw, mataas nga yung adrenaline mo, sunog ka naman. 'Tas nakita mo minsan yung stuntman kawawa, tao yun, e."

WORKING WITH BEA. Kasabay ng umaatikabong fight scenes, umiinit din ang love triangle sa pagitan nina Abel (Robin), Reign (Bea), at Marcus (Diether).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman lalong nagiging kapansin-pansin ang magandang chemistry nina Robin at Bea.

Paano ba nila nagagawa ito?

"Siguro nung una kasi, nabigla lang siguro yung ating mga tagahanga, sa side ni Bea at sa side natin," paliwanag niya.

"Pero nung nakita naman nila yung istorya, sila naman ang request nang request ngayon ng mga eksenang magaganda.

"Talaga namang expected namin yun, na hindi natin mabibigla."

Sa naunang panayam kay Bea, nabanggit nito na isa sa mga hinahangaan niyang ugali ni Robin ay ang pagiging malapit sa fans nito.

Pero paliwanag ni Robin, ito raw ay isang ugali na natutunan niya sa mga mas beteranong artista sa kanya.

Aniya, "Yun naman, old school kasi yung atin, e. Ang magandang masasabi ko, inabot ko kasi yung palit ng generation, e.

"Yung generation namin kasi, kasama yun, e, na ang tagahanga, binibigyan ng special attention talaga."

Ngunit kung si Robin ang tatanungin, madami rin daw siyang natutunan kay Bea.

"Magaling siya, masasabi ko na sa edad niya, siguro napakagaling ni Ms. Bea," puri niya sa kapareha.

"Ganun lang yun, ganun lang kami magbatian. Pero manood ka ng eksena namin, yung mga lovey-dovey, iba 'yan, may sanib."

Hindi rin daw niya maiwasan maalala kay Bea ang katambal niya noon na si Regine Velasquez.

"Magkahawig sila ni Regine, e. Si Regine, di ba, ganun din, e.

"Kay Regine ko unang na-experience yun, e, nagsu-shooting kami ng Kailangan Ko'y Ikaw.

"Hindi naman kami close ni Regine, pero nung kinunan yung halikan, ako'y natulala talaga.

"Pagkatapos ng halikan, hindi ako maka-recover, e, 'Syota ko ba yun?' Parang ganun, e, yun ang kapareho ni Ms. Bea."

Dagdag pa ni Robin, nakakabilib pa na kahit mas sanay si Bea na makatambal ang mga kaedad niya, nagawa pa rin nitong makipagsabayan sa kanila ni Diether.

Si Robin kasi ay 42 na, si Diether naman ay 37, samantalang si Bea ay 23 pa lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako pa yung kasama niyang artista, e, sanay sa mga batang leading man 'yan.

"Nakakatuwa na bigyan ka ng atensiyon. Kasi para sa akin, atensyon din naman yung binibigay niya, e," sabi niya.

Kaya naman kung ilalarawan niya si Bea sa tuwing may eksena sila, ito lang ang masasabi ni Robin: "Ibang-iba 'yan! Pag ganyan masyado siyang kaswal, pero pag nag-take, iba 'yang si Bea, iba yung sanib nun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN