Mariel Rodriguez changes mind about having a Catholic wedding; says she fell in love with Robin Padilla all over again

IMAGE 0


"Talagang nakita ko ang pagmamahal ni Robin sa 'kin sa trip na ito. Sabi ko nga, in this trip, Robin made me fall in love all over again," says Mariel Rodriguez.


Pinatunayan ni Robin Padilla kung gaano niya kamahal si Mariel Rodriguez sa sorpresang Europe trip na ibinigay niya sa kanyang maybahay na tumagal ng halos isang linggo.

Pinagpaalam ni Robin sa management ng ABS-CBN si Mariel na mag-leave sa noontime show na Happy Yipee Yehey! upang makasama sa Europe trip na ito.

Naging usap-usapan na kaya pupunta sa Europe ang dalawa ay para humingi ng permission sa Vatican para makasal sila sa Catholic Church dahil isang Muslim si Robin. (CLICK HERE to read related article.)

Noong Miyerkules ng umaga, August 3, dumating ang dalawa mula sa Europe.

Dumiretso na si Mariel sa ABS-CBN para mag-host ng Happy Yipee Yehey!. Bagamat may jet lag pa siya, kitang-kita pa rin ang energy nito sa kanyang hosting that day.

Matapos ang Happy Yipee Yehey! ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kamustahin si Mariel tungkol sa kanilang Europe trip ni Robin.

"Masaya, sobrang masaya, sobra akong nag-enjoy!" bulalas niya.



Kuwento pa ni Mariel, "I have magnets, halos lahat ng mga pinupuntahan kong lugar, I bought magnet at nilalagay ko yun sa refrigerator namin, to remind me of the place na napuntahan ko na."

Ano ba ang purpose nila sa trip na ito?

"Actually, wala akong alam. It is just a surprise!

"Robin was the one who arranged everything, hindi talaga ako.

"Parang honeymoon, birthday celebration ko, pati anniversary na rin.

"Parang all in one na. Pinagsama-sama na."

Ano ang mga lugar na pinuntahan nila?

"We went to Rome and Amsterdam," sabi niya.

"Sobrang ganda sa Amsterdam, sarap ng weather, sobrang cute ng Holland. Yung mga bahay na magkakatabi, sobrang ganda talaga.

"Actually, even Rome maganda rin. May kanya-kanya silang ganda.

"Yung Paris, ang ganda-ganda. Yung mga architectural design nila, even details, ang ganda-ganda nila, para kang nasa loob ng painting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi ba sila ng permission from Vatican for their Catholic wedding?

"We were able to go to Vatican, pero walang ganun na naganap.

"Kasi iba na yung gusto ko ngayon. Hindi ko na gusto ang Catholic wedding.

"Gusto ko munang... huwag muna. Darating tayo diyan.

"Ayaw ko muna magsalita, basta, marami muna akong pag-aaralan at tingnan ko muna kung ano yung bagay sa akin."

Ano ang mga bonding moments nila sa trip na ito?

"Alam mo, lahat ng bansang napuntahan namin, nakapagpa-massage kami. Oo! Talaga, natutuwa kami.

"Biro mo sa Rome, magpapamasahe ako, di ba? Si Robin, sa Holland at sa Amsterdam nakapagpamasahe, ang galing!

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagagawa namin ang mga ganito sa mga bansang ganun. Pero walang tatalo sa hilot pa rin ng Pinoy."

Kuwento pa ni Mariel, "Aliw na aliw ako sa sarili ko, kasi pag kumakain ako ng spaghetti sa Rome, sabi ko, 'Oh, my gosh! Eto ang totoong spaghetti na galing talaga sa Italy, eto ang Italian food. Eto talaga yung totoo.'

"Tawa nang tawa sa akin si Robin kasi parang ang babaw ko daw.

"Siyempre pangarap mong magpunta dun, di ba, tapos at that time nandun ka na, lahat talaga naa-appreciate mo na talaga.

"We visited also Rome at nagpunta kami sa St. Peter's Basilica at nakita namin dun yung Sistine Chapel na gawa ni Michaelangelo."

Ano ang pinaka-memorable moment niya with Robin sa trip na ito?

"Meron isang time, mainit kasi sa Rome, tapos nung pumasok kami sa isang eskinita, may pumasok na hangin na sobrang sarap. Ang sarap!

"Simple lang yung moment na yun, pero alam mo yun? Sobrang kakaiba at ang sarap sa pakiramdam na kasama mo yung mahal mo.

"Parang lalong tumindi yung pagmamahalan namin ni Robin that time, talagang ibang level."

Paano siya na-surprise ni Robin sa trip na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, maraming surprises!" sambit ni Mariel.

"Isa rito yung nag-breakfast kami sa Eiffel Tower. Ay, napaka-romantic lahat talaga, nag-bus tour kami... Lahat talaga, name it!

"Lahat ng gusto ko kainin, yun ang kinakain namin.

"Talagang nakita ko ang pagmamahal ni Robin sa 'kin sa trip na ito.

"Sabi ko nga, in this trip Robin made me fall in love all over again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN