Claudine Barretto answers past issues, including rumors linking her to several men

IMAGE 0


"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. All I know naman is that they're not fond of each other, so okay lang. I'll feel bad if they like each other. But I know that they don't like each other that much," says Claudine Barretto about sister Gretchen's upcoming project with Angelica Panganiban.


Pinagbigyan na rin ni Claudine Baretto ang matagal nang hinihinging interview ni Ricky Lo sa kanya para sa Startalk.

Ayon sa aktres, iyon na raw ang una't huli niyang interview na kung saan sinagot nito ang lahat na mga kinasangkutan nitong isyu.

Nung nakaraang taon pa ito pinag-usapan, pero nanatiling tikom ang bibig ng aktres dahil ayaw na niyang lumaki pa ito.

Ipinalabas ang interview kaninang hapon, July 30.

DRUGS & REHAB ISSUE. Ang unang napag-usapan ay ang pagkalulong diumano ni Claudine sa drugs at ang pagkaka-rehab daw sa kanya.

"I'm not doing drugs, and hindi po ako nagpa-rehab," mabilis na tanggi ng aktres.

"There's no such thing as any rehabilitation center na pinasukan ko."

CASINO ISSUE. Ang sumunod na isyu ay ang pagkakalulong din daw nito sa casino dahil madalas daw siyang nakikita sa ganung lugar.

"Slot machines hindi po ako marunong," pakli ni Claudine.

"There was this time... na twice po akong nakapunta ng Resorts World.

"Meron po kaming meeting ni Raymart [Santiago, her husband] doon sa Resorts World.

"Baka nakita po ako nandun at siguro akala nagka-casino po ako. Pero hindi po ako nagka-casino."

PAST RIFT WITH ANGELICA PANGANIBAN. Sinagot na rin ni Claudine ang hidwaan nila ni Angelica Panganiban na itinuring daw niyang "pamilya."

"I haven't seen her for such a long time, and the wounds are talagang sariwa pa.

"So, it's a very sensitive topic kasi minahal ko siya," seryosong sabi ni Claudine tungkol sa dating kasamahan niya sa bakuran ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, "Ang daming na-involve. Friendships were broken.

"Aside from our friendship and yung pamilya ko. Yung marriage namin ni Raymart, muntik masira.

"Dahil sa malaking tsismis, dahil sa malisyosong tsismis.

"So, I think kapag you cross the line of trying to destroy the family, that's how I feel, 'no?

"Pag nag-cross ka sa line na tinray mong i-destroy yung family, mahirap pa yun, e. Mahirap pa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A simple tsismis can destroy so much," saad nito.

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang pumutok na usap-usapan noong isang taon na naugnay sa kanya ang businessman na si Martin Castro.

Si Martin ay matalik na kaibigan ni Raymart at ni Derek Ramsay. Si Derek naman ang boyfriend ni Angelica. (CLICK HERE to read related story.)

MARTIN CASTRO. Dito nagkasunud-sunod na lumabas ang mga intrigang inili-link si Claudine sa iba't ibang lalaki.

Una na nga rito si Martin Castro, na lalong lumala ang gulo nang magsalita ang asawa nitong si Cris dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Claudine, "Si Martin naman and Raymart, close friends sila. Very, very good friends.

"Yung para kayong magkapatid na inseparable, kasi si Martin at saka si Raymart mahal na mahal nila ang isa't isa.

"I saw talaga na-depress yung asawa ko na talagang nami-miss niya talaga si Martin.

"During that time na lumabas si Cris Castro sa PEP, na sinabi niyang tumatawag daw ako sa asawa niya ng 30 times...

"Siyempre, sabi ko, 'Akin na yung Globe bill. Yung cell phone bill ko at magpakitaan tayo at magdemandahan na lang tayo!'

"Ganun siyempre ang reaction ko. Mainit na mainit ang ulo ko nun, di ba?

"Parang, 'Ano ba 'to? Nag-exaggerate ka ba o nagpapa-cute ka ba sa mga tao?'"

ATONG ANG. Sa gulong iyon, doon daw pumasok ang controversial businessman na si Atong Ang, na isa rin sa mga lalaking natsismis kay Claudine.

"Yung sister-in-law ko works for him [Atong], and apparently siya ang nag-volunteer to help dahil I think ninong siya ni Martin," sabi ni Claudine.

SEN. JINGGOY ESTRADA. Pati si Sen. Jinggoy Estrada ay na-link din kay Claudine.

Paliwanag naman ng aktres dito, "Yung kay Sen. Jinggoy, nagsimula talaga 'yan sa isang party na pinuntahan namin which was hosted by Senator Jinggoy in San Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was the birthday of Ate Lyn Cruz, the wife of Tirso, na in-invite kami ni Bien (wife of Bobby Andrews).

"Since wala naman kaming ginagawa nung gabing yun... Si Raymart just had work, so ako, kinukulit ako ni Bien. Tawag siya nang tawag.

"So, pumunta ako. Sumunod naman yung asawa ko.

"Hindi naman kami talaga close kay Sen. Jinggoy," patuloy ni Claudine.

"Although, there was talaga a time na after that party, he called Raymart. Siguro mga twice or thrice yun.

"Mga three times na pumunta si Raymart sa San Juan, sa kanila. Nagsi-sing-along sila dun na hindi naman po ako kasama.

"So, hindi ko naintindihan na nakikipagkaibigan lang naman po si Sen. Jinggoy at nakikipagkaibigan din po yung asawa ko, tapos ako na naman yung natsismis.

"Nakakahiya naman po," saad niya.

WENDELL RAMOS. Nagulat naman si Claudine nang tinanong din sa kanya ni Ricky Lo ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Wendell Ramos, na ka-partner niya sa Christmaserye noon ng GMA-7, ang Jillian, Namamasko Po.

"Talaga? Nagulat ako dun!" bulalas nito.

"Asawa ko siya sa Jillian. Nagulat ako dun. Hindi ko ini-expect yun. Bakit at kailan?"

GRETCHEN BARRETTO. Ang isang magandang bagay lang na nangyari kay Claudine ay ang pagbabati nila ng ate niyang si Gretchen Baretto.

"The good news is that nag-family counseling kami after all... so that you know, para sure na hindi na maulit ito.

"The difference now, yung mas before kami-kami lang yung nagbati, kami-kami lang talaga.

"Ngayon, mas God-centered na yung relationship namin. We pray together.

"I'm a Christian. She tries to go with me, to understand my religion, and I try to understand her religion.

"I go with her to Quiapo. I go with her to Baclaran, and we pray together," saad pa niya.

Aware si Claudine na napapabalitang si Angelica ang makakasama ng Ate Gretchen niya sa susunod nitong project sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din noon ng hidwaan sina Gretchen at Angelica dahil sa "naughty remark" ni Gretchen tungkol kay Derek, na leading man niya noon sa Magkaribal.

Pero nagkaayos din ang dalawa.

Ani Claudine, "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. All I know naman is that they're not fond of each other, so okay lang.

"I'll feel bad if they like each other. But I know that they don't like each other that much."

RAYMART SANTIAGO. Sa dami ng pinagdaanan ni Claudine, malaki ang pasasalamat niya sa all-out na suporta ng kanyang asawa.

Na-appreciate daw niya na talagang nasa tabi niya lagi si Raymart at hindi ito bumitaw.

"With the help of our pastors sa church, I've been praying and praying talaga. Kasi non-stop ang pambabato, non-stop yung pagtitira... Masakit," pahayag nito.

Pag-amin pa ni Claudine, "I've been seeing a psychiatrist since 2002.

"With everything na pinagdaanan ko, yung last year na bumaligtad yung buong mundo ko.

"Nagmahal ako nang sobra sa isang kaibigan na muntik na nakasira sa pamilya ko.

"Ang daming stages nun ng denial," pahayag pa ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN