Who is Genelyn Magsaysay?

IMAGE 0


By some twist of fate, the girl who used to call Ramon "Bong" Revilla, Jr. "Kuya Bong" eventually became his stepmother.


Si Genelyn Magsaysay ay ang nananaghoy na ina ng napaslang na si Ram.

Siya rin ang nagngangalit na ina ng mga inaakusang pumatay kay Ram.

Simula noong pumutok ang balita tungkol sa pagpaslang sa aktor na si Ramgen "Ram" Revilla, araw-araw nang lumalantad ang pangalan ng kanyang inang si Genelyn Magsaysay.

Hindi maiwasang lumantad ni Genelyn sa publiko dahil ang pangunahing suspek sa krimen ay ang dalawang pang anak nito, sina Ramon Joseph "RJ" Bautista at Ramona "Mara" Bautista.

Naging malaking palaisipan sa lahat ang tunay na katauhan ni Genelyn Magsaysay.

Ang alam lang sa mga bali-balita ay ina siya ng siyam sa kinikilalang 45 anak ni Ramon Revilla, Sr.

Sa showbiz, usap-usapan na doble sa 45 ang kabuuang numero ng mga naging anak ni Revilla, Sr. Hindi pa nga lang kinikilala ang mga ito.

Usap-usap ding si Ramon Revilla, Sr. ang maaaring pangalawa sa tiga-showbiz na may pinakamaraming anak sa iba't ibang babae. Pangalawa lamang daw siya sa showbiz impressario na si Lou Salvador, Sr.

Isa lang si Genelyn sa maraming naging partner ni Revilla, Sr. na inaakan nito.

THE MESTIZA GIRL. Noong Disyembre 20, 1969 ipinanganak si Genelyn, na nagmula sa pamilya ng mga pulitiko.

Sinasabing anak siya nina dating Senador Genaro Magsaysay at dating aktres na si Lyn Madrigal.

Isa si Genelyn sa mga batang mestizang aktres noong 80's, at ang ginamit nitong screen name ay Genelyn Magsaysay.

Ayon sa artikulong inilabas ng veteran showbiz writer na si Mario Bautista noong Nobyembre 6, sa journal.com.ph, nasa edad 15 o 16 si Genelyn noong unang pumasok sa mundo ng showbiz.

Katunayan, kabilang siya sa pelikulang Lost Command, na pinagbidahan ni Ramon "Bong" Revilla, Jr. noong 1988.

Noong una'y "Kuya Bong" pa ang tawag ni Genelyn kay Senator Bong, dahil mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya.

Ipinanganak si Bong noong Setyembre 25, 1966.

Ang paggawa ng pelikulang ito ang nagsilbing tulay upang magkakilala sina Ramon Revilla, Sr. at si Genelyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THEIR FIRST CHILD. Naging batang ina si Genelyn.

Ayon sa blog na inilabas ng veteran non-showbiz writer Raisa Robles kahapon, Nobyembre 7, 19-anyos daw si Genelyn nang isilang niya ang panganay nila ni Ramon Sr.— si Ramgen "Ram" Revilla.

Isinilang si Ramgen noong Pebrero 12, 1989.

Unang ipinakilala ni Genelyn ang kanyang panganay na anak noong 2004 sa pelikulang Anak Ka Ng Tatay Mo.

Lumbabas siya at si Ram dito, kasama sina Albert Martinez, Snooky Serna, at Jean Garcia.

Hindi man nagtagumpay sa takilya ang nasabing pelikula, ipinagpatuloy pa rin ni Ram ang kanyang trabaho bilang aktor.

Katunayan, lumabas pa si Ram sa dalawang pelikulang pinagbidahan ni Bong, ang kanyang kapatid sa ama: Exodus (2005) at Resiklo (2007).

Ilang TV shows din ang ginawa niya tulad ng Kamandag (GMA-7, 2007) at Tonyong Bayawak (ABS-CBN, 2010).

HER SON'S DEATH. Siyam lahat ang anak ni Genelyn—anim ang hindi pa lumalabas ang pangalan sa publiko; habang ang tatlo, kabilang si Ramgen, ay pinangalanan na.

Lumutang ang pangalan nina Ramon Joseph at Ramona matapos silang ituro ng pulisya na may kinalaman daw sa pagpatay kay Ramgen.

Pinaslang si Ramgen noong Oktubre 28 sa bahay nila sa BF Homes Parañaque City, habang ang nobya niyang si Janelle Manahan ay kasalukuyan pa ring nasa Asian Hospital, Alabang, Muntinlupa City, para sa ilang maseselang operasyon matapos itong mabaril.

Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng Parañaque Police, base sa pahayag ng mga witnesses ay may kinalaman ang magkapatid na RJ at Ramona sa pagpaslang kay Ramgen.

Bilang ina, buong tapang at pananampalataya na ipinagtatanggol ni Genelyn ang kanyang mga anak.

Iginigiit niya na pinalaki niya lahat ang siyam niyang mga anak na "may takot sa Diyos."

Alam daw niyang hindi magagawa ng sino man sa kanila ang ipapatay ang sariling kapatid.

Kanina, nai-raffle na sa mga Parañaque judges ang complaint laban kay RJ. Napunta ito sa sala ni Judge Fortunito Madrona ng Parañaque RTC Branch 274 ang maghahawak ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ang dalawa pang sinasabing kasabwat sa pagpatay kay Ramgen na sina Michael Nortea at Roy Francis Tolisora ay sasailalim sa preliminary investigation bukas, Nobyembre 9, sa Parañaque Prosecutors Office.

Sa kabila ng lahat ng kontrobersya at patuloy na masusing imbestigasyon ukol sa pagpaslang kay Ramgen, iisa lamang ang sigaw ng pamilya Revilla at pamilya Bautista: ang makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Ramgen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN