Direk Yam Laranas talks about his enthrallment with horror films

IMAGE 0


Direk Yam Laranas (in photo): "I think ang problem is I'm makulit sa materyales, e, parang naghahanap ako ng bagong materyales, e. I don't want to make the same story all over again."


Kapansin-pansin na karamihan sa mga pelikulang ginagawa ni Direk William "Yam" Laranas ay nalilinya sa mga kuwentong katatakutan o kababalaghan.

Ilan sa mga horror films na pinangasiwaan niya ay ang Sigaw (2004), The Echo (remake of Sigaw, 2008), Patient X (2009), at ang bagong pelikula ng GMA Films ngayong taon— ang The Road.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Direk Yam sa isang pocket interview kamakailan sa 17th floor, Executive Lounge ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

Ipinaliwanag niya kung bakit siya nahilig sa paggawa ng horror films.

"When I was growing up in Davao, puro black out, e. Puro brownout ang Mindanao no'n, e... ang dilim," kuwento ni Direk Yam.

"Kaya ang mga laruan namin, shadow puppets, puro gano'n.

"Kaya masarap mag-imagine, siguro nadala ko.

"In fact, kaya nga na-in love ako sa cinematography dahil sa shadow and light, e."

THE PLAYFUL MIND. Sinabi ni Direk Yam na kapag gumagawa siya ng isang pelikula ay marami siyang konsiderasyon.

Hangga't maaari kasi ay ayaw niya ng mga umuulit na tema sa mga pelikula niya.

Upang maunawaan namin ang sentimyentong ito, ginawa niyang halimbawa ang paggawa ng The Road.

"Ang pinaka-number one na pinasok namin sa utak namin ni Alloy [Adlawan] is, this should not be an Asian horror.

"'Yong walang long-haired woman, walang batang maputla, walang nagsa-slide na ghost, walang under the bed na hahablot sa'yo, walang nothing.

"The scares are all organic to the story.

"Kung hindi siya kasama sa story, kung walang dahilan... tanggalin natin."

Kung susuriin ang mga taon na lumabas ang mga pelikulang ginawa niya, tanging ang Echo (2008) at Patient X (2009) lamang ang magkasunod na taong naipalabas sa mga sinehan.

Gustuhin man ni Direk Yam na maglabas ng pelikula taon-taon, may ilang mga dahilan siya kung bakit kadalasan ay hindi ito nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'd love to do more," sagot niya nang tanungin kung maglalabas siya ng isa pang pelikula sa susunod na taon.

"I think ang problem is I'm makulit sa materyales, e.

"Parang naghahanap ako ng bagong materyales, e.

"I don't want to make the same story all over again.

"Parang sana kung may bago, ma-excite ako, gagawa ako.

"I think I've learned lessons from the films na nagawa ko, hindi ko na siya uulitin para hindi masabi ng tao na, 'nagawa na rin 'yan, e.' So, it has to be different.

"I'm not saying that I'll do another one next year or two years from now.

"If there's a story na magandang-maganda [gagawa ako]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN