Zoren Legaspi reveals Carmina Villarroel is now negotiating with other network for possible transfer

IMAGE 0


Zoren Legaspi on Carmina Villarroel's negotiation with other network: "Meron kasing nami-miss si Carmina sa career niya. Yung labanan ng acting, 'yun ang nami-miss niya. Ang tagal na niyang puro talk show lang, e. Gusto niyang gumawa ulit ng drama na pelikula. Gusto niyang bumalik sa heavy drama soaps. 'Yun ang nami-miss niya."


Kung si Zoren Legaspi ay nagagawang magtrabaho sa iba't ibang networks, ang kanya namang partner na si Carmina Villarroel ay nananatiling Kapuso sa ngayon.

Pero pambubuko ni Zoren, tila open na rin ang asawa na magtrabaho sa ibang network.

"Si Tita Dolor [Guevarra, manager ni Carmina] ang nakikipag-ano [negotiate]," natatawang sabi ni Zoren.

"Meron kasing nami-miss si Carmina sa career niya. Yung labanan ng acting, 'yun ang nami-miss niya.

"Ang tagal na niyang puro talk show lang, e.

"Gusto niyang gumawa ulit ng drama na pelikula. Gusto niyang bumalik sa heavy drama soaps.

"'Yun ang nami-miss niya."

So, meron na bang negosasyon na nagaganap sa ibang network para kay Carmina?

"Alam ko, nakikipag-negotiate na sa ngayon."

So, meron talagang offer galing sa ibang network?

"Merong offer, pero hindi sa TV5, sa iba.

"Alam ko kasi tapos na yung kontrata ni Carmina sa GMA. Kaya ngayon nagne-negotiate sila.

"Pero in fairness naman sa GMA, gusto nilang i-maintain si Carmina. Gusto nilang mag-sign ulit.

"Pero hindi na pera yung pinag-uusapan, e.

"Kasi nagagalit [si Carmina] sa akin, e. Kasi sabi ko, 'E, kung sino yung best offer.' Nagagalit, ayaw niya.

"Gusto niya yung opportunity, yung role, parang ganun."

Sa ngayon napapanood pa si Carmina sa GMA-7 sa afternoon soap na Pahiram ng Isang Ina at sitcom na Pepito Manaloto. May show rin siya sa GMA News TV Channel 11, ang Day Off.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN