Nora Aunor on working with director Tikoy Aguiluz: "Sa totoo lang, ninenerbiyos nga ako."

IMAGE 0


Nora Aunor is scheduled to start shooting tomorrow (August 8) the epic film, El Presidente: True Story of Gen. Emilio Aguinaldo. Laguna Gov. ER Ejercito will play the title role, while Ate Guy will portray Maria Agoncillo, Gen. Aguinaldo's second wife.



Bukas (Lunes) na ang start ng shooting ng Superstar na si Nora Aunor para sa epic film na El Presidente: True Story of Gen. Emilio Aguinaldo.

Produced by Scenama Concept, Laguna Gov. ER Ejercito will play the title role while Ate Guy will portray Maria Agoncillo, Gen. Aguinaldo's second wife.


Sabi-sabi, ang role daw ni Maria Agoncillo ay unang inalok kay Batangas Gov. Vilma Santos. Hindi nga lang daw ito tinanggap ni Ate Vi dahil wala siyang oras para gawin ito. Kaya in-offer na lang daw ito kay Ate Guy, na naging dahilan nga para bumalik siya sa Pinas.



Pero hindi big deal ito sa Superstar kahit pa second choice lang siya sa El Presidente.

"Marami na kaagad intriga nung hindi pa ako dumarating, na second choice lang ako sa movie. Sa akin naman ho, wala ho yun e.

"Ang sa akin lang, kung may maitutulong ako sa paggawa ng isang pelikulang makabuluhan, at lalong-lalo na... historical, hindi ho ako magdadalawang-isip tanggapin," ang sabi ni Ate Guy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 7 sa presscon ng El Presidente na ginanap sa Club Filipino sa Greenhills.


Isa pang dahilan kung bakit bumalik ng bansa si Ate Guy after eight years sa America ay para dalawin ang kapatid niyang si Buboy Villamayor.


"Actually po, talagang uuwi ako dahil sa kapatid ko. Ahh... talagang nagdesisyon po ako na umuwi para kay Buboy. Gusto ko po talaga siyang bisitahin.


"Sa akin ho, kahit walang pelikula, kahit walang press, walang mga fans na sasalubong, basta ako uuwi para sa kapatid ko, para makita ko yung kalagayan niya.


"Tapos nga po nung mabalita na uuwi ako, tumawag sa akin si Kuya Germs. Sabi niya sa akin, 'Huwag ka munang uuwi kasi mayroon kaming mga negosasayon na binubuo.' So hindi ako umuwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya sa July 31 ka na lang pumunta dito. Kaya natuloy po ako nung 31. Pero talaga pong nagbalak akong umuwi para sa kapatid ko," pahayag ni Nora.

Anong pakiramdam na muli siyang gagawa ng pelikula after eight long years na hindi siya umaarte? At paano niya ito pinaghandaan?


"Actually ahh... kung tutuusin po, sorry po hindi po ako naghahanda talaga. Kasi kapag magbabasa ka ng script, maghahanda ka. May mga director din kasi pagdating sa set binabago yung script, binabago yung mga dialogue.

"Kaya kung pag-aaralan mo na ahh... mas mabuting nasa set ka na para sigurado ka dun sa kung ano yung mga dialogue, kung ano yung sasabihin mo at least isang aralan na lang."


Si Tikoy Aguiluz ang director ng El Presidente. First time ni Nora na makakatrabaho ang nasabing director.

Kinakabahan ba siya?

"Sa totoo lang, ninenerbiyos nga ako," sagot ni Nora.

"Walang halong biro, nininerbyos ako talaga kasi alam kong magaling na director si Direk Tikoy.


"Pero ang maipapangako ko na lang, kung ano yung magiging role ko, gagawin ko na lang ang lahat ng magagawa ko para magampanan ko nang tama yung character ko bilang si Maria Agoncillo."


Nadalaw na ba niya si Buboy?


"Bukas ko pa po siya dadalawin," sagot ni Nora.


Kung hindi pa nakikita ni Nora si Buboy, nakita at nakasama na niya ang mga anak niyang sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.

"Nung unang gabi pa lang po na dumating ako, lahat sila pati mga anak ng mga anak ko—ayokong sabihin na mga apo ko—nandun sila [sa hotel na tinutuluyan ni Nora]. Kaya ang gulo-gulo, masaya ho, masayang-masaya talaga."


Sa loob ng walong taon na nawala siya sa showbiz, ano ang mga na-miss niya?


"Siyempre bilang isang artista, yung pelikulang makabuluhan na nais kong ahh... gawin.

"At bilang mang-aawit naman, siyempre lalong-lalo na dun ako nag-umpisa, sana nga walang nangyari sa boses ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana hanggang ngayon patuloy pa rin akong umaawit at patuloy pa rin akong nagbibigay ligaya sa mga fans lalo na dun sa abroad at saka dito. Yun lang ang medyo ano ko, hinahanap-hanap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN