True-blue Noranian Boy Abunda shares excitement over the Superstar's return

IMAGE 0


"Pero siyempre, bilang isang tagahanga ni Ate Guy, iba talaga. Diyos ko noong kapanahunan niya, parang 'santa' yan na hinahaplos ng mga fan," says Boy Abunda about how big Nora Aunor was in her heyday.


Kumpirmado na ang pagdating ng nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor sa August 2, Tuesday next week. Maraming Noranians ang nag-aabang na sa naturang date.

Kabilang dito ang isang masugid at self-confessed Noranian mula pa noon. Itinuturing siyang isang totoong kaibigan ng Superstar, confidante, dating manager ni Guy na walang iba kundi ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.

Last Thursday night ay sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Boy sa Showbiz News Ngayon ng ABS-CBN para kunin ang kanyang reaction sa balitang finally, ay matutuloy na rin ang matagal nang pinakahihintay na pagbabalik-bansa ni Ate Guy.

"So, sure na ba iyon? Aba, Diyos ko! Ako'y nagbubunyi. I'm very happy that Ate Guy is coming back. There'll always be space for the one and the only Superstar.

"Masaya talaga ako at sana ay makagawa siya ng... hindi ba she's supposed to do a teleserye? And she's doing this movie [with Laguna Gov. ER Ejercito entitled El Presidente] 'di ba? Kaya I'm so happy," paunang salita ng magaling na TV host at talent manager.

"Masaya ako na siya ay makakabalik. Alam mo ang nakaka-excite? Parang ano kasi iyan e. La Aunor is a brilliant actress.

"Parang nami-miss ko iyong... not because I'm really a fan 'no? Pero yung, wala, nae-excite ako na mapanood siya sa isang materyal sa telebisyon. Ang galing siguro," dagdag pa ni Kuya Boy.

Nanghihinayang ba siya sa talent ni Guy sa acting na nabuburo lang halos sa Amerika?

"Hindi naman sa nanghihinayang. Kanya-kanya tayo ng kuwento. A, nae-excite ako na siya ay nagbabalik.


PAST IS PAST. "Whatever had happened to her in the past years, nakaraan na iyan, nakaraan na iyan.

"Whatever it was. Was she happy? And if she was happy, that was the choice she made.

"Ang exciting ay yung magtatrabaho ulit siya sa isang teleserye, hindi ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kuya Boy, kung papayagan si Nora ay iimbitahan niya ito sa kanyang programang The Buzz o SNN para makapanayam.

"Kung papayagan, natural [gusto ko]. Diyos ko, ako'y nangangarap na sana ay ma-interview ko siya siyempre. Kasi, Ate Guy and I are really friends. We're really very close," nakangiting saad niya.

Sakaling magkaroon ng chance na gumawa ulit sina Nora at Vilma Santos ng pelikula, ano'ng tingin niya rito?

"Naku, Diyos ko! Aba'y, di katulad ng kanilang pinagsamahan dati (T-Bird at Ako).

"Sino ba ang makakalimot sa [eksena nila Ate Guy at Ate Vi] 12-minute na titigan na walang salitaan, 'di ba?

"Aba'y nagawa ba iyan sa pelikulang Filipino? Hinde!

"Hindi na lang yung billing [na umiikot sa sinehan]. Pero yung eksena talaga na nagtititigan lang sina Vilma at Nora, yun.

"I mean, you look forward sa ganyan. Two brilliant actresses of two very different styles, hindi ba? So, it's really exciting kung mangyayari iyan. Sana. Sana. Sana."

ADVICE FOR NORA? Bibigyan ba niya ng mga payo si La Aunor kung sakali, sa mga career moves na dapat nitong gawin ngayon?

"Hindi naman. Wala naman akong kuwalipikasyon para magpayo. But I wish to see her. Let's take it from there.

"And then, given a chance to do an interview with her or to see her as a private person, as a friend. Siyempre, I mean, magkukuwentuhan kami no'n. Sigurado ako.

"We are in touch. Nagkaka-text, ganoon. The last one siguro was about a month ago or less than a month ago.

"Hindi huminto si Ate Guy sa akin or hindi rin ako sa kanya huminto. We are in touch. Alam naman niya na mahal ko siya, e."

Ano'ng masasabi niya sa ilang negatibo, o mga bumabatikos kay Guy sa nalalapit na pagbabalik nito?

"Kanya-kanyang opinion iyan. Pero ako, ang aking masasabi lamang ay natutuwa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There will always be a space for a brilliant actress like Nora Aunor.

"And we should not forget her contributions to Philippine Cinema, hindi ba?

"Iyon lang, pero igalang natin [ang opinion ng iba]. Kanya-kanya tayo ng pananaw, e."

Ang sabi raw ng iba ay walang showbiz kung walang Ate Guy, ano ang masasabi niya rito?

"That's a bit too sweeping. Siyempre a-agree ako. Fan ako, e," pahalakhak na sagot niya.

"Pero ako, para sa akin ay masyadong mapangahas ang statement na iyan.

"Alalahanin din natin na mayroon ding mga artista before and after Ate Guy.

"I mean yung kapanahunan ng dakilang Susan Roces, Amalia Fuentes, Gloria Romero, Carmen Rosales.

"Pagkatapos naman niya, The Sharon Cuneta, Maricel [Soriano] and even Snooky [Serna].

"Pero siyempre, bilang isang tagahanga ni Ate Guy, iba talaga. Diyos ko noong kapanahunan niya, parang 'santa' yan na hinahaplos ng mga fan," nakatawang saad pa ni Kuya Boy.

Pero sang-ayon ang King of Talk na magiging iba ang timpla ng showbiz at mababawasan ng glitter at ang matitinding intriga noon kung wala ang pangalang Nora Aunor.

"Iyan, maaari iyan, I think that's a more realistic way of saying it.

"Na iba ang tatak na iniwan sa showbiz ng isang Nora Aunor.

"Pero to say na kung walang Nora Aunor ay walang showbiz, masyadong mapangahas iyan.

"Kahit naman ako'y tagahanga, it may be figurative. Kasi iba talaga ang ningning, iba ang kinang, iba ang gulo, iba ang halakhak na dinala ni Nora Aunor sa industriya. Iba talaga," diretsahang saad ni Kuya Boy.

TEAM NORA. Dating naging part ng team na nag-manage kay Ate Guy si Kuya Boy. Posible bang hawakan niyang muli ang career ng award-winning Bicolana actress?

"It was a team. Girlie Rodis and I [were] part of the team. Vivian Recio and myself. So, it was not me alone [who managed Guy]. Parang I was part of the group that handled Ate Guy for a while.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I travelled with Ate Guy, ha. To the Middle East, to Europe.

"Anong year iyon? Ha-ha-ha! Naku, 'wag na nating balikan," nakatawang esplika pa niya. "Matagal, matagal na iyon e. Siguro ay late '80s? Oo, mga ganoon."

So, given a chance, maaari ba niyang i-manage si Nora?

"Marami na ang nabago. Marami nang nabago. Katulad halimbawa, napapag-usapan ang management.

"Alam ny'o naman ngayon ang Backroom [Inc.] halimbawa. Halos ang nagpapatakbo niyan ay ang aking mga tao na.

"Dahil gusto ko talaga ay magbawas ng trabaho dahil I want to find more time with my family.

"Siguro ay nakapagsilbi na ako nang maayos sa aking mga artista, sa industriya.

"Ito yung isang aspeto ng buhay ko ngayon na pinag-aaralan ko na sana ay makabawas ako [ng trabaho].

"As a matter of fact I'm talking to my staff. Kasi, lahat naman ng kinikita ng Backroom ay napupunta iyan sa empleyado."

Isa ba siya sa tagahanga ni Guy na umaasang sana ay magtagal dito sa Pilipinas ang Superstar?

"Ayaw kong may expectation. Nagbago na ako bilang fan.

"Dati kasi, gusto ko ay nasusunod yung aking gusto. Yung aking pangarap. Yung aking ilusyon bilang isang tagahanga

"Nag-mature din naman ako. Igagalang ko kung saan ang gusto ni Ate Guy.

"And whether she's doing movies or not, I'm a fan. Ayaw kong magdikta dahil hindi na uso iyon, di ba?

"Pang-beauty contest ba ang sagot ko?" pahalakhak na saad niya.

"Pero totoo iyan, galing sa aking puso. I don't want to have expectations," dagdag pa niya.

Paano ba siya naging Noranian?

"Noong kapanahunan ni Ate Guy, iba talaga, bagyo. Yung pagiging Noranian ko ay hindi naman pinlano iyan.

"Ang kapatid ko ay die-hard Vilmanian, si Manang Fe. Ako naman ay die-hard na Noranian. Hindi ko alam, e."

LOYAL FAN. Nag-reminisce pa ang batikang TV host sa kanyang pagiging solid Noranian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ka, nilagnat ako ng isang beses. Naghintay ako mula alas-singko ng umaga sa KBS sa Roxas Boulevard, hanggang alas siyete ng gabi noong ako ay nakatira pa sa Samar para lang masilayan ang isang Nora Aunor.

"Anong pumipila? Hindi lang pumipila, talagang dusa, masilayan ko lang si Ate Guy.

"At nang nakita ko ng ilang segundo lang, pakiramdam ko ay sa akin lang nakatingin si Ate Guy.

"Totoo iyan, ganyang klaseng fan ako ni Ate Guy.

"Totoo iyan, nagbantay ako. Iyang mga Metro Manila [Film Festival] parade, nagbantay ako.

"Tumili, pumila, nakipagsiksikan. Nakipagtulakan, naapakan.

"There was even a time na pumapasok ako sa sinehan ng pitong beses para lang dumami ang kita ng pelikula niya.

"Lalo na nang naging kaibigan ko si Guy. I will not forget the awards night. Iyong kapanahunan ni Ate Guy at ni Governor Vi.

"Kapag pumasok si Vilma Santos ay iba [ang sigawan at palakpakan]. At kapag pumasok si Nora ay iba. Iba talaga sila," mahabang kuwento niya.

Nakipag-away din ba siya noon sa mga Vilmanian?

"Oo naman. Yung kapatid ko na Mayor na ngayon (Mayor Ma. Fe Abunda). Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi nila kay Nora. Kesyo Negra. Kesyo maliit.

"Ako naman, patawarin mo ako Governor Viā€”kung anu-ano rin ang mga pinagsasabi ko noon kay Vi. Kasi naman, hindi pa naman kami magkaibigan noon.

"But today it has changed of course, I have so much respect for the governor, as a person and as an artist."

Nang nalaman ni Guy ang mga ginagawa niya at pinagdaanan bilang Noranian noong maging close na sila, ano ang reaction ng Superstar?

"Sabi niya sa akin, 'Kuya,'" na may himig panggagaya sa estilo ng pagsasalita ni Guy. "Iyong typical na Nora talaga, e. Ganoon siya, e," masayang pagtatapos ni Kuya Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN