Jay-R has new manager, will reveal identity after contract-signing

IMAGE 0


After seven years of collaboration, Jay-R parted ways with his manager, Arnold Vegafria. "I just need some breath of fresh air lang to start from scratch kasi I wanna do new things with my career po especially with my music. Talagang tinututukan ko po ngayon ito. I think I can do better with a different type of network. Hindi network na TV network but network na tao po," Jay-R explains.


Matapos ang pitong taon na talent and manager relationship, umalis na sa poder ni Arnold Vegafria ang R&B Prince na si Jay-R.

Kinumpirman ito mismo ni Jay-R nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng bagong singing contest at talent search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle for the Big Break, na ginanap kagabi, August 26, sa Studio 7 ng GMA Network.

"I fell out of love," birong pahayag ni Jay-R.

"No, I just need some breath of fresh air lang to start from scratch kasi I wanna do new things with my career po especially with my music. Talagang tinututukan ko po ngayon ito.

"I think I can do better with a different type of network. Hindi network na TV network but network na tao po."

Ayaw munang i-reveal ni Jay-R kung sino na ang bagong manager niya dahil gusto niya raw na maging big announcement ito.

"I met with three top managers po dito sa Manila. Today, I made my decision and we will be making that announcement soon.

"Magsa-sign na po ako pero gusto lang namin na maging big announcement din."

Maayos naman daw ang naging paghihiwalay nila ni Arnold.

"Wala pong tampuhang nangyari," sabi niya.

"Ako po, I just wanna move on, I wanna work. I wanna stay a good and honest person po."

Siya raw mismo ang nag-initiate at nagdesisyon na umalis na sa poder ni Arnold.

"I just went to the office and sinabi ko lang po na, 'I think it's best na we part ways muna po.'

"And yun, okay lang sa kanya. Wala namang resistance."

Masasabi niya ba na magkaibigan pa rin sila ng dating manager?

"Yeah, okay pa naman kami."

REINVENTION. Hindi na ba siya masaya sa manager niya?

"Hindi naman sa hindi na happy," ani Jay-R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tingin ko lang po, I expect more out of my self, and I think I can get more with a new management and [a] fresh move sa career ko po.

"Kasi parang feeling ko po, I can do much more, e, sa ginagawa ko ngayon.

"I wanna produce for different artists. I wanna start my international career po. And do more collaborations."

So, gusto niyang i-reinvent ang sarili niya?

"Opo. Pero nandun pa rin yung touch ng R&B. Kasi yun na po ako e. I just want to do more with my music."

Nasimulan na raw niya ito sa pamamagitan ng pagri-release ng album sa Indonesia.

"Nag-release na po ako sa Indonesia. Tapos sunod na ang Malaysia this year. Gusto ko pong ma-expand pa yung reach ng music ko."

Mag-stay naman daw siya sa kanyang record label na Universal Records.

May frustrations ba siya sa career niya?

"Wala po," sagot ni Jay-R.

"I thank the Lord every day for my job. I enjoy my job po, passion ko po talaga itong showbiz and music.

"Wala po akong frustrations. I can't complain in my position po ngayon, no reason to complain and be frustrated about anything."

PROTÉGÉ MENTOR. Bukod sa pagkakaroon ng bagong manager, excited din si Jay-R sa pagiging isang mentor sa bagong talent show ng GMA-7, ang Protégé.

Kasama niya bilang mentors ang iba pang OPM living legends at pinakatitingalang mga pangalan sa music industry na kinabibilangan nina King of Soul Janno Gibbs, Queen of Soul Jaya, Ultimate Singing Champion Rachelle Ann Go, Wordsmith of Rap Gloc-9, Acoustic Sensation Aiza Seguerra, Sentimental Songstress Imelda Papin, Country's Sweetest Voice Claire dela Fuente, Platinum Selling Vocalist Joey Generoso ng Side A band, at Mr. Hitmaker Rey Valera.

Ano ang feeling na kalaban niya sa pagiging mentor ang iba pang bigatin sa music industry? May pressure ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e, mga legend na sila, talagang pioneer na dito sa Pilipinas.

"May pressure po talaga kasi they know all the tricks of the trade... Ang dami na nilang experience po, e.

"Pero ako naman po, I will just try my best na yung mga natutunan ko po ay maipa-pass ko sa mga protégé ko po."

Ano sa tingin niya yung magiging edge niya?

"I'm from the new generation na po. So, siguro po my edge po is yung updated techniques sa entertainment [na] maipa-pass ko po sa mga protégé," sabi niya.

SEARCHING FOR HIS BEST PROTÉGÉS. Lahat ng Protégé mentors ay ipinadala sa iba't ibang lugar sa Pilipinas para hanapin ang kanilang tatlong pinakamagagaling na protégés—solo man, duo, trio o group.

Pumunta si Jay-R sa Cabanatuan at ibinahagi niya sa PEP ang kanyang naging experience.

"Marami rin ang nag-audition sa Cabanatuan, umabot din sa 600. Pero 100 na lang yung humarap sa akin.

"Doon na ako pumili kung sino yung i-eliminate ko at ipapasa. Siguro nag-iwan ako ng 50."

Natutuwa lang si Jay-R dahil karamihan sa mga nag-audition ay R&B ang genre tulad niya.

"Actually, puro sila R&B, e, puro me kulot ang boses."

Mahirap daw talagang mamili sa mga nag-audition. Pero sino yung most memorable contestant na naka-touch sa puso niya?

"Siguro yung security guard," sabi ni Jay-R.

"Kinukuwento niya na yung sinuweldo niya lang ay P4,000 a month. Yung buong pamilya niya, lahat ng gastos, siya ang nagbabayad lahat.

"Gusto niya talagang maging part of the show. Nung kumanta siya, may boses siya.

"Pero siyempre competition ito, so hindi ko siya nakuha. Nahirapan akong sabihin sa kanya na hindi ko siya nakuha.

"Sa mga napili ko, may girl dun na very young at kulot yung buhok, ang ganda ng boses. Parang very angelic yung boses niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sa tingin ko more training pa and mentoring she will do well in the competition."

Anong basis o criteria ang ginamit niya para mapili niya nang maayos ang tatlong protégés niya?

"Inisip ko talaga na yung tatlo kailangan i-limit ko talaga yung pinakamagaling.

"Wala namang criteria na ginamit, yung nag-standout talaga ang pinili ko.

"Siyempre, mapapahiya rin ako as mentor kung hindi magaling yung pinili ko."

Kailangan talaga paghusayan niya rin bilang mentor dahil hindi basta-basta ang Protégé judges na kinabibilangan ng sikat na composer/musical director/writer na si Louie Ocampo, well-respected director/talent manager Bert de Leon, at entertainment guru/TV host/comedian Joey de Leon.

Hosted by Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, at Jennylyn Mercado, ang Protégé: The Battle for the Big Break ay mapapanood na simula sa Setyembre 4 sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN