Karylle back home for a short break; bonds with mom Zsa Zsa Padilla in Singapore

IMAGE 0


Though it took some time to adjust to her new work environment, Karylle says she's happy with the new experience she has in Singapore. But above all, she's happy for the positive reception of the people to their show. "Akala nga nila Kitchen Musical is a play, they keep asking me kailan. Sabi nila, 'Saan namin mapapanood?' Sabi ko, hindi, TV show siya," shares Karylle.


Kahapon, August 4, lamang nakauwi ang actress-singer na si Karylle mula sa kanilang taping ng Pan-Asian series na Kitchen Musical.

Bagama't narito siya sa Pilipinas para magbakasyon, may commitments pa rin daw siyang natanguan. Isa na rito ang launching ng music video para sa "Pilipinas, Tara Na!" slogan ng Department of Tourism.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle kaninang tanghali, August 5, sa Travel Café and Restaurant sa Greentbelt 5, Makati, sinabi niyang masaya siyang maging parte ng naturang music video.

"Siyempre, nakakatuwa!" bulalas niya.

"Yung pinakita earlier, nung napanood ko yun long time ago, sabi ko, sana makasama ako diyan.

"Nasabi ko nga kanina na it's always a funny feeling when you wished for something a long time ago, and then it comes true."

KITCHEN MUSICAL. Ongoing pa rin ang taping ni Karylle, at mga kasama niyang sina Christian Bautista at Thou Reyes para sa Kitchen Musical, ang pinakaunang Pan-Asian television musical TV series.

Pagbalik niya daw sa Martes, August 9, sa Singapore, isu-shoot na raw nila ang pang-week six episode ng naturang palabas.

Kumusta naman ang work environment nila sa Singapore?

"Masaya!" tuwang-tuwang sagot ng singer-actress.

"Iba siya, siyempre, kasi daily. Number one is it's a daily thing for us.

"So, para kang nag-o-office, ang work hours... I'm up by 5:45 a.m. then I'm home by 8 p.m. I cook dinner, tapos tulog, ganyan."

Masaya rin daw siya sa kanyang proyekto ngayon, lalo pa pag may mga Pinoy na nagtatanong sa kanya kung kailan ipalalabas ang nasabing show.

"Akala nga nila Kitchen Musical is a play, they keep asking me kailan.

"Sabi nila, 'Saan namin mapapanood?' Sabi ko, 'Hindi, TV show siya.'"

Pero kahit pa man daw matapos na ang kanilang shooting para sa TV series na ito sa September, hindi pa rin makakauwi agad si Karylle dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I will be there [Singapore] until end of September. And actually October, I have a show in Jacksonville, Florida, and then I'll come home."

MOM'S VISIT. Matatandaang noon lamang July 30 ay dumalaw ang mommy ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla sa kanya doon sa Singapore.

Kuwento ni Karylle, saglit lamang ang naging pagdalaw na iyon ng kanyang mommy. Gayunpaman, sulit naman daw ang oras nilang dalawa.

Kumusta naman ang kanilang pamamasyal?

"Fun!" mabilis na sagot ni Karylle.

"She was there, sakto naman I didn't have rehearsals ng Saturday, Sunday. We just hang out, dumaan kami sa Luck Plaza.

"She booked a hotel in Archive Road, tapos ang daming Pinoy!"

Nabanggit sa amin ni Karylle na noong una daw ay pinipigilan sila ng ilan na pumunta sa Lucky Plaza.

Ano ba ang meron doon?

"Nakakatuwa, kasi dumaan kami sa Lucky Plaza, e, people kasi is always saying never go to Lucky Plaza kasi ang daming Pilipino.

"E, sabi ko, what are we gonna do, di ba? So we pass by there, sabi ko, 'Mom, this is Lucky Plaza.'

"Parang, what's the deal? Big deal? People there are just gonna say 'hi' and stuff. Pero it's really nice to see all of them there, yung mga Filipinos."

Kaya naman masaya sila, lalo na si Karylle, dahil maganda ang trato sa kanila ng mga Pilipino doon.

"Kasi parang ang saya-saya nila, tapos a lot of them have parang families there, yung iba naman din mag-isa lang.

"Sabi ko sa kanya, 'They're so nice here, they're giving me food, whatever, and wala, they're just so friendly!'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN