LJ Reyes says partner Paulo Avelino is more protective when it comes to their son

IMAGE 0


"Siguro kasi siya, ayaw niya munang i-expose. Gusto niyang i-expose ang bata kapag may isip na siya [Aki] na, 'Ay, gusto ko. Gusto kong mag-showbiz. Gusto kong mag-artista.' Saka na, kapag dating na ng time na yun. Pareho naman naming gustong gawin, mas istrikto nga lang siya," says LJ Reyes about boyfriend Paulo Avelino's way of handling the exposure of their son.


Marami ang nagtaka kung bakit wala si LJ Reyes sa press conference noon ng danserye ng GMA-7 na Time of My Life.

Ito pa naman daw ang magsisilbing pagbabalik niya sa TV pagkatapos niyang magsilang, tapos ay hindi siya um-attend ng launching nito.

May mga nag-isip nga kung may isyu raw kaya itong iniiwasan.

Pero ayon kay LJ, nagkataon lang daw na noong araw na yun ay naka-schedule ang kanilang family vacation.

"Nagkataon kasing may family vacation. Although, sandali lang naman.

"Nagkataon din kasi na dumating din ang mga tita ko galing ng Taiwan. E, gusto nilang mag-out of town kasama yung bata.

"Kasi, ngayon lang nila nakita si Aki [Ethan Akio, ang one-year-old son nila ni Paulo Avelino].

"Nag-Bohol kami, then bumalik din naman agad."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa ginanap na pictorial ng lahat ng talents ng PPL Entertainment, Inc. sa Hacienda Isabella noong Sabado, August 6.

Sabi pa ni LJ, sila naman daw magkapamilya, basta may chance, they really take time off para makapag-bonding.

"Yes, basta may time, nagga-grab kami ng chance. Kahit dinner man lang.

"Minsan kapag may pinupuntahan kaming wedding na out of town, sinasabay na namin."

PROTECTIVE PARENTS. Sa PPL pictorial nga, naabutan ng PEP doon si LJ, kasama ang kanyang mag-ama na sina Paulo at Aki.

At sa buong araw na nakasama namin sila, makikita ang pagiging very hands-on nilang pareho sa pag-aalaga sa kanilang anak, kahit na may kasama rin silang yaya.

Kailan lang ay nag-celebrate ng kanyang first birthday si Aki at kahit daw si LJ ay hindi makapaniwalang malaki na ang anak nila ni Paulo.

"Ang laki na niya, 'no? Noong party niya, ang daming dumating.

"Hindi ko rin ine-expect na ang daming dumating. Okay naman, masaya," sabi niya.

Sinadya talaga nilang maging very private ang celebration ng first birthday ng anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo... nakita n'yo naman si Paulo.

"Siguro kasi siya, ayaw niya munang i-expose. Gusto niyang i-expose ang bata kapag may isip na siya [Aki] na, 'Ay, gusto ko. Gusto kong mag-showbiz. Gusto kong mag-artista.'

"Saka na, kapag dating na ng time na yun.

"Pareho naman naming gustong gawin, mas istrikto nga lang siya."

Napansin nga namin na mas protective si Paulo pagdating sa anak.

Pagsang-ayon naman ni LJ, "Oo, kita n'yo naman ako sa mga interview, okay lang ako.

"Pero siya, ganoon lang talaga ang personality niya."

Until now ay nagbi-breastfeed pa rin daw si LJ kay Aki, at hindi raw talaga nawawala ang pagiging hands-on niya sa anak.

"Alam n'yo ako kasi, ganoon talaga ako, mahilig ako sa bata.

"Saka kahit sa mga pamangkin ko, may pagka-protective akong talaga.

"Kaya si Aki, pagdating sa bahay, kung kaya, ako pa rin talaga.

"At saka yung body clock ko, iba na talaga. Siyempre, mas maaga ka nang matutulog kasi tatabihan mo siya. Mas maaga kang gigising.

"Siyempre sa taping, hindi naman puwedeng maaga kang matutulog.

"Minsan umaga na kaming matatapos, matutulog pa lang ako, sinasampal na ako ng anak ko, 'Gising, Mommy, gising.'

"Minsan duling-duling na 'ko, hilo na. Kaya sasabihan ko ang yaya, 'Dito ka sa tabi ko at baka biglang malaglag si Aki.'

"Tapos sasabayan ko na lang siya kapag nag-nap na siya."

BACK TO ACTING. Sa Time of My Life, aminado si LJ na medyo nangangapa raw siya noong umpisa, lalo't mahigit isang taon din siyang namahinga sa pag-arte.

Sa pagbabalik niya, kontrabidang-kontrabida ang papel niya kay Kris Bernal.

"Natatawa na nga ako. Kasi, may eksena kami na kinunan namin noong isang araw, ginaganun ko na siya, 'excuse me.'

"Tinutulak ko na siya ng puwet. Hindi na kasama sa eksena.

"Binibiro ko na siya kahit na hindi namin take!" natatawang kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is it playing a kontrabida again?

"Nakakatuwa," sambit niya.

"At saka, ang gusto ko sa story ngayon ng Time of My Life, sa character ko, hindi dahil sa lalaki kaya ko inaaway si Kris.

"Meron pa rin, pero ang talagang basic na galit ko sa kanya, yung talagang pinanggalingan, yung kay Ms. Jean Garcia.

"E, stepmother ko siya. Wala akong nanay. Iniwan ako ng nanay ko.

"Yung galit ko, yung frustration ko na magkaroon ng mother figure."

Pero ayon kay LJ, ito na raw siguro ang isa sa pinaka-bad character niya.

"Oo, e, ang sama ng ugali. Eventually, gagrabe pa. Kaya sabi ko, 'Bahala na kayo, ha.'"

Originally, sa Sisid sana unang lalabas si LJ. Pero biglang sa Time of My Life na siya nailagay.

Mas pabor ba sa kanya ang nangyari?

"Well, for me kasi, parang tinuhog lahat sa Time of My Life. Siyempre, dancer ako, tapos umaarte ako.

"So, siyempre, parang winner. Winner na winner talaga ang project!

"So, haping-happy ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN