Toni Gonzaga gives co-star Eugene Domingo an expensive bag as birthday gift

IMAGE 0


"Hindi ko alam kung nag-clash ba kami kasi magkaiba kami ng ibinibigay ni Ate Uge. Hindi kami magkapareho ng style kaya tingin ko, hindi naman kami nag-clash. Sa tingin ko, nag-complement yung husay niya sa kaya kong ibigay," says Toni Gonzaga about working with Eugene Domingo.


Pagkatapos ng box-office success ng My Amnesia Girl last year, tinatapos naman ngayon ni Toni Gonzaga ang pelikulang pagsasamahan nila ni Eugene Domingo—Wedding Tayo, Wedding Hindi.

Parehong kilalang mahusay sa komedya, ina-anticipate ng iba na dahil sa galing ng dalawa ay baka magkaroon ng sapawan na hindi raw maiwasang mangyari kapag parehong mahusay ang magkaeksena.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa studio ng Happy Yipee Yehey! noong Huwebes, July 14, sinabi niyang walang sapawang nangyari sa kanila ng kanyang co-star.

Dagdag niya, "Basta excited ako sa movie naming ito kasi ito ay isang pelikula na inihahandog ng Star Cinema at ng OctoArts.

"Pagsasamahan namin ni Ate Uge for the very first time. Kasi yung unang pelikula na nagawa namin before, saglit lang kami nagkasama, yun ang You Are The One (2006), so, excited kami."

Aniya pa, "Hindi ko alam kung nag-clash ba kami kasi magkaiba kami ng ibinibigay ni Ate Uge.

"Hindi kami magkapareho ng style kaya tingin ko, hindi naman kami nag-clash.

"Sa tingin ko, nag-complement yung husay niya sa kaya kong ibigay."

BREEZY BLUE BAG. Dahil nagkapalagayang loob at naging malapit na magkaibigan habang ginagawa nila ang pelikula, isang mamahaling bag ang iniregalo ni Toni kay Eugene noong birthday nito last June.

Ayon kay Toni, "Sabi niya, yun daw ang unang-unang natanggap niya.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto niya, pero pinilian ko na lang siya ng kung ano ang bagay sa kanya.

"Nabili ko yun sa mall, tapos nakita ko naka-display. Sabi ko, 'Ay, ang taray, bagay na bagay kay Ate Uge! Ay, ito na, buy ko na, give ko sa kanya!'

"Tama lang naman, hindi naman importante kung mahal, ang importante mahal ko si Ate Uge.

"It's breezy na royal blue na bagay na bagay sa kanya, perfect for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anu-ano kasing bag ang ginagamit niya sa taping. Sabi ko sa kanya, 'Ano na naman 'yang gamit mong bag, Ate?'

"Hindi raw kasi siya ma-bag, o di bigyan ko siya ng bag!"

PRESSURE. Sa big success ng My Amnesia Girl, aminado si Toni na may kaunting pressure at kaba siya sa susunod na pelikulang gagawin.

"Mayroong light na pressure. Siyempre, iniisip mo at the back of your mind.

"But when you go through the whole process of the entire movie, hindi na yun ang iisipin mo.

"In all honesty, nung ginawa ko yung buong pelikula, hindi namin napag-usapan yung ganun.

"Parang tinapos lang namin siya na okay, tapos na siya. Hindi namin naisip kung paano siya tatanggapin ng tao.

"But of course, you would want your movie to do better than the last.

"Magkaiba naman yun, yung my Amnesia Girl, it's a rom-com, ito full comedy. So, tingnan na lang natin.

"Pang-limang taon ko na ito sa Star Cinema, na-realize ko, itong taon na ito, more than the box-office revenues, although I know na very important siya sa industry, dito mo makikita kung gaano mo kamahal ang trabaho mo.

"Dito ko napatunayan na ang importante talaga, e, ibigay mo yung buong puso mo sa isang proyekto at bahala na ang tao na magsabi kung tanggap nila yung ibinigay mo."

RACHELLE ANN-JOHN BREAKUP. Naging isang malaking issue na napukol kay Toni before ay ang pagsasalita niya sa The Buzz tungkol sa breakup nina Rachelle Ann Go at John Prats.

Naging negatibo ang dating nito sa iba dahil pinangunahan daw niyang magsalita ang dalawa.

Marami ang naghihinala na malamang kaysa sa hindi ay baka naapektuhan daw ang friendship nina Toni at John dahil sa nangyari. Magkasama ang dalawa sa Happy Yipee Yehey!.

Pero ayon kay Toni, "Wala namang problema sa amin ni John, actually ginagawan ng issue, pero wala naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hindi naman kami nagkakasama parati sa studio kasi lagi siyang nasa labas. Other than that, nagkasama kami sa team building pero okay naman.

"I think masaya naman si Pratty [tawag nila kay John] ngayon sa estado ng kanyang buhay.

"Dun siya sa trabaho niya sa HYY ang focus niya ngayon, naghahanap siya ng Bida every day."

Tinanong din namin si Toni kung tanggap ba niya na dahil sa nangyari ay maaaring dumistansiya sa kanya ang kapwa niya mga artista.

"Ay, hindi natin maiiwasan yun, hindi naman maiiwasan yun sa trabaho.

"Saka hindi naman talaga ako mabokang tao, so given yun.

"Okay lang yun, walang problema sa akin," sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN