(Part 1) Nora Aunor says her main purpose for coming home is to see brother Eddie Villamayor; reunites with children and grandchildren

IMAGE 0


"Matagal ko nang hindi nakikita yung kapatid ko. Yun ang ipinagbilin ng mama ko, bago namatay na kailangan kong alagaan. Okey naman siya," says Nora Aunor.


Ang ilan pa sa mahahalagang bagay na napag-usapan during and after the presscon of El Presidente last Saturday, August 6, with Nora Aunor and Laguna Governor ER Ejercito ay ang mga sumusunod:

Ang tungkol sa dating Pangulo na si Joseph "Erap" Estrada.

Ang pagkikitang muli nina Nora at ng kanyang mga anak.

At ang mga saloobin ni Nora tungkol kay John Rendez.

BECAUSE OF HER BROTHER. Sa simula ng event na ginanap sa Club Filipino sa Greenhills, binanggit agad ng Superstar ang tungkol sa dahilan ng kanyang pag-uwi o pagbabalik-bayan matapos ang walong taong pamamalagi sa Amerika.

"Actually po, umuwi ako dahil sa kapatid ko. Talagang desisyon ko na umuwi para kay Buboy, gusto ko [siyang] bisitahin," sabi ni Nora, referring to Eddie Boy Villamayor.

Napabalitang si Buboy ay nasa pangangalaga ng isang institusyon sa lalawigan nila sa Iriga City, Camarines Sur.

Hindi na nag-asawa ang dating young actor na lumabas sa mga pelikulang Alkitrang Dugo, Minsa'y Isang Gamu-Gamo. Kabilang din noon si Buboy noon sa grupong "Apat Na Sikat" in the '70s.

Patuloy ni Nora, "Sa akin ho, kahit walang press, walang mga fans na sasalubong, basta ako'y uuwi para sa kapatid ko, para makita ko yung kalagayan niya.

"Tapos nga po, nung nabalita na uuwi ako, may tawag sa akin si Kuya Germs, si Suzette [Ranillo]...

"Sabi, 'Wag ka munang umuwi, kasi meron kaming negosasyon na binubuo...'

"So, hindi muna ako umuwi.

"Sabi niya [German], 'Sa [July] 31 ka na lang pumunta,' kaya natuloy po ako nung 31."

Gaya ng nangyari, July 31 ang scheduled flight ni Nora mula L.A. Nakarating ang eroplanong sinakyan niya (PAL Flight PR103) noong Martes ng madaling-araw, August 2, na sinalubong nang may buong kagalakan ng Noranians.

At the post-presscon, tinanong din si Guy tungkol sa gagawing pagdalaw kay Buboy.

"Siyempre naman, matagal ko nang hindi nakikita yung kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang ipinagbilin ng mama ko, bago namatay na kailangan kong alagaan. Okey naman siya," saad ni Nora

Ang ina ng aktres ay si Mamay Tunying, o Antonia Cabaltera Villamayor, na pumanaw noong 1984.

NORA'S CHILDREN. Nagkita na raw sina Nora at ang mga anak na sina Ian, Matet, Kiko, Kenneth, at Lotlot de Leon; pati ang mga anak nina Lotlot at Matet.

"Ay, naku, nung unang gabi pa lang po na dumating ako! Lahat sila!

"Pati mga anak ng mga anak ko... Ayokong sabihing apo ko! Mga anak ng mga anak ko, nandun sila!

"Ang gulu-gulo! Masaya po. Talagang masayang-masaya!" bulalas niya.

May nagtanong ng tungkol sa anumang naging "problema" nila nina Lotlot, Matet, at Ian.

Pero ani Nora,"Alam mo, kahit kanino naman sa pamilya, nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan.

"Ang importante doon, yun bang samaan ng loob, sa pamilya, siyempre andun pa rin yung pagmamahalan.

"Hindi puwedeng mawala 'yon."

Ano ang tawag sa kanya ng kanyang mga apo?

"Mama Guy! Hindi lola, ha! Mama Guy!" natatawang sabi niya.

Tuwang-tuwa rin daw si Nora sa pagkikita nila ni Ian, na manaka-naka'y nadadalaw din siya noon sa Amerika.

"Naku, yung anak kong 'yon, dyusko! Masaya ako... basta, masaya ako [para] sa lahat ng mga anak ko!" sabi ni Mama Guy.

ADVICE TO LOTLOT AND JANINE. Ang panganay nina Lotlot at Ramon Christopher Gutierrez na si Janine Gutierrez ay pumasok na rin sa showbiz bilang singer-actress. Naka-kontrata siya ngayon sa GMA-7 network.

"Oo nga, nabalitaan ko," sabi ni Nora nang banggitin sa kanya ang pagpasok sa showbiz ng kanyang apo.

"Alam mo, kung ako... hindi pa kami talaga nagkakausap.

"Alam mo, kung ako ang masusunod, sabi ko nga kay Lotlot, 'tsaka kay Ian, tama na yung isang artista sa pamilya, kasi ayoko nang maintriga sila.

"Yung nangyayari sa buhay ko, ayokong mangyari sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, siguro kung anong nakikita nila sa akin, hindi mo mapipigilan, e.

"Kaya ang gusto ko lang sana, kung ano yung pinupunta niya [Janine], kaya niyang dalhin, lalo na yung mga intriga.

"Pag andiyan, dapat kayanin niya kung ano yung ibabato sa kanyang hindi maganda."

FORMER PRESIDENT ERAP. Sa presscon proper ay naitanong kay Nora kung ano ang kanyang pakiramdam na dati ay si dating President Erap ang kanyang leading man sa mga pelikulang Erap Is My Guy (1973) at Bakya Mo Neneng (1977). Pero this time, magkakatrabaho naman sina Nora at ang pamangkin ni Erap na si Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito sa Emilio Aguinaldo biofilm, El Presidente.

Si ER ay anak ng younger brother ni Erap, ang namayapa nang dating aktor na si George Estregan.

"Ay, naku, iba naman po yung kay Presidente noon!" birong pahayag ni Ate Guy na natatawa.

"Si Gov. naman po, parang anak ko na po siya.

"E, noon, bata pa, wala pa po akong kamuwang-muwang sa mundo noon..."

It goes without saying, may basbas ng dating Pangulo ang paggawa ni Nora ng pelikula kapareha ang kanyang pamangking actor-politician.

Batid ng publiko ang naging hidwaan nina Nora at dating Pangulong Erap noong 20o1, sanhi ng pagde-defect ng aktres ugnay sa mga sitwasyon at problemang pulitikal.

Hindi tinalakay in detail ang mga seryosong isyu, pero malinaw ang pahiwatig na tapos na ang naging alitan.

Sabi ni Gov. ER, "One day their paths may again cross, but everything that has to be forgiven has already been forgiven."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN