Ang taon na ito'y nagbukas ng maraming oportunidad para sa young artist na si Rez Toledo, o mas kilala bilang Someday Dream.
Una ng dahilan dito'y ang pagkakahirang sa kanya bilang Breakthrough Artist for 2011 ng Yahoo OMG Awards.
Gayundin ay napili siya bilang MYX Celebrity VJ for June 2011, at naging guest performer para sa MYX Mo 2011.
Kamakailan lang din ay nag-launch siya ng kanyang unang self-titled album na Someday Dream.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Rez sa launching ng kanyang album noong Martes, Nobyembre 29, sa Club Phi sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City.
Nabanggit niya sa amin na napakahalaga ng time management ngayong pinagsasabay na niya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.
Kasalukuyan kasing third year college si Rez sa Ateneo de Manila University at kumukuha ng kursong BS in Management Information Technology.
"Parang back then, I stay in school lang. When you start working na, you need time management," saad ng 21-year-old music artist.
"I realize I have to sacrifice some activites...like sometimes I don't get to hang out with my friends, or watch a movie.
WHY SOMEDAY DREAM? Aminado si Rez na hindi pangkaraniwan para sa isang solo artist ang napili niyang pseudonym.
Pero ipinagmalaki niya sa amin na ang pangalan na ito'y nabuo mula sa malawak niyang imahinasiyon.
"It was really something random," nangingiting kuwento ni Rez.
"I made a list of different words, different compound words, actually.
"Ayon, tapos when I thought of Someday Dream, back then wala pa 'yong [song na] 'Hey Daydreamer.'"
Matapos niyang maka-isip ng kakaibang pangalan ay sinumulan na niya ang pagpapakalat sa Internet ng mga ginawa niyang kanta.
Kuwento niya sa amin, "I upload my songs on MySpace, then I would do my own promotions.
"I try to hype it up among my friends, share it on my Facebook.
"So, I try to hype it up, I get a hundred hits a day, so 'yon, that's how it spread on the Internet."
SYNTHPOP GENRE. Ang genre ng mga awitin ni Rez ay tinatawag na Synthpop o Electronic Pop music.
Ang Synthpop ay ang mga tipo ng musika na binuo gamit ang iba't ibang electronic instruments.
Bata pa lang ay napansin na ng mga magulang ni Rez ang pagkahilig niya sa musika, kaya naman pinag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento.
"Formal training? I think when I was young...my mom told me to learn the piano.
"Then, I learned from my school din, then I learned other stuff on my own na lang."
Bukod sa piano ay tumutugtog din siya ng gitara at cello. Pero nang pumasok na siya ng high school ay nakilala ni Rez at ng kanyang mga kabanda ang synthpop music.
"I'm a curious boy," sagot ni Rez nang tanungin kung paano siya nagsimulang mahilig sa synthpop music.
"So, when I was playing na as a musician, I had a band. We [became interested in] synthesizers.
"Kasi, all the pop songs, even RnB that we listen to, have synthesizers.
"So, we had to get one, I got this synthesizer three years ago, so, 'yon, that's how we started. I learned some stuff through YouTube. I learn stuff on my own."
Sinubukan niya ang kanyang suwerte bilang isang music artist na hindi alam kung papaano ang magiging pagtanggap ng tao sa kanyang musika.
Ngunit, naging maganda ang nakuha niyang reaksyon mula sa mga tagapakinig nang patugtugin sa radyo ang una niyang hit single na "Hey Daydreamer."
Pero sa opinyon ni Rez, matagal nang naririnig ng mga tao ang synthpop music, hindi lamang nila ito kilala o alam.
"I think electronic [pop] music has been here in the country for a long time. 'Yon nga it's just really hard to get noticed.
"So, electronic pop I'm not quite sure, it was such a blessing to have gotten to the music scene with a song.
"We really try our best to reach the target audience for this type of music. Siyempre, we do it online. Sa radio din, we try to share the music."
Ngunit, kung siya raw ang tatanungin, ang naging lamang niya raw sa ibang mang-aawit ay ang makabagong paraan niya ng paggawa ng musika.
"I think my advantage is [early on] I came up with my own identity. That's when I started parang progressing.
"I think my message is to keep being new, being fresh, [and] being innovative in doing things."