PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Popoy Caritativo: the Flordeluna fan who became the manager of Janice de Belen

For her part, Janice de Belen partly owes the success of her career this year to Popoy.
Published Dec 19, 2011
"Of course, malaki ang part ni Popoy kung anumang meron ako ngayon, and I thank him. I thank him for all the support and help. Masyado siyang matiyaga and sobra'ng focus niya sa akin," says Janice de Belen about her talent manager Popoy Caritativo.


Bago pa man naging matagumpay sa industriya, nakaranas na rin ng ilang pagsubok ang talent manager na si Popoy Caritativo.

Nag-umpisa ito sa wala at maraming pinagdaanan bago narating ang kinalalagyan niya ngayon.

Natatandaan pa niya yung mga taon na gusto na niyang sumuko dahil pakiramdam niya ay wala namang mangyayaring maganda sa pagha-handle niya ng talents.

Pero dumating din ang suwerte.

Ngayon ay nakalikha na siya ng pangalan sa industriya at kilala na rin bilang big boss ng Luminary Talent Management, na siyang namamahala sa career nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Martin Escudero, Jestoni Alarcon, AJ Dee, at Janice de Belen.

Sa mga pangalang nabanggit, ayon kay Popoy, hindi niya inaasahan na magiging talent niya ang batikang aktres na si Janice.

Dating alaga ng kilalang talent manager na si Douglas Quijano ang aktres. Subalit nang pumanaw si Tito Dougs noong 2009, pinili ni Janice na maging talent manager si Popoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado ang talent manager na masugid na tagahanga siya ng aktres.

Ang dating iniidolo lang niya ay kasama na niya ngayon at isa na rin sa nagbibigay ng karangalan sa kanya bilang talent manager. Ito ay dahil sa mataas na pagtingin kay Janice bilang aktres at sa magandang reputasyon nito sa industriya.

''Mahirap i-explain yung pakiramdam na magkasama na kami," sabi ni Popoy sa paayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Disyembre 6 sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Sobrang saya na hindi ko talaga maipaliwanag. Fan niya ko talaga mula pa noon kaya may challenge nung nasa poder ko na siya."

Hindi rin ikinaila ni Popoy na may halong kaba ang unang taon ng kanyang paghawak sa karera ni Janice.

Kuwento niya, "Siyempre mataas ng expectation ng mga tao kung paano ko siya aalagaan kasi Janice de Belen na iyan.

"Marami mga nakatingin sa akin and for sure may mga ibang tao na mine-menos ang kakayahan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero sa awa naman ng Diyos, heto, okay naman kami at naging succesful naman ang pagha-handle ko sa kanya."

KEEPING JANICE BUSY. Hindi nagpabaya si Popoy sa pag-aalaga kay Janice kaya naging matagumpay ang unang taon ng pagsasama nila bilang manager at talent.

Mas napadalas ang paglabas ni Janice sa siya sa telebisyon.

Bukod sa kanyang cooking show sa Net 25 na Spoon—kung saan nagkamit ito ng dalawang awards mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV at Golden Dove Awards—muling pinahanga ni Janice ang mga manonood sa kanyang pagganap bilang adoptive mother ni Gerald Anderson sa teleseryeng Budoy sa ABS-CBN.

Sa pagpasok ng 2012, marami pa raw plano si Popoy para sa kanyang Flordeluna, ang kanyang sikat na soap character noong '80s.

"Secret pa muna pero busy year sa kanya ang 2012," sabi ni Popoy sa PEP.

"Maraming magagandang offers na dumarating at mahirap tanggihan.

"Pero yung isang project with Ate Vi [Vilma Santos], 'yong The Healing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung iba, hindi ko pa puwede sabihin. Hindi pa talaga."

THANKING POPOY. Na-korner din ng PEP si Janice sa naturang event.

Ang nasambit niya tungkol sa kanyang talent manager, "Of course, malaki ang part ni Popoy kung anumang meron ako ngayon and I thank him.

"I thank him for all the support and help.

"Masyado siyang matiyaga and sobra'ng focus niya sa akin. Grabe!"

Sa kabila ng mga tagumpay na natamasa niya ngayong taon, may mga hiling pa ba si Janice para sa kanyang career?

"More movies, more tv show, more job," saad nito.

"Alam mo, parati ko na lang wini-wish din ay to continue being peaceful in life and healthy.

"Healthy para magawa ko pa ang mga dapat kong gawin, para siyempre sa pamilya ko.

"More than anything, more than all the wishes is pasasalamat din, siyempre, for each and every day."

Kabilang din pala sa mga wish ni Janice ay lalo pang maging matatag at tumagal ang samahan nila ng manager niyang si Popoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANICE SHINES ON BUDOY. Samantala, tinanong rin siya tungkol sa magandang feedback ng viewers sa kanyang husay sa pag-arte sa seryeng pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Ang reaksiyon niya, "Happy and overwhelmed kasi maganda kasi ang project, e. Maganda talaga ang project."

Hindi lamang daw siya ang masaya kung hindi ang buong cast and crew ng programa dahil lubos itong tinatangkilik ng mga manonood.

"Sobrang saya at kaming lahat masaya.

"You know, lahat ng mga tao sa set, iilan lang naman kaming cast talaga, we're all happy to be working with each other at we all love the project at yun ang pinakaimportante."

Pinasalamatan din ni Janice ang ABS-CBN dahil sa pagtitiwala sa kanya.

Kung sakali, inaasahan ba ni Janice na manalo ng acting award dsa dahil sa proyektong ito?

"Hindi naman ako nag-e-expect," sabi ni Janice.

"Kung meron, maraming salamat. Kung wala, okey lang.

"Basta ako naniniwala ako as an artista, as an actress, duty ko na ibigay yung 100 percent na job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"If I get credit for this, salamat. But if I'm not, baka may mali sa ginawa ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Of course, malaki ang part ni Popoy kung anumang meron ako ngayon, and I thank him. I thank him for all the support and help. Masyado siyang matiyaga and sobra'ng focus niya sa akin," says Janice de Belen about her talent manager Popoy Caritativo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results