PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romi Garduce talks about his quest to the "summit" of success

Romi Garduce says finding a balance in your life is an important factor in becoming a successful mountaineer.
Published Dec 20, 2011
(In photo) Romi Garduce's advice to aspiring mountaineers: "Mountaineering, dapat simulan mo properly dahil, for me, the right way of doing it is joining a well- established organization."

Isa si Romi Garduce sa mga kinikilalang atleta ngayon sa larangan ng mountaineering—o mas kilala bilang mountain climbing.

Ayon sa ehow.com, ang mountaineering ay isang sport kung saan pinagsama-sama ang "hiking, climbing, at skiing," para marating ang tuktok ng isang bundok.

Eksklusibong nakapanayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Romi sa naganap na send-off presscon niya sa ROX store sa The Fort, Bonifacio High Street, Taguig City.

Naikuwento niya sa PEP na noong una niyang sinubukan ang mountaineering ay hindi niya ito nagustuhan.

"Subok-subok lang siya. Nagsimula ako 1991, sumama lang ako sa isang grupo, UP Mountaineers.

"Nakakatawa nga kasi noong una hindi ko naman siya nagustuhan dahil parang ang hirap.

"Second time, medyo okay-okay. Sa third time, medyo nagustuhan ko na talaga. 'Tas over the years, climb ako nang climb, subok ako nang subok.

"Tapos nagustuhan ko 'yong alpha environment, hanggang sa nag-escalate nang escalate in terms of level or type of mountaineering."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Mount Nagcarlang sa Calauan, Laguna ang unang bundok na naakyat ni Romi.

Halos sumuko na raw siya nang una niyang subukan na umakyat ng bundok. Pero, matapos niyang makabawi mula pagod niya sa mga nagdaan pag-akyat ay nagustuhan na rin niya ito.

"Palagay ko, looking back, laging ganyan ang mountaineering. Lagi kaming parang ayaw mo na, parang hindi para sa'yo.

"'Pag naka-recover ka na, importante 'yong recovery, mental, etcetera, tapos subok ka ulit. 'Tas 'pag nabawi mo magugustuhan mo na ulit 'yon.

"Kasi may mga moment na gusto mo, may mga times na mahirapan ka talaga.

"Masukista ata ang mga nagma-mountaineering, e.

"Otherwise hindi mo siya maaalala, hindi ka makakaramdam ng fulfilment kung hindi ka gaano nahirapan. So, kailangan maging important component na siya."

CLIMBING TO THE TOP. Bago naging bihasa sa larangan na ito, ilang beses na rin halos sumuko si Romi.

Katunayan, habang nasa kasagsagan siya ng pag-akayat sa pitong matataas na bundok sa mundo'y sinubok ang tatag niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaakyat ni Romi noon ang pinakamataas na bundok sa South America, ang Mt. Aconcagua ng bansang Argentina, ngunit dahil sa masamang panahon ay naisipan niya na bumalik na lamang ng Pilipinas.

"So, four months before that or five months before, pumalpak na ako sa [Mount] Elbrus, umuwi ako.

"Tapos, nag-try ako sa Argentina, highest mountain outside Asia which is in South-East America.

"First attempt namin bigo kami ulit lahat, tapos, e, 'di wala na. It will be...bayad na naman kung maga-attempt ako, tapos wala naman chance kasi ang bad ng weather.

"So, punta ako doon sa baba ng base camp para tumawag sa Manila nga, sabihin ko uwi na ako, report lang and all that.

"'Tas, hindi ako maka-connect nabuwisit na ako, pagbalik ko ng base camp naisip ko sayang na naman, parang from the previous experience palpak nga 'yong Elbrus, 'pag ito hindi ko pa ni-reattempt pati ito pumalpak, malamang mag-retire na ako sa mountaineering.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang double whammy ka na, di ba? So, parang tutal nando'n naman na din ako, nag-second attempt na ako."

Pero, kung siya raw ang tatanungin, pinakamatindi pa rin ang kanyang pinagdaanan nang akyatin niya ang Mt. Everest.

Paliwanag niya, "Una 'yong terrain mismo, 'yong mountain mismo. Obviously it's the highest mountain, so 'yong altitude pa lang is one of the biggest chanllenge dahil walang oxygen, walang hangin, mahirap gumalaw.

"Of course nandoon 'yong terrain, very dangerous 'yong terrain, kasi puwede ka mahulog mga ganiyan.

"So, kailangan ng tamang skills, tamang experience, tamang procedure para umakyat."

Ngunit, ang pinakamahirap para kay Romi ay balansehin ang pagiging mountaineer at pagiging padre de pamilya niya.

Gayunman, tumanggi siya na pag-usapan pa ang tungkol sa kanila.

"Maraming ibang challenge like how to balance your life," sagot niya nang tanungin kung ano ang mga pagsubok na kinakaharap ng isang mountain climber.

"Kasi nga nagta-trabaho ka and then medyo maingay din 'yong climb ko dahil nga dalawang teams 'yong umaakyat, isa pa 'yong dagdag distraction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, 'yong mga gano'n instance, marami."

LEARN FROM THE PRO. Samantala, dahil minsan rin naging baguhan sa sport na mountaineering si Romi, hiningan naming siya ng ilang payo para sa mga gustong sumubok nito.

Para sa kanya, ang pinakaimportanteng dapat tandaan ng gustong sumubok ng mountain climbing ay ang sumama sa mga legal at may karanasan na sa pag-akyat ng mga bundok.

"Mountaineering dapat simulan mo properly dahil for me, the right way of doing it is joining a well established organization.

"'Yong matagal na nandiyan, 'yong mayro'ng tamang training program, group like UP Mountaineers, marami kasing maliliit na [[organizations] today na by invitation lang 'tas hindi sila nag-training properly.

"'Yon 'yong mga nababalitaan nating nare- rescue minsan, o namamatay sa flash flood ganiyan kasi hindi tama 'yong exposure.

"Pati 'yong progression mo wala kang mentor para kung gusto mong mag-progress 'yong mountaineering career mo.

"So, whereas kung nando'n ka sa big [organization], marami rin, kumbaga 'yong spectrum no'ng taong nandiyan in terms of experience, in terms of expertise, marami rin options."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabiro naman sinabi ni Romi na huwag nang subukan ng iba pang mountaineers na akayatin ang seven summits, o ang pitong matataas na bundok sa pitong kontinente ng mundo.

Ngayong Disyembre kasi ay sisimulan na niya ang pag-akayat sa huli at ikapitong pinakamataas na bundok sa mundo, ang Mount Vinson Massif sa Antartica.

Ang anim sa mga seven summits na naakyat na niya'y: Mt. Kilimanjaro (Africa, 2002), Mt. Aconcagua (South America, 2005), Mt. Everest (Asia, 2006), Mt. Elbrus (Europe, 2007), Denali Peak (North America, 2008), Mt. Kosciousko (2008), at Carstenz Pyramid (2011) na nasa Australia at Oceana.

Gayunman, sinagot niya ang katanungan base sa kanyang naging karanasan.

Sabi niya, "Ang napansin ko sa mga kasama ko, I'm comparing it on how I did it, 'yong journey na nakapagsimula ako, you need trabaho kailangan mo ng source of income, kasi the one thing that can stop you from pursuing it is money and time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, karamihan kasi ng mountaineers they invest on team building lang, experience, ganiyan.

"Of course, you need to start with a simple mountain na kaya mong akyatin like Kiliminjaro and all that parang ikaw din malaman mo if its something you want to do.

"'Yong time madaling makuha kung wala kang trabaho, sponsors hindi madali, like sometimes aalis ka may sponsor ka, you need to build equity.

"Until now ang hirap gumawa, e, ang dami kong projects na ginagawa, hindi gano'n kadaling kumuha ng financial support. Especially 'pag mag-uumpisa ka pa lang, wala ka pang equity para mag-sponsor sa'yo, you need to save money, you need to sacrifice some of your savings or parang invest some of your savings para makasimula kang umakyat.

"Kasi maraming akala nila gusto, you know, they'll try one or two mountains and then they'll quit kasi hindi pala para sa kanila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(In photo) Romi Garduce's advice to aspiring mountaineers: "Mountaineering, dapat simulan mo properly dahil, for me, the right way of doing it is joining a well- established organization."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results