Hayden Kho, Cristalle Belo, and Derek Ramsay cheer up Sendong victims in Iligan City

IMAGE 0


Hayden Kho (right) spearheaded charity work for Sendong victims in Iligan City, and was supported by Derek Ramsay (left), who requested "no media," and Cristalle Henares (right), who was described by Hayden as "sobrang hilig sa bata."


Isa sa mga trahedyang kinaharap ng bansa bago natapos ang taong 2011 ay ang pananalasa ng bagyong Sendong sa lugar ng Mindanao.

Tinamaan at naapektuhan nang husto ang mga siyudad ng Cagayan de Oro at Iligan, kung saan tinatayang kulang-kulang sa 1,500 na katao ang namatay at libo-libo ang nawalan ng tahanan at ikinabubuhay.

Naging bukas palad naman ang marami sa showbiz sa pagbigay ng tulong at suporta sa mga naging biktima ng bagyo.

Isa na rito si Hayden Kho na nagsagawa ng outreach program sa Iligan City noong December 22-23, kasama sina Derek Ramsay at Cristalle Henares.

Ang panimula ni Hayden, "Naging fruitful and fulfilling naman yung mission na ginawa namin.

"Actually, nung nabalitaan ko kasi, nandun pa ako sa Paris, na nagkaroon ng bagyo dito sa Pilipinas.

"Mag-isa kasi ako sa Paris nun, hinihintay ko si Vicki [Belo] nasa Germany."

Ang famosong duktor na si Vicki Belo ay fiancé ni Hayden.

"Nababalitaan ko na, araw-araw, padami nang padami ang namamatay.

"Siyempre, Paskong-Pasko, 'tapos ganun ang nangyayari, so nakakalungkot.

"Bago mag-Christmas, nasabi ko kay Vicki at napangako ko sa sarili ko na parang ang gusto ko, na yung susunod na taon, more on charity ang gagawin ko.

"So, sinimulan ko yun nung nandun ako sa UST." Graduate ng medisina sa University of Santo Tomas si Hayden.

"'Tapos nung nandun ako sa Paris, naisip ko na tumulong ako sa mga Sendong's victims, so nag-organize ako ng parang mission papunta dun.

"We gave away relief goods and [did] medical mission."

Natuwa raw ang former doctor and now businessman dahil maraming kumpanya ang sumuporta.

Gaya na lang ng ini-endorso niyang damit, isang tuna company, pati na rin mga doctors ng Belo Medical Group—sina Dr. Dennis Flores, Dr. Mike Munoz, Dra. Grace purificacion, at Dra. Romina Cesa—at saka surgeons at pediatricians.

Dagdag na kuwento pa ni Hayden, "With the coordination of Red Cross, nakipag-usap ako sa kanila, tinawagan ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They were very happy to accept our assistance, and they help really helped us, they assisted us.

"They designate isang tao to help me organize everything."

CELEBRITIES SHOW COMPASSION. Ang simpleng plano ni Hayden ay lumaki na nang lumaki, lalo na nung sumuporta rin si Derek Ramsay, na isa sa mga endorsers ng Belo.

Ang tanging kondisyon ng aktor, "Walang media."

Dugtong ni Hayden, "Yun ang request ni Derek, 'kung walang media, punta tayo,' kaya kami napadpad sa Iligan at di sa Cagayan de Oro."

Hindi man daw nakasama si Dra. Vicki, "Tumulong din siya, nagpadala din siya ng cash donations para bumili ng more goods."

Sumama rin si Cristalle, ang anak ng popular na beauty doctor.

Ang kuwento ni Hayden, "Nung nalaman ni Crystal, na napakabait naman, gusto niya ring tumulong at sumama.

"Ginamit niya ang mga resources niya para makadagdag sa mga ipamimigay.

"Sobrang hilig sa mga bata, tuwang-tuwa sa kanya yung mga bata. Naaliw niya yung mga bata."

THE CHARITY WORK. Tuluy-tuloy sa pagkuwento si Hayden tungkol sa naging itinerary ng kanyang grupo.

"Yung unang-una na napuntahan naming lugar, Del Carmen.

"Kami pa lang ang unang pumunta, so pagdating namin dun, tatlong araw na silang walang kinakain.

"Mga 200 families yung nandun.

"'Tapos, sunod yung sa Manga, nagpakita lang kami kasi may nauna na sa amin.

"'Tapos nung sumunod na araw, dun kami sa Luinab, dun naman, mga 400 families.

"Nagbigay kami ng maraming goods, masaya...clothing, mga panluto, blankets."

Ito ay parte raw ng pagbabalik niya sa tao at sa Diyos dahil sa mga magagandang nangyari sa kanya sa year 2011.

"Masaya, nakakataba ng mga puso, lalo na sa akin," paglalarawan niya experience.

"Pasasalamat ko ito sa Diyos, na ang 2011, ito yung taon na humupa yung bagyo sa buhay ko.

"Yung 2011 yung taon na nagkaroon ako ng pagkakataon na ayusin ang mga pagkakamali ko, na maka-connect sa mga taong di ko na nakakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pasasalamat ko na lang yun, yun na lang yung pagbabalik ko—na naging successful naman ang Hayden Fragnances, naayos yung relationship ko with other friends, na okay kami ni Vicks, okay naman ang pamilya ko, okay naman yung health ko—so binalik ko na lang sa tao, sa Diyos.

"Yung nagbigay kasiyahan para sa grupo namin—ako, si Derek, si Cristalle, si Nelly See of PinkBox, ang dami din niyang tinulong—pag-uwi namin, ang sarap-sarap ng pakiramdam.

"Kahit pagod kami, tuwang-tuwa kami. Sabi nga ni Derek, 'Ito ang tunay na mission.'"

Napahanga raw sina Hayden at Derek ng mga kababayan natin sa Iligan dahil, sa kabila ng matinding pagsubok, sila raw ay matatag at likas na masayahin.

"Ang nakakatuwa dun, sinabi ni Derek, 'Tayong mga Pinoy, kahit hirap na hirap, nakukuha pa rin nating tumawa.'

"Pagdating namin dun, nakita namin yung lugar, nandun sila sa isang eskuwelahan pero lahat sila masaya. Nakangiti pa rin silang lahat, tatlong araw nang di kumakain.

"Nung nakita nila si Derek, tuwang-tuwa sila.

"Si Derek, napaka-accommodating na tao, so napasaya niya talaga yung mga nandun."

Nilisan nila ang lugar at nag-iwan raw ng isang pangako: babalik sila sa Iligan.

Ang pagtatapos ni Hayden: "Nangako ako sa mga kaibigan ko sa Red Cross na babalik ako.

"Nag-Pasko lang ako sa Manila. Bale dalawang araw kami sa Iligan.

"Babalik kami dun kasama ang ibang mga doctor after New Year na siguro.

"Ang naging problema dun, may gamot, wala namang doctor. Minsan naman may doctor, walang gamot.

"Definitely, babalik kami para ituloy ang nasimulan namin doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN