Tyron Perez on his last celebrity event: "Sobrang fun, sobrang saya."

IMAGE 0


In the last celebrity event he attended, Tyron Perez showed his competitive streak. His team, which included Mickey Perz and Jommy Teotico, ended up the top finisher at the "Traverse Ilocos Sur" adventure held last December 17. Twelve days later, he took his own life, leaving his showbiz colleagues, friends, and family in shock.


"Sobrang fun, sobrang saya," ang paglalarawan ni Tyron Perez tungkol sa karanasan niya sa ginanap na "Traverse Ilocos Sur Adventure Challenge" noong Disyembre 17.

Ganito rin ang huling alaala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa yumaong aktor.

Bagamat mahirap ang mga inihandang pagsubok sa mga celebrity guests, nag-enjoy ang dating StarStruck avenger.

Kuwento pa niya sa PEP, "'Yong mga challenges na 'binigay nila sa amin, sobrang challenging.

"'Tapos, parang kapag hindi mo nagawa, hindi magiging kumpleto ang araw mo. So, lahat ginawa namin.

"At saka sa isang challenge, hindi namin talaga pinakawalan ang bawat challenge, talagang lahat ginawa namin."

Hindi rin niya nalimutang banggitin ang hirap na pinagdaanan din ng kanyang mga kagrupo at kapwa Star Magic talents na sina Mickey Perz at Jommy Teotico.

Aniya, "Si Mickey at si Jommy, sobrang competitive din sila.

"Talagang ayaw nilang maiwan, gusto nila laging sumasabay.

"Sobrang competitive sila. Kumbaga, 'binigay din nila ang best nila."

Ang grupo nila ang nagwagi ng top prize sa nasabing adventure challenge.

THE ADVENTURE RACE EXPERIENCE. Nang tanungin ng PEP kung ano ang pinakamahirap na challenge para sa kanya, isa-isa niyang inalala ang mga ito:

"Siguro 'yong ano, noong nag-start doon sa wall climb, mahirap 'yon.

"'After that, 'yong bumaba kami sa ilog, at 'yong sand... sobrang lakas talaga ng wind.

"Talagang hindi mo makita ang dinadaanan mo dahil sobrang sakit sa mata.

"Takbo lang kami kahit wala kaming makita.

"After that, akala namin, pagdating sa tubig, lulusong ka na ro'n at magka-kayak, hindi pa pala.

"Doon pala, aakyat ka, pagkatapos, gagawin 'yong rappel, na first time ko rin.

"Mahirap siya pero kayang-kaya naman, na-handle ko naman siya.

"'Yong kayak, 'yon ang talaga ang pinakamahirap.

"Ang lakas-lakas ng hangin, ilang beses pa kami tumaob.

"Muntik pa kaming naabutan ng yellow team. Halos nagkasalubong na kami noong nag-U-Turn kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, 'yon, sobrang enjoy.

"Lahat ng mga huling challenge na 'binigay nila sa amin, sobrang mauubusan ka talaga ng power mo talaga.

"As, in ubos talaga, pigang-piga."

Bagamat nakaramdam siya ng pagod pagkatapos ng adventure challenge, hindi naman ito ininda ng 26-year-old actor.

Sa halip, "Sobrang sulit ang adventure namin, lalung-lalo na ang mga challenges na pinagawa sa amin.

"Kumbaga, mahirap siya pero masarap gawin. Lalo na kung nagagawa mo siya, nag-e-enjoy ka.

"'Yong mga taong nakapalibot dito, sobrang bait nila. Dahil doon, sobrang nag-enjoy kami."

Labindalawang araw matapos nito, natagpuang walang buhay si Tyron sa loob ng kotseng Toyota Altis sa service road ng North Luzon Expressway, malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Ayon sa naunang report ng pulisya at base na rin sa pahayag ng malalapit na kaibigan ni Tyron, problemang pinansyal daw ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng Kapamilya actor.

Bagamat hindi pa tinitiyak ng pulisya na suicide nga ang cause of death, kumbinsido naman ang asawa niyang si Liv Espino na nagpakamatay nga ang kanyang asawa at walang "foul play."

(CLICK HERE to read related article.)

Noong gabi ng December 28, bago tapusin ni Tyron ang kanyang buhay, nakausap pa siya ng ilang mga celebrity na nakasama niya sa "Traverse Ilocos Sur" adventure.

Gumimik ang kanilang grupo na pinangalanang "Moveyahbody" sa isang bar sa Pasay.

(CLICK HERE to view photos from "Traverse Ilocos Sur" adventure.)

Pero sa pamamagitan ng mga text message, sinabi ni Tyron sa ilang kasamahan na hahabol na lamang siya galing sa trabaho.

Kinalaunan, nagpaalam na rin siya sa kanila na hindi na siya makakasunod dahil nasa trabaho pa rin siya.

At ang huling mensahe niya, ayon sa kanyang teammate na si Jommy, "Sabi n'ya, 'enjoy lang bro habang pwede pa.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN