Tyron Perez wished for a new acting project this New Year

IMAGE 0


"Minsan, alam mo naman, hangga't hindi ka nagsho-shoot, hangga't di nag-e-air ang [programa], hindi pa sigurado," Tyron Perez said when PEP asked about the next project that his mother network had mentioned to him. At the time, the young actor was hoping to get another acting project for the New Year. His last TV appearance was on Maalaala Mo Kaya on December 3, 2011.


Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa yumaong aktor na si Tyron Perez, masaya at excited pa niyang ikinuwento ang kanyang karanasan sa "Traverse Ilocos Sur" adventure event.

Ang event ay naganap noong Disyembre 17—12 na araw bago siya natagpuang patay sa loob ng isang Toyota Altis sa service road ng North Luzon Expressway, malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Sa naturang panayam, tinanong din ng PEP ang plano niya para sana sa nakaraang Pasko.

Ang panayam tungkol dito ay una nang lumabas sa PEP noong Disyembre 23. (CLICK HERE to read related article) http://www.pep.ph/news/32361/Tyron-Perez-to-spend-Christmas-away-from-his-non-showbiz-wife

Maririnig din ang bahagi ng panayam kay Tyron sa podcast section ng PEP.

(CLICK HERE to listen to podcast.)

Nang aminin ng asawa niyang si Liv Espino sa telebisyon na may problema sila ni Tyron, saka na lamang naalala ng writer na ito na tila nag-iba ang mood niya nang tanungin namin ang tungkol sa kanyang Christmas plans.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Tyron at hindi siya kaagad makasagot.

Sa katunayan, paputul-putol pa niyang sinabi, "Sa ngayon, wala, e. Wala pang plans kasi..."

Pagkatapos ay dinahilan niya ang trabaho ng asawa, na isang flight attendant.

"Walang plano kasi... Magkalayo kasi kami, e," saad ni Tyron.

(CLICK HERE to read related article.)

Dahil hindi alam ng PEP writer na ito na may problema silang mag-asawa, tinanong na lang namin si Tyron kung nasanay na siya sa sitwasyon nilang mag-asawa.

Para sa young actor, "Ang mas naging maganda sa amin, sobrang miss na miss mo ang pagkakataon na makasama mo siya.

"Hindi tulad ng magkasama kayo every day, medyo nawawala, hindi na gano'n kasaya. May ganun, e."

Dagdag pang kwento ni Tyron, "Pero kapag di mo kasama every day—may lipad siya siguro after two to three weeks babalik—sobrang mami-miss mo talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo 'yong ganun, hindi mawawala ang excitement, laging hinahanap mo pa rin."

RECALLING THE DATES. Noong araw ng panayam ng PEP kay Tyrone, mahigit tatlong linggo na ring hindi umuuwi ito sa tinutuluyan nila ng kanyang asawang si Liv.

Sa mga naunang panayam ni Liv sa telebisyon, inamin niyang nagkakaproblema sila ni Tyron dahil sa isyu ng madalas na pagsusugal ng actor.

(CLICK HERE to read related article.)

At sa panayam na ito ng PEP, inamin ni Liv na mayroong malaking pagkakautang ang kanyang asawa dahil sa pagsusugal.

Napagkasunduan na raw nilang mag-asawa na lulutasin ang problemang ito at muling magsisimula sa buhay.

Subalit nabago na naman ito noong Nobyembre 25, kung kailan nakakuha ng check si Tyron mula sa ABS-CBN.

Pinaalalahanan daw ni Liv ang asawa na huwag basta-basta gastusin ang pera.

Subalit tila naging masama ang dating nito kay Tyron, kaya nagpaalam siya sa biyenan na hindi muna uuwi sa bahay.

Ang araw na ito umano ang huling pagkikita nina Tyron at Liv.

Ito rin ang araw na nawala ang itim na kotseng Toyota Altis na pag-aari ni Liv at siya ring natagpuan sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Simula noong Nobyembre 25, nahirapan na si Liv at ang pamilya niya na kontakin ang young actor.

Pero nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap noong Disyembre 4 sa pamamagitan ng text message, kung saan ipinangako ni Tyron na ibabalik ang kotse ng asawa.

Ang sumunod na pag-uusap nila ay naganap na noong Disyembre 26.

Ayon kay Liv, nararamdaman niyang inilalayo na mismo ni Tyron ang sarili sa kaniya.

Aniya, "Kasi po, nilayo niya talaga ang sarili niya.

"Siguro po, ako, ang analysis ko diyan, dinistance niya ang sarili niya thinking na, 'Ay, maaayos ko 'to!'

"Hanggang sa lumaki na nang lumaki... Eto na!"

Umaga ng Disyembre 29 nang makausap ni Liv si Tyron sa cellphone, na may kasamang bantang pagpapakamatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang sandali pa, ayon kay Liv, nakarinig siya ng putok na halintulad umano sa pagkakahulog ng isang libro.

Pagkatapos daw ay narinig niya ang huling hininga ng asawa.

Gabi na nang matagpuan si Tyron na walang buhay sa loob ng kotseng pag-aari ni Liv.

LOVING SHOWBIZ. Nagsimula sa showbiz si Tyron—o Jojo Perez sa totoong buhay—nang sumali siya sa reality talent search ng GMA-7 na StarStruck.

Bagamat hindi pinalad sa contest na ito, nagsikap si Tyron na lubusang mapasok ang show business.

Naging manager niya ang beteranong si Douglas Quijano, na humahawak din ng mga career nina Richard Gomez and family, John Estrada, Joey Marquez, Wendell Ramos, Gelli and Janice de Belen, at marami pang iba.

Sa kanyang maiksing panahon sa industriya, naging parte si Tyron ng ilang mga soap opera sa telebisyon.

Kabilang sa mga ito ang Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005), Bakekang (2006), Kung Mahawi Man Ang Ulap (2007), at Lupin (2007).

Bumagal ang pag-usad ng showbiz career ni Tyron nang pumanaw ang talent manager niyang si Douglas.

Sinabi ito mismo ng asawa ni Tyron.

Ito na rin marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit napag-desisyunan ni Tyron na lumipat sa ibang network, mula GMA-7 papuntang ABS-CBN, sa pamamagitan ng talent-management arm nitong Star Magic.

Bilang kapamilya aktor, naging parte siya ng mga teleseryeng Momay (2010), Imortal (2010), at Mula Sa Puso (2011).

Huli siyang nakitang umarte sa telebisyon sa "Baunan" episode ng Maalaala Mo Kaya (2011).

Napagkwentuhan pa ng PEP at ni Tyron ang episode na ito, kung saan kasama niya ang kapwa Star Magic talent na si Ejay Falcon. (CLICK HERE to read related article.)

Pagkatapos sinabi niya sa awtor ng artikulong ito, "Sana nga magkaroon na ulit ako ng project."

Isang teleseye umano ang nabanggit na sa kanya ng ABS-CBN management, na inaasahan niyang magsisimulang gawin ngayong Enero.

Subalit hindi pa niya ito siniguro sa amin dahil, aniya, "Kasi, minsan, alam mo naman, hangga't hindi ka nagsho-shoot, hangga't di nag-e-air ang [programa], hindi pa sigurado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa huli, si Tyron ay isang Star Magic talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN