Nadine Samonte slaps and drags Superstar Nora Aunor in mini-series, fears backlash from fans

IMAGE 0


In the miniserye Sa Ngalan ng Ina, Nadine Samonte had to slap Nora Aunor and drag her around. "Yung kaladkad medyo okay, yung sampal hindi ko masyadong... kasi baka nga sampalin ako ng mga fans niya," Nadine quips.


"Okay naman po, it's a very big honor para sa akin, isang dream yun, ano," saad ni Nadine Samonte nang tanungin ng PEP.ph kung ano ang pakiramdam na makatrabaho ang Superstar na si Miss Nora Aunor sa TV5 miniserye na Sa Ngalan Ng Ina.

Pero sa eksenang kailangan niyang sampalin ang Superstar, nahirapan daw si Nadine.

"Oo nga e, hindi ko masampal nang maayos kasi baka sampalin ako ng mga fans niya e," ang natatawang sinabi ng young actress.

Bukod sa sampal, may eksenang kinaladkad rin niya ang Superstar. Aminado si Nadine na natakot rin siyang kaladkarin si ate Guy.

Ano ang sabi sa kanya ng Superstar after the kaladkad scene?

"Okay lang raw. Pero hindi... yung kaladkad medyo okay, yung sampal hindi ko masyadong... kasi baka nga sampalin ako ng mga fans niya," at muling tumawa si Nadine.

Dahil natakot siya, hindi raw malakas ang pagsampal niya sa Superstar.

"Siyempre, Diyos ko naman, Diyos ko naman!"

Produkto ng StartStruck ng GMA si Nadine, at ang leading man niya sa Sa Ngalan Ng Ina ay si Joross Gamboa na produkto naman ng Star Circle Quest ng ABS-CBN, at magkasama sila ngayon sa TV5.

"E di maganda, at least magkabila," tumatawang sinabi ni Nadine. "At nagtagpo sa kabila."

Sa teleserye, gumaganap si Nadine bilang Andrea Deogracias at boyfriend niya si Joross bilang Ramoncito.

Ang Superstar naman ay gumaganap bilang Elena Deogracias.

Ginagampanan naman ni Christopher de Leon ang role ni Pepe Ilustre na asawa ni Rosanna Roces as Lucia Ilustre.

Kasama rin sa powerhouse cast ng Sa Ngalan Ng Ina sina Ian de Leon bilang Zaldy, Alwyn Uytingco as Alfonso Deogracias, Edgar Allan Guzman bilang Angelo Deogracias, Eula Caballero bilang Elsa Toribio, Karel Marquez as Carmela Ilustre, Jay Aquitania bilang Manuel, at may special participation naman sina Eugene Domingo bilang Pacita Toribio at Bembol Roco bilang Armando Deogracias.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon nina Mario O' Hara at Jon Red, mapapanood ang Sa Ngalan Ng Ina simula October 3, pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.

CHUCK ALLIE. Nabanggit naman ng PEP kay Nadine na nasa TV5 na si Chuck Allie na StarStruck batch 3 avenger.

Pero nasa Kapatid network si Chuck hindi bilang artista kundi bilang PR specialist.

Isa si Chuck sa mga nasa registration ng media para sa red-carpet premiere ng Sa Ngalan Ng Ina.

Ikinagulat ito ni Nadine.

"Si Chuck? Talaga? Pero sa Davao siya, nagho-host siya, e.

"Talaga? In fairness, Wow! I'm so happy for him. Actually nakakasama ko siya tuwing meron kaming regional shows, siya yung host palagi doon. Hindi ko ini-expect! Talaga?

"Ang galing!"

Kumusta naman si Nadine ngayon?

"I'm fine!

RUMORED ROMANCE. Nandito na ba ang nali-link sa kanyang si Leandro Muñoz? Umuwi kasi sandali si Leandro sa Amerika at bumalik sa Pilipinas today, Saturday.

"I'm fine," tumatawang pag-iwas ni Nadine.

How fine?

"I'm fine being myself. Masaya, okay lang, masaya naman ako."

Sasalubong ba siya kay Leandro sa airport?

"Ay hindi meron akong taping. Ang uwi niya Saturday po ng 6 a.m."

Ano'ng flight?

"Hindi ko alam kung ano'ng flight."

Ilang months na sila?

"Walang months, walang months."

Ilang weeks?

"Walang weeks!"

Ilang days?

"Walang days! Wala ring hours. Gusto ninyo po yung totoo?" sabay tawa ng aktres.

"Hindi, wala talagang hours, walang days, walang weeks, walang months. Wala pa, wala pa. Let's see."

Dinadalhan niya raw ng Starbucks coffee si Leandro sa taping.

"Oo nagdala talaga ako kasi siya rin naman nagdadala sa akin, e.

"Give and take," at muling tumawa si Nadine.

Exclusively dating raw sila, ayon sa interview kay Leandro.

"Sort of, parang ganun na nga rin yun."

Ayaw raw ni Leandro na nagda-drive si Nadine ng kotse niya dahil mabilis siyang magmaneho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako pa rin naman yung nagda-drive e, so wala siyang magagawa."

EXCLUSIVELY DATING. Blooming si Nadine, mukhang in love siya.

"In love talaga? I don't know. Hindi, masaya ako, masaya ako sa career ko.

"We're just dating now, hindi pa officially kami."

August sila nag-start mag-date.

"So let's see what will happen. Kasi paganun-ganun [pabalik-balik sa Amerika at Pilipinas] siya e, so mahirap din yung ganun kasi, di ba?"

Tinanggap na niya na exclusively dating sila ni Leandro?

"Kung kami na, masasagot ko yan e, kung kami na. Pero sa ngayon hindi ko masasagot."

Nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap kay Leandro na karelasyon, kahit na nagka-asawa ito at may anak?

"Let's see."

Kinikilala pa rin niya si Leandro.

"Kinikilala ko pa rin, e. Kasi may mga... siyempre hindi natin maiiwasan yung mga comments."

Na-meet na ba niya ang anak ni Leandro?

"No, not yet, hindi pa, kasi nasa States ang anak niya."

Pero okay lang raw kay Nadine na may anak si Leandro.

"Okay lang, it's not really a problem naman for me, e. Ang medyo may konting problema lang sa akin, siyempre doon siya nakatira, dito ako."

LONG-DISTANCE AFFAIR. Hindi raw naniniwala si Nadine sa long-distance relationship.

"Actually I don't believe in it."

Paano iyan?

"Kaya nga let's see. Kasi it's so hard na I'm working here tapos he's working there, tapos...

Willing naman daw si Leandro na mamalagi na sa Pilipinas para kay Nadine.

"Yeah, pero it's not yet a hundred percent sure naman, e. Madami din naman siyang inaayos doon."

Iyon ang rason kaya hindi pa niya sinasagot?

"Oo."

Kung dumating ang point na kukunin siya ni Leandro, na sa Amerika na sila maninirahan?

"Not yet pa kasi I have a three-year contract pa dito e, so ayoko namang..."

Kung babayaran ni Leandro ang contract niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku ayoko ng ganun! Ayoko ng ganun at siyempre alam ninyo naman na family-oriented talaga ako."

So masasabi niyang mas mahal niya ang career niya kaysa kay Leandro?

"Oo!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN