Gelli de Belen takes a stroll down memory lane as she returns to former studio of Tropang Trumpo

IMAGE 0


Gelli de Belen on her return to TV5: "You know, I'm relatively new. Wala pa nga akong isang buwan sa TV5. Talagang nakikiramdam pa ako. But so far, they've been very friendly. They've been very accommodating. Wala akong problema. Bongga!"


Tila nag-flashback si Gelli de Belen sa muli niyang pagtuntong sa Studio B ng TV5 kahapon, October 16, para sa live guesting niya sa Paparazzi Showbiz Exposed.

May labing-walong taon na rin kasi nang huli siyang makapag-taping sa naturang studio para sa gag show na Tropang Trumpo.

"Alam n'yo ba na ang Tropang Trumpo ay sa studio na ito mismo?

"Diyan kami nagba-'Battle of the Brainless.' Dito kami nagsasayaw ng 'Chicken.'

"It's nice to be here. I'm happy to be here bilang isang Kapatid na rin. I am back here at Channel 5.

"Alam n'yo pagdating ko dito, nag-flashback ako.

"Sabi ko, 'Uy, nandiyan pa yung cashier!' Bakit ganito na yung lobby?'

"Tapos 'eto na, pagpasok ko rito, 'eto na ang studio.

"And I'm so happy!" sabi ni Gelli sa kanyang homecoming.

CERTIFIED KAPATID. Isa-isang hinarap ni Gelli ang mga tanong, hindi lang ng mga host ng Paparazzi na sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Mo Twister, at Zoren Legaspi, kundi pati ng mga guest reporter para sa "Presscon Express" segment.

Marami na ang nagtatanong noon sa kanya kung totoong lilipat siya sa TV5, pero wala siyang kinumpirma at naging tahimik lang siya. Kaya naman ang unang tanong kay Gelli ay kung bakit natagalan bago niya inihayag ang tungkol sa paglipat niya sa TV5.

"E, kasi, hindi pa kami pumipirma noon, e. Noong pumirma kami, nag-start na kami kagaad. Mabilis.

"Siguro matagal yung pagplano, matagal yung usapan. And then finally, when both parties agreed to it, we started right away.

"Actually, parang ibig sabihin nila, 'Halika na, mag-usap na tayo kung ano ang gagawin natin kay Gelli.'

"Tapos ayun na kaagad. Agad-agad," sabi niya.

Pagkatapos nito ay muling inilahad ni Gelli ang ginawa niyang pagpapaalam sa GMA-7 bago siya tuluyang lumipat sa Kapatid Network.

"Mahal na mahal ko pa rin naman ang mga Kapuso, siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi mawawala 'yan. I was with them for almost ten years.

"Maayos naman ang pag-uusap.

"Actually, si Boy [Abunda, dati niyang manager] ang kausap ni Ma'am Wilma [Galvante, GMA executive]. Sila yung nag-usap.

"Tapos, eventually, napag-usapan na nila na dito [TV5] na talaga ako papunta.

"Tapos, nagkita kami ni Ma'am Wilma somewhere, sa isang binyag.

"Sabi niya nung nakita niya ako, 'Uy, Gelli pa-hug nga.' Sabi pa niya, 'Kung saan ka masaya.'

"So, wala namang bad blood. Everything's okay."

JANICE DE BELEN. Pareho sila ng kapatid niyang si Janice de Belen na galing ng Kapuso Network. Kung siya ay sa TV5 lumipat, si Janice naman ay sa ABS-CBN.

May time ba na nagku-compare notes sila tungkol sa kung ano ang itinatakbo ng career nila, lalo na ngayong nasa magkaibang networks sila? Sa tingin niya, sino ang mas happy sa kanilang dalawa?

"Hindi kasi namin napag-uusapan yung mga bagay na 'yan, e," sagot ni Gelli.

"Kasi pag magkasama kami, ang pinag-uusapan namin, tsismis, buhay-buhay, pagkain, yung ginawa ni Zoren, yung sinabi ni Carmina, yung sinabi ni Mo. 'Yan ang mga napag-uusapan namin.

"Pero napakasaya ni Janice doon [ABS-CBN] at napakasaya ko rin naman dito. Maligaya tayong lahat."

Speaking of Janice, marami ang gustong makaalam tungkol sa lovelife ng kapatid niya ngayon.

"May pag-asa pa bang lumakad muli papunta sa altar at magpakasal ulit ang ate niya?

"Naku, ewan ko kay Janice!" bulalas ni Gelli.

"Right now, ang pagkakaalam ko, e, wala.

"Tapos, yung paglakad sa altar, e, mas lalong wala.

"Siguro pag may boyfriend yun, may posibilidad. Pero wala siyang boyfriend ngayon, e."

Natutuwa lang daw siya para kay Janice dahil nabigyan ulit ito ng magandang role sa Budoy.

"Actually, umaarte na naman talaga siya. Kaya lang, the role really brought out the best in Janice. Siya na talaga si Flordeluna, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nakalimutan na natin na ang galing pala niya talaga. At magaling din siyang host sa Spoon."

Bilang number one tagapagtanggol ni Janice, may sama pa ba siya ng loob sa dating asawa nitong si John Estrada?

"Alam mo, ang dapat nandito, si Janice," biro ni Gelli.

"Okay naman kami ni John. Right now, we're okay."

AIKO AND CARMINA. Walang masyadong intriga sa buhay ni Gelli, kaya naman bukod sa ate niya ay natatanong din siya tungkol sa iba pang taong malapit sa puso niya.

Gaya na lang ng mga kaibigan niyang sina Aiko Melendez at Carmina Villarroel, na parehong kontrobersiyal ang mga pinagdaanan sa buhay at maging sa lovelife.

Pero sino sa dalawa ang mas pasaway at hindi nakikinig sa payo ng kaibigan?

"Pagdating sa lovelife... nakikinig naman silang pareho. Yung sumunod ay ibang usapan.

"Pero siyempre, nandito lang naman kami para magpayo. We're just friends who give advice when they seek it.

"Tapos nasa sa kanila na 'yun kung susundin nila. Kasi buhay pa rin naman nila yun.

"Pero si Aiko talaga ang todo! Si Aiko talaga ang minsan sumusuko na kami.

"Pero si Aiko, talagang nakikinig naman siya. Yung susunod, ibang usapan 'yun, 'di ba?

"Tina-try niya. Pero minsan talaga hindi kinakaya ng powers niya.

"Pag in love ka talaga at sinasabing tigilan mo na 'yan... E, kung mahal niya, mapipigilan mo ba siya?

"Si Carmina, nakikinig naman.

"In fairness to me, kung alam mo lang Zoren ang mga sinasabi ko kay Carmina," pambibiro pa ni Gelli sa isa sa mga host ng show.

ARIEL RIVERA. Siya ba kahit minsan ay lumapit din sa mga kaibigan niya para humingi ng payo para sa kanila ng asawa niyang si Ariel Rivera?

"Oo naman," sabi ni Gelli.

"Pero actually, more than seeking advice, it's more of airing out how I feel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan, parang 'Grrr...' yung ganun."

Sila pa rin ba ni Ariel ang hand-ons sa mga anak nila? Ilan ang kasama nilang kasambahay?

"May mga kasama kami sa bahay. Pero kami ni Ariel ang nakabuntot sa mga bata.

"Since Joaqui and Julio are 12 and 10, they don't need much tutok like before nung mas bata pa sila."

GELLICIOUS. Sumunod nga nilang napag-usapan ang tungkol sa unang show ni Gelli sa kanyang pagbabalik sa TV5, ang food magazine show na Gellicious, na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m., simula sa October 24.

"Nagdi-discover kami dito ng masasarap na pagkain sa mga kilala na nating restaurants, sa mga hindi natin kilalang restaurants, at saka sa mga sinaunang mga restaurants.

"Hindi lang pati sa mga restaurants, pumupunta rin kami sa mga homemakers.

"Pini-feature namin yung mga bagong usong pagkain. Yung mga kinasanayan na natin. Yung mga pagkain na dapat nating i-discover," paglalahad ni Gelli sa mga pwedeng mapanood sa Gellicious.

REAL CONFESSIONS. Bukod sa Gellicious, aabangan din si Gelli bilang unang guest sa pilot episode ng bagong show ni Cristy Fermin sa TV5, ang Real Confessions.

Sabi ni Cristy, napuyat daw si Gelli bago pumunta sa Paparazzi dahil 7 a.m. na ito na-pack-up mula nga sa taping ng naturang show.

Kasama ni Gelli sa episode na ito, na ipalalabas sa November 5, si Wendell Ramos, na gaganap bilang asawa niya.

Ayon kay Gelli, kakaiba raw talaga ang istorya nito tungkol sa pagsusulat sa blog ng asawang lalaki para sa kanyang namatay na misis.

"Nagba-blog siya. His wife died a couple of years... three years ago.

"Nagba-blog siya, sumusulat siya ng 'Dear Mama, ganito ang nangyari sa akin today.'

"Or, 'Kinukuha ng TV5 ang istorya ng buhay natin.'

"Pero wala na si Nem [ang misis], wala na si Mama, patay na.

"Ang ganda-ganda ng love story nila. Pero hindi siya talaga puro happy moments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Makikita mo talaga yung struggles nila when she was sick.

"Basta maraming kuwento, ang ganda," pagmamalaki ni Gelli.

MORE QUESTIONS. Pagkatapos ng airing ng Paparazzi, sandali pang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli para sa ilan pang katanungan.

Kumusta naman ang pag-aalaga ng TV5 sa kanya?

"You know, I'm relatively new.

"Wala pa nga akong isang buwan sa TV5. Talagang nakikiramdam pa ako.

"But so far, they've been very friendly. They've been very accommodating.

"Wala akong problema. Bongga!" ani Gelli.

Bakit ba napaaga ang airing ng pilot episode ng Gellicious? Supposed to be ay November 7 pa ito base sa presscon na ginanap noong October 12 sa Uncle Cheffy restaurant sa Eastwood Libis.

"Actually, alam mo, ang original airing talaga namin is supposed to be October 17.

"Tapos naging November 7 kasi we wanted to prepare more.

"We wanted to do more episodes bago kami mag-show.

"Kaya lang, parang na-excite sila, yung management.

"I guess, nung napanood nila yung first few episodes na nagawa na namin, nagandahan sila.

"Kaya inagahan nila ulit, October 24 na talaga."

Aware ba siya na ang timeslot ng Juicy, kung saan hosts din sina Cristy at Mo, ay ang magiging timeslot ng Gellicious? Malilipat naman ang Juicy sa late night.

"Alam mo, ngayon ko nga lang nalaman, e, during the show na ng Paparazzi.

"Hindi ko naman nakausap si Tita Cristy or si Mo about it, since host nga sila both ng Paparazzi and Juicy.

"Hindi naman sila mawawala, e. Maiiba lang sila ng timeslot.

"I hope they don't mind. It's not my decision.

"At saka alam mo, pag nasa gabi sila, mas marami silang masasabi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN