TV5 President and CEO Atty. Ray Espinosa: "Ms. Nora Aunor never asked me or TV5 to choose between her and Ms. Cristy Fermin."

IMAGE 0


"Ms. Nora Aunor never asked me or TV5 to choose between her and Ms. Cristy Fermin. There is absolutely no truth to this rumor," says TV5 President and CEO Atty. Ray Espinosa about rumored rift between Superstar Nora Aunor and Cristy Fermin. Nora is the lead actress in TV5's current mini-serye Sa Ngalan ng Ina, while Cristy Fermin hosts entertainment shows like Juicy Express and Paparazzi on the sa


Nilinaw na ng TV5 president and CEO na si Atty. Ray Espinosa ang balitang gusto diumanong ipatanggal ng Superstar na si Nora Aunor ang entertainment columnist na si Cristy Fermin sa Kapatid network.

Sa ngayon ay nagho-host si Cristy ng dalawang showbiz talk shows sa TV5: ang daily na Juicy! Express at ang weekly na Paparazzi.

Mayroon din siyang radio-TV program sa AksyonTV, ang news channel ng TV5.

Sa text message na pinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, Oktubre 4, inilahad ni Atty. Espinosa ang mga naging meeting niya sa bida ng TV5 mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina.

Aniya: "Ms. Nora Aunor never asked me or TV5 to choose between her and Ms. Cristy Fermin.

"There is absolutely no truth to this rumor.

"The meetings I've had with Ms. Aunor, which except for one, were all upon my request, were for the purpose of discussing an extended talent contract with TV5.

"The one meeting we had at her request was for the purpose of thanking TV5 for the work opportunities that we have offered to her."

THE ORIGIN. Nagsimula ang isyung ito nang lumabas ang usap-usapan na naringgan umano ang nagbabalik na aktres na nagsalita laban sa TV host.

Bunsod umano ito ng mga hindi magandang writeup ni Cristy sa mga column niya noong 2008.

Ilan sa mga ito ay patungkol sa pamumuhay ng aktres sa Estados Unidos kasama ang kanyang matalik na kaibigang si John Rendez, na dumating din kamakailan sa bansa.

Nakaabot daw ang mga nilalaman nito kay Nora kahit noong nasa States pa siya.

Ayon sa ulat ni Jojo Gabinete, na nailathala dito sa PEP kahapon, Oktubre 3, may nakasaksi umano na tinanong ni Nora kung ilan ang programa ni Cristy sa TV5. (CLICK HERE to read full article.)

Pagkatapos ay nagsalita raw ang aktres ng, "It's about time na mamili ang station sa aming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit nagbigay linaw dito ang confidante ni Nora na si Albert Sunga.

Sa text message na pinadala ni Albert kay Jojo, sinabi ni Albert, "Ang sinabi ni Ate Guy, kakausapin niya si Nay Cristy.

"Remember na nagkausap at nagkita na sina Ate Guy at Nay Cristy sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ate Guy sa 'Pinas, dahil pumayag si Ate Guy na pa-interview kay Nay Cristy para sa Paparazzi?"

Sa kabilang banda, naging matalinghaga naman ang sagot ng entertainment columnist nang tanungin siya tungkol sa isyung ito.

Ani Cristy, "Napakatagal ko nang nananahimik. Maraming paraan para sumagot ako pero dahil sa respeto ko sa mga ehekutibo ng TV5 at sa mismong istasyon, wala akong sinasabing anuman.

"Pero alam ko ang buong katotohanan ng kuwento."

Sa pananalita ni Cristy, mukhang hindi pa natutuldukan ang isyung ito.

Gayunpaman, ang pagbigay ng statement ngayon ni Atty. Espinosa ay inaasahang makakapagbigay-linaw sa mga usap-usapang kung saan-saan nanggagaling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN