Manny Pacquiao buys himself a Ferrari Italia 458 as advance birthday gift; denies wife Jinkee Pacquiao filing for annulment

IMAGE 0


Manny Pacquiao's wish on his next birthday: "Pagbabago at siyempre pagmamahalan sa bawat isa. Walang kaguluhan, lalo na sa ating bansa. Katulad ng sinabi ni Presidente [Noynoy Aquino], matuwid na daan. Going straight na tayo at mabait na. Sana dinggin ng mahal na Panginoon at sana sama-sama tayong magdasal para sa magandang kinabukasan nating lahat."


Para sa isang katulad ng boxing champ and Pound-For-Pound King na si Manny Pacquiao, hindi nakapagtatakang milyun-milyong piso ang halaga ng birthday gift niya para sa kanyang sarili.

At yong nga ang ginawa ni Pacman: bilang birthday gift, niregaluhan niya ang sarili ng isang mamahaling sasakyan.

Ito ay isang Ferrari Italia 458 model na tinatayang nagkakahalaga ng $309,000.

Ayon kay Manny sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central, "Pa-birthday ko sa sarili ko, tsaka mabuti na lang na mag-enjoy na lang."

Magdiriwang ng kanyang 33rd birthday si Manny sa December 17, 2011.

Ayon sa Ferrari.com, ang 458 Italia model ang pinarangalang World-Performance Car of the Year.

Nanalo na rin ito ng higit sa 30 international awards, kasama na ang The Best Performance Engine.

At ngayong papalapit na ang birthday ni Pacquiao, ito raw ang pinakaaasam-asam niya para sa sarili at sa lahat ng Pilipino:

"Pagbabago at, siyempre, pagmamahalan sa bawat isa.

"Walang kaguluhan, lalo na sa ating bansa.

"Katulad ng sinabi ni Presidente [Noynoy Aquino], matuwid na daan.

"Going straight na tayo at mabait na.

"Sana dinggin ng mahal na Panginoon at sana sama-sama tayong magdasal para sa magandang kinabukasan nating lahat."

PACQUIAO-MARQUEZ FIGHT. Samantala, tuluy-tuloy naman ang dibdibang pag-eensayo ni Pacman para sa kanyang nalalapit na laban kay Juan Manuel Marquez.

Ang laban ay nakatakda para sa November 12, 2011, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, U.S.A.

Kaugnay nito, may mahalagang paglilinaw si Manny para sa mga fans sa San Francisco na inaabangan na raw ang kanyang post-fight show.

Nakagawian na kasi ni Pacman na mag-konsyerto matapos ng isang laban, kahit di pa man nito alam kung panalo o talo.

"Gusto ko lang pong ipalaam sa inyo na after ng fight ko this coming November 12 ay wala pong show na gagawin diyan sa San Francisco.

"Kaya baka po mag-expect kayo, at hindi po totoo 'yan, at wala po akong commitment diyan, at pasensiya na po kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"By next year pa po siguro ang schedule namin.

"Hindi pa po final yung date, tentative pa po yung date by next year with GMA-7 po," sabi ng international celebrity.

ANNULMENT? Itinanggi naman ni Manny ang balitang magpa-file ng annulment ang misis niyang si Jinkee Pacquiao para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Ito ay kaugnay ng lumabas na reports na may ibang babae na naman si Manny at mayroon na raw silang anak.

Nakatuon daw ang pansin ngayon ng Pambansang Kamao sa laban nila ni Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN