Toni Gonzaga on shorter hairdo: "Ganun yata talaga yun pag nadadagdagan ka na ng edad, mas gusto mong gumawa ng bago."

IMAGE 0

Toni Gonzaga's new hairdo, she says, is not going to cause any problem with her shampoo endorsement. She tells PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Oo, kasi mabilis naman humaba yung buhok ko, e."

There's also no need for her to seek boyfriend Paul Soriano's approval, "Hindi naman siya nakikialam sa mga ganitong bagay about me."


Bago pumasok ang 2012, naging scene stealer ang bagong hairstyle ni KC Concepcion, na noon ay nasa "moving on" phase sa breakup nila ni Piolo Pascual.

Nitong huli naman, napansin din ang bagong gupit ng host-actress-singer na si Toni Gonzaga.

Naintriga tuloy ang karamihan: may pinagdadaanan ba si Toni sa kanyang buhay o kaya'y lovelife?

Ang common notion kasi ay may kahulugan daw ang biglaang pagpapagupit ng mga babaeng nag-maintain ng mahabang buhok sa mahabang panahon.

Kaya naman, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni kahapon, January 16, sa set ng Happy Yipee Yehey!

Ang paliwanag ng dalaga, "Kasi birthday ko, e. Kasi na-realize ko, na pang-eight ko nang birthday sa ASAP.

"So, pinanood ko yung mga prod [production numbers] na ginawa ko sa ASAP.

"Tuwing magbe-birthday ako, iisa yung 'itsura ko. Yung buhok ko mahaba, kulot.

"Sabi ko, para lang maiba.

"Saka ganun yata talaga yun pag nadadagdagan ka na ng edad, mas gusto mong gumawa ng bago."

SETTING A TREND? May pinaggayahan ba siya ng kanyang bagong hairstyle o siya ang magpapa-uso nito?

"Wow! Pauso talaga, ha?" sabay tawa niya.

"Hindi, hanggang dito lang talaga yung buhok ko, kaya lang nag-e-extension ako," sabay muwestra niyang hanggang balikat lang yung haba ng kanyang buhok.

"So, ayun, hinubad ko na yung [hair] extension, then pina-trim ko lang ng kaunti.

"Kasi nung nag-PBB [Pinoy Big Brother] opening, nagpagupit na ako nun ng ganito.

"E, ngayon lang siguro talaga napansin kasi hindi ko na sinusuot yung extension.

"Wala namang nagbago. Wala namang meaning ito."

WITH BOYFRIEND'S CONSENT? Wala rin daw kinalaman ang boyfriend niyang si Paul Soriano sa kanyang bagong hairdo.

Aniya, "Nagpaalam ba ako? Wala! Wala namang pagpapaalam na naganap.

"Sinabi ko lang sa kanya na, 'I'm going to Alex Carbonell, he wants a new look for my birthday.'"

At hindi naman daw nakikialam si direk Paul tungkol sa kanyang ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HAIR CARE TIP. Bilang napag-uusapan ang buhok, isa lang daw ang kanyang maipapayo sa kanyang mga tagahanga.

"Honestly, conditioner lang. Always apply conditioner lang talaga in your hair.

"Lalo na kung yung hair mo, laging bino-blow dry, pinaplantsa at nagpapa-color, it's very important na laging nagko-conditioner."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN