Shamcey Supsup on entering showbiz: "I have so much planned that I don't know if I can handle more of it pa."

IMAGE 0


Shamcey Supsup, an architect, on her dream house: "Ako, I want just a small and simple house. I don't want it that big. Yung tama lang. Basta I want it to have a library and a small media room. Yun lang, okay na. I don't need a place that big."


Wala pa rin daw lubos na pahinga si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup dahil na rin sa kanyang busy schedule matapos siyang makauwi sa Pilipinas mula sa sinalihang international beauty pageant.

"Still no rest. Every day we have a lot of schedules."

Ito ang sagot ni Shamcey nang kumustahin siya ni Boy Abunda sa live interview ng beauty queen, para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, kagabi, October 6.

Paano nabago ang kanyang buhay ngayon?

"Aside from no privacy, I mean I can't go out alone anymore. I can't go out to public places," sabi ni Shamcey.

Bakit, dahil ba pinagkakagulahan siya?

"Madalas po."

Paano niya hina-handle ang crowd?

"Well, it's hard din kasi dahil I cannot accommodate everyone," sagot ng beauty queen, na ang tinutukoy ay ang mga taong nagpapa-picture at nagpapa-autograph sa kanya.

May mga kumukurot ba?

"Wala, wala pa naman."

LIFE OF THE FAMOUS. Did she always want to be famous?

"Not in this way."

In what way?

"I want to be famous from... like, I have a work of art or a book, parang ganun.

"Famous because of something," paliwanag ni Shamcey.

Hindi niya raw inakala na ganito ang mararating niya in terms of fame. Pero ngayong nararanasan na niya ito, is she getting used to the concept of fame?

"I don't think I'll ever get used to it."

So, araw-araw ano ang kanyang schedule? Katulad ngayong marami ang nasalanta sa baha dala ng mga bagyong Pedring at Quiel, ano ang ginagawa ng Binibining Pilipinas Charities?

"Actually, we're planning for a relief operation on Saturday [October 8]. But not sure pa where specific, but it's in Bulacan."

Kasama raw ni Shamcey ang reigning Binibining Pilipinas beauty queens na sina Dianne Necio (Bb. Pilipinas-International) at Isabelle Manjon (Bb. Pilipinas-Tourism); pati na ang past winners na sina Ma. Venus Raj (Miss Universe 2010 4th runner-up) at Charina Gatbonton (Bb. Pilipinas-World 2010).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AN ARCHITECT AND A TEACHER. Nag-graduate na magna cum laude si Shamcey sa University of the Philippines sa kursong Architecture. Nag-top din siya sa 2010 Architect Licensure Examination.

Bilang isang architect, i-describe niya nga ang kanyang dream house.

"Ako, I want just a small and simple house.

"I don't want it that big. Yung tama lang.

"Basta I want it to have a library and a small media room.

"Yun lang, okay na. I don't need a place that big."

Sa isang interview ni Shamcey, inamin niya na gusto niyang maging teacher. Bakit niya gustong maging teacher?

"Because I think a teacher has a great influence on the students.

"Like ako, I have some great teachers that I can remember and I want to be like that," saad niya.

IS FAME AN ISSUE WITH HER BOYFRIEND? Sinabi niya sa unang bahagi ng interview na nawawalan na siya ng privacy dahil sa pagiging sikat niya.

Nagku-complain ba ang boyfriend niya na si Lloyd Lee?

"I think he's prepared naman for it, e," sagot ni Shamcey.

Pero pinag-uusapan ba nila ito?

"Yes, we always say that this is part of the journey. And it's gonna be... this one's not gonna be permanent."

Paano niya ito ipinapaliwanag sa boyfriend? Paano nila napapanatili na hindi naaapektuhan?

"We always say that what's important is ano yung alam namin.

"It doesn't matter what people talk about us."

HESITANT TO ENTER SHOWBIZ. Pinag-usapan din nina Boy at Shamcey ang tungkol sa showbiz, lalo na nga't kamakailan ay tinanggap siya bilang Kapamilya nina ABS-CBN chairman Gabby Lopez at president Charo Santos-Concio.

Papasok ba siya sa showbiz?

"Not sure," sagot ni Shamcey.

Bakit, ano ba ang iniisip niya?

"Because I have so much planned that I don't know if I can handle more of it pa."

Hiniling naman ni Boy na ibahagi ni Shamcey ang mga plano niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like my firm, my archi [architectural design] firm. I want to study and pursue my masters.

"So, ang dami. Tapos I want to be a teacher."

Pero kung sakaling pumasok siya sa showbiz, saang departamento siya ng showbiz papasok?

"Siguro sa expertise ko as an architect, so sa lifestyle, ganun."

SERIOUS TALKS. Mas seryoso pang topics ang sumunod na tanong ni Boy.

Gaya na lang ng pinag-uusapang isyu ng sexual education sa Reproductive Health (RH) Bill, kung saan sinasabing dapat ang mga batang nasa Grade 5 hanggang high school ay tinuturuan na ng mga bagay na may kinalaman sa sekswalidad.

Ano ang pananaw ni Shamcey rito?

"Well, kasi it's different in different families.

"Pero for me, I think... for me, first year na ako noon, e. So, I think it's still too young.

"But I don't know if the youth is going that fast."

Mas gugustuhin niya bang marinig ito sa mga magulang o sa mga guro?

"Well, it depends. Ako, sa magulang."

Nagkaroon ba ng pagkakataon noong kabataan niya na nagtanong siya sa magulang niya tungkol sa sex?

"A bit," sagot ni Shamcey.

"Pero kasi sa akin, I don't know how I got into knowing it. Hindi ko na maalala, ang tagal na nun, bata pa ako.

"But siguro it's awkward for kids to ask their parents, that's why they learn it in school."

FAVORITE PERSON. Sino ang favorite female personality niya in the world?

"Zaha Hadid."

Si Zaha Hadid ang sikat na Iraqi-British architect na ang mga design ay nanalo sa iba't ibang international design competitions.

Noong 2008, nasa Rank 69 siya sa Forbes list of "The World's 100 Most Powerful Women."

Noong 2010 naman ay nasa Rank 42 si Hadid sa British magazine na New Statesman para sa "The World's 50 Most Influential Figures 2010."

Kabilang sa mga buildings na idinisenyo nito ay ang Maxxi sa Rome, Bridge Pavillion sa Spain, at Contemporary Arts Center sa Ohio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Boy, babalik daw si Zaha Hadid sa bansa nitong Iraq para gawin ang disenyo ng bagong headquarters ng Central Bank sa Baghdad.

If you are to visit an era in the past, what would it be?

"Nung wala pa sigurong technology. Like wala pang cell phone, wala pang TV, everything.

"I want to know how people lived without all these things."

If you are to trade places with a person in the past, who would you be?

"I said it before, Jose Rizal."

Most beautiful woman para sa iyo?

"My mom."

Most beautiful man, aside from your boyfriend or your father?

"Naku, baka magalit yung papa ko na hindi ko siya sasabihin!

"Man? A... Antonio Banderas."

You're entering the gates of heaven, sasabihin ng Diyos, bakit kita papapasukin sa langit? Ano ang sasabihin mo sa Kanya?

"Because I accepted Jesus Christ as my Lord and Saviour."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN