Nadia Montenegro keeps mum about Annabelle Rama; says kids doing fine

IMAGE 0


Sinamahan ni Nadia Montenegro ang dalawang anak na sina Ynna at Ysha Asistio sa kanilang pagdalo sa GMA Artist Center Ball kagabi, November 8. Bagamat nagpaunlak ng interview ang dating aktres, naging maiksi ang mga pahayag nito. Aniya, ipinauubaya na niya ang kasong isinampa niya laban kay Annabelle Rama sa korte at hinihiling na mabigyan ng hustisya ang kanyang mga anak.


Naganap noong November 8, Martes, ang kauna-unahang GMA Artist Center Ball na itinaon sa launching ng latest publishing venture ng GMA Network—ang Profiles.

Tampok sa naturang magazine ang stable of talents ng Kapuso network.

Kabilang dito ang dalawang babaeng anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro—ang kanyang panganay na si Ynna Asistio at bunsong si Ysha Asistio.

Sinamahan ni Nadia ang menor de edad pang si Ysha, samantalang si Ynna naman ay ka-date ang boyfriend nitong si Mark Herras.

Bago tuluyang makapasok sa loob ng Rizal Ballroom ng Shangri-La Hotel Makati ay nagpaunlak si Nadia ng maikling interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito ay diretso siyang tinanong tungkol sa isinampa niyang kasong child abuse sa manager ng kanyang mga anak na si Annabelle Rama. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Nadia, "As much as I'd want to [talk], I can't because it's a child abuse case

"And it's already in court, so I really can't say anything about it."

Kumusta naman siya at ang kanyang pamilya sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap nila ngayon?

"I'm okay. The family is okay.

"We're stronger as ever, getting stronger; and we're just taking it day by day; and overwhelmed with the support.

"And like what I said [before], this is not about me, this is about my children.

"I am just doing my job as a mother."

In particular, kumusta naman ang lagay ng kanyang mga anak na nasasangkot sa kaso?

Matatandaang bukod kina Ynna, 20, at Ysha, 6, dalawa pang anak ni Nadia ang nag-aartista sa pangangalaga ng Royal Era Talent Management company ni Annabelle.

Sila ay sina Alyanna, 17, at Annika, 15, na parehong napanood sa TV5.

"They're okay. Ynna's fine because she understands what's happening.

"Yanna [nickname ni Alyanna] and Ika [nickname naman ni Annika] are also okay.

"But, of course, madaming questions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung tayo ngang mga adults na, e, naguguluhan pa, e, [what more sila].

"No one naman ever expected it to reach this point.

"But then again, wala na akong choice.

"I really have to fight for my children."

Pagkatapos nito ay ipinatawag na si Nadia sa loob ng venue kaya hindi na siya nakapagbigay ng komento tungkol sa kasong libel na isinampa rin niya laban kay Annabelle.

Kaugnay naman ito ng posts ng dating kaibigan na talent manager na umano'y pinatatamaan siya sa Twitter.

Sa huli, iniwan ni Nadia ang kanyang mensahe sa kung ano ang nais niyang kahinatnan ng kontrobersiyang ito:

Aniya, "Justice. Justice lang.

"Pagbayaran lang lahat ng mga ginawang paninira, managot lang sa lahat ng kasalanan.

"And, again, just the truth."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN